Isang linggo na akong pabalik-balik sa condo ni Sai pero wala namang sumasagot. Hindi rin siya nagtetext o tumatawag. Not so typical of him pero plano niya ba talaga akong iwan? Andami nang pumapasok sa utak ko. Hindi ko naman alam kung sino ang tatanungin ko o kanino ako lalapit...
I decided to visit the guidance office...
Working Scholar: Hi Miss Dani! What can I do for you po?
Danica: Hi dear! Nandiyan ba si Doc Blanco?
WS: Sorry po Miss but nagleave po si Doc this sem po baka next sem pa siya babalik kung hindi man matuloy na magresign siya....
Danica: Magreresign siya? Why?
WS: Ahhh kasi po magreresidency na po yata si Doc sa New Zealand...hindi lang po ako sure...
Natigilan ako sa narinig ko....nag-isip...why didn't he tell me? Nasaan ba siya?
Danica: Ahhh sige dear...thank you! Have a nice day.
I was calling his number pero hindi talaga makapasok yung call ko. Pabalik na 'ko ng office when I saw Max...
"Hoy Dani! Anong nangyari sayo? Bakit nakasimangot ka diyan?"
"Eiiii...kasi hindi ko pa rin nakakausap si Sai...hindi ko rin alam kung nasaan siya..."
"Hindi ba niya pinaalam sa'yo? Pumunta siya ng NZ kasi may isusubmit daw na case study...He's also working on his requirements for his residency"
"Paano mo alam?" tanong ko sa kanya...confused at how she knows everything eh wala naman akong alam....
"Nag-usap kasi sila ni Jade last week...nasabi niya na babalik siya sa NZ" "Nga pala...di mo ba nabasa ang sulat?" dagdag pa niya...
"Anong sulat?"
"May sulat kasi akong nakita sa sahig ng condo mo last week nung nag-inuman tayo...nilagay ko sa drawer ng table mo...di ba sinigaw ko pa sa'yo? Hindi mo narinig?"
"Hindi...ah sige... I'll go..."
"Huwag magdrama ha...just call me after reading the letter...call ako sa inuman ulit..." sabi pa niya.
Umuwi ako nang maaga para mabasa ko ang letter. Kaya siguro hindi ko siya macontact kasi nasa ibang bansa na siya....May topak talaga to si Sai...pag nakita ko siya babatokan ko talaga 'yon! Hindi man lang nagpaalam!
Dear Dani,
Aalis ako bukas. I'll be going back to New Zealand. I need to do things kasi...baka matagalan bago ako makabalik. Use this time to think things through. Huwag mong pahirapan ang sarili mo. I don't know if you'll still want me after this..since ayaw mo naman ng LDR pero I will respect whatever your decision is...live...free from worries and heartaches. Huwag mong hayaan na mapuno ng lungkot at sakit ang isipan mo. Free yourself from that and surely you will be happy. I won't say I'll be back kasi baka wala na akong balikan. Kung makahanap ka man ng iba I will be the first person to be happy for you. I hope he will always be there and he will love you wholely. Thank you for loving me.
PS I've been in love with you since the first time I saw you kaya nga finollow kita agad sa IG kahit hindi pa tayo magkakilala. I will always love you Dani. Huwag mo sanang isipin na niloko kita because Alexa was nothing but a patient. She needed my help badly and I didn't have the choice to refuse kasi meron kaming oath but if it's any consolation Alexa asked for my help because she was harassed...Oliver was a friend of mine but he betrayed me...even if you ask Camilla. She knows everything.
PSS I hope this will make you feel better. Live well my Dani. I will always wish for your happiness. Goodbye, my love.
Sincerely,
Simon Aizen
So this is how he bids goodbye, huh? He can't even say this to my face? Is he breaking up with me? Hindi man lang sinabi na hintayin ko siya?
I texted Max... Kailangan kong lunurin ang sarili ko sa alak. Masakit din kasing maiwan. It felt like a breakup letter.
"Ayoko na sa kanya Max! Iniwan niya lang din ako! Manloloko talaga 'tong mga lalaki! Tama talaga si Dara! Cheers para kay Dara!" sabi ko pa nang lasing na lasing na ako....
"Dinamay mo pa si Dara...baka magising 'yon! Uy Bruha ka"
"Hindi ko akalaing sobrang sakit pala Max! Ang sakit sakit kasi hindi man lang siya nagpaalam!!!!" sabi ko sabay hagulgol.
"Masakit ba talagang maiwan? Parang ayoko nang magpaiwan niyan eh...."
Wala na akong nasabi. Panay iyak lang ako....Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko mapigilang umiyak.
Days passed at panay lang kami inom nina Max...minsan kasama si Dara at Dave hanggang sa napagod na akong uminom. Hindi na rin kasi pwede dahil nag-umpisa na ang klase. Ginugol ko ulit ang oras at panahon sa Research. Nilunod ko ang sarili sa mga papel ng students. I asked them to do a lot of papers para marami akong basahin. Wala nang matira para mag-isip kasi sa tuwing wala akong ginagawa si Sai lang ang naaalala ko.
Ilang linggo na rin ang dumaan at wala na akong ibang ginawa kundi magpakabusy sa trabaho. Hindi ko na nga napansin kung anong petsa na? Ano na nga ba? Hindi na nagpaparamdam ang mga kaibigan ko....kung kailan kailangan ko sila...ngayon pa sila hindi nagpaparamdam. Medyo tahimik din sa GC minsan lang pagnagchachat si Zeke ng mga random memes or videos na siya lang ang natatawa. Busy yata talaga ang mga tao ngayon...wala nang time to chill...Namiss ko tuloy sila dito sa condo...yung bigla na lang silang pupunta nang walang pasabi...magdadala ng drinks at food.
It hit me. Baka ayaw na nila sa akin? Baka nagalit sila sa akin? o baka pagod na sila sa drama ko sa buhay. Hindi ako mapakali. Hindi ko magawang ngumiti man lang...hindi ko maintindihan ang sarili ko. I took a leave for a week. Wala akong gana na naman. Gabi-gabi iba-iba ang naiisip ko. Minsan naiisip ko na lang mawala. Gusto kong maging hangin na lang na walang kasama at hindi nagtatagal sa iisang lugar. Baka nga manhid ang hangin...maganda rin minsan maging manhid.
Hindi ako lumalabas ng kwarto. Ako lang naman din mag-isa at wala namang naghahanap sa akin....
Nagmumukmok ka na naman gurl! Kayanin mo 'yan...
*DING DONG*
Bigla akong nagising...napabalikwas ng bangon...sino kaya ang bumisita? Sana lang talaga...hindi ko na chineck kasi nawala na sa isip ko...
I opened the door at nakita ko si Jade. Nakapormang aalis.
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya na puno ng pagtataka.
"Mamayang gabi na ang flight ko papuntang Japan..."sabi niya excitedly.
"Pa'no na si Max?!" sabi ko na nagulat at nag-alala. Nawala ang ngiti sa labi niya...
"That's my purpose for coming here..."
"Bakit?"
"She broke up with me...." Sabi niya and I can see pain in his eyes. Same feeling.
"Why?!"
"Ayaw niya ng long distance." He said calmly.
"So paano 'yan?"
"I don't know...pero hindi ko naman pinigilan...
kung 'yan talaga gusto niya kasi baka mapagod siya kakahintay sa akin...."
Nalungkot ako lalo....
"Ano ba naman...wala na ba akong matatanggap na masayang balita?!" sabi ko sabay tingin sa elevator na nagding...Nakita kong lumabas doon ang dalawang lalaki. They were both attractive...pero mas nafocus ang paningin ko sa lalaking naka-eyeglasses.
Napalingon si Jade at napangiti.
"Ayan na...that's a good news over there..."
BINABASA MO ANG
Lovesick Chamber
RomanceTo someone who needs comfort and sanity. Nothing can ever make you feel better than showering yourself with so much love and positivity. Having someone who loves and understands you is a consolation. Love is never fragile to someone who truly loves.