It's been more than half a year since nakabalik si Sai dito sa Cebu. After that dinner, he always tried to make time for me. Minsan late na kami nakakauwi-sumasabay siya sa akin. He's busy with his work lalo na as a guidance counselor. Marami ding young girls na bumibisita sa kanya sa office...mostly nagpapacute lang. He might be a Psychiatist pero hindi siya friendly. He has an intimidating aura pero magaling siya sa mga bata.
Hindi na ako masyadong busy sa school kasi nag end na ang semester. Wala na rin masyadong tasks. I was done with my clearance and all I need to do is relax and wait for our scheduled trip. Mag-eevaluation daw kasi kami sa Department and we will have a trip to Bantayan Island and we'll stay there for 3 days. Evaluation and planning is just an excuse to have an end of school year trip. All departments plan it and teachers always look forward to it. 2 weeks to go before that trip. Hindi rin makakasama si Sai kasi marami siyang kailangan gawin sa clinic and hospital for fellowship and seminars.
Nasa condo lang ako hinihintay ang oras. Typical summer vacation ko na ang magtambay sa bahay. I seem to have a special skill na I can stay at home for a whole month or two kaya normal na sa akin ang nasa bahay lang lagi. I was busy cleaning my place when someone knocked on my door.
"Hi!" sabay na sabi nina Cams and Don. May dala silang snacks na banana cue and soda. Perfect. 3pm na pala. Hindi ko man lang namalayan ang oras.
"Hindi ka na naman kasi lumalabas ng condo mo kaya kami nalang ang pumunta dito..."
"Wala rin kasi akong gagawin sa labas. Makakasave pa ko sa gastos kung dito lang ako..."
"Ang sabihin mo...wala kang ka-date....bakit kasi ayaw mo pang ligawan ka na ulit ni Sai. Eh di kilig ka na sana ngayon."
Oo nga pala. Hindi pa updated ang friends ko about my relationship status. Hindi ko rin sinabi para walang magulo.
"Tawagan mo si Sai dali...para may progress na today..." sabi ni Don sabay kindat sa akin..napangiti ako....
"Eh kayo? Ano na update sa inyong dalawa? In a relationship na ba kayo?" tanong ko sa kanila – teasing....akala nila ha...alam na alam ko ang status nila.
"Eheeyyy....si Don lang naman hinihintay ko eh...alam mo naman na crush ko to noon pa..." sabi ni Cams confidently sabay kindat sa akin.
"Nakikita ko kaya kayo nagdedate...ba't hindi na lang umamin?May picture pa ko dito...ano?"
"Sige ipasa mo pa sa amin.... Ikaw pinag-uusapan dito" sabi ni Don na parang na awkward pa...
"Okay...hindi ko na kayo pipiliting umamin...alam ko naman ang totoo" kinindatan ko si Don ang smiled at Cams
After a few minutes...may nagdoorbell...I went to open it.
"Hi!" sabi ni Sai smiling.... "I missed you" dagdag pa niya...napangiti tuloy ako.
"Shhhhhhh...nandito si Cams and Don...huwag kang maingay...hindi pa nila alam"
He peeked and went Ohhhh nang mapansin sila.
"Uy! I was about to text you to come! Psychiatrist ka nga... nasense mo ang desire namin to have you here" sabi ni Cams na nasa likod ko na at nakangiti. Kinikilig na naman.
"May kukunin kasi akong files sa condo and decided to check up on her.." sabay turo sa akin
"Ooooooy! Bakit? Nanliligaw ka na ba?"
He was about to answer when Aki and Zeke came.
"Ano 'to reunion natin? Kompleto tayo ngayon ah...." Sabi ni Aki. Si Zeke na nawala ang ngiti nang mapansin si Sai.
"Uy...nandito pala karibal mo bro..." sabi ni Aki kay Zeke
"Mas gwapo ako diyan hoy!" sabi pa niya..
"Gwapo nga pero talo ka pa rin sa crush mo..." sabi ni Aki na nanunukso. Zeke held his chest and acted like it hurt.
"MGA LOKO!"
"Wala kasing work today kaya naisipan naming mang crash dito... magkaraoke tayo...may dala din kami..." - Aki
Nagdala sila ng Chips, JCo and drinks.
"Sige pasok na kayo...sayang ang oras..." sabi ni Don. Comfortable silang lahat sa condo ko kaya pumasok na sila and nagset-up. Sinenyasan ko si Don na sasamahan ko si Sai and he nodded.
Hindi na pumasok si Sai dahil nga may kukunin daw siyang files sa condo niya...so sinamahan ko siya doon.
"Busy ka tonight?" tanong niya sa akin nang makapasok na kami sa condo niya.
"Baka...hindi aalis ang mga mokong for sure...baka umagahin na sila sa condo ko...ikaw ba busy din...?"
"Matatapos ako ng mga 8pm..." sabi niya sabay tingin sa akin
"Doon ka na magdinner sa condo...magluluto ako.."
He smiled.
Pinabalik ko siya ng condo ko to have some snacks bago siya umalis pabalik sa clinic niya.
"Bro? Kayo na ba ni Sai?" biglang tanong sa akin ni Aki.
"Pansin ko nga...parang close niyo na ngayon...di ka na awkward sa kanya...and parang kayo na sa asta niyo..." sabat naman ni Cams
"Masakit ba Zee?" sabi naman ni Don
Sabay-sabay kaming tumingin kay Zeke na napasulyap sa akin*
"Huwag ganon bro...baka mabuking kayo ni Cams" balik naman ni Zeke.
"Ay ganon? Huling-huli na pala ang dalawa?" tukso ko naman
"Teka lang bro...huwag mo muna ipasa...sa'yo pa tayo eh..." sabi ulit ni Aki....natigilan ako....ayokong sabihin sa kanila...Huwag muna...
"Sabihin na lang nating...we're getting comfortable...isa pa he's my neighbor....walang masama"
"Walang masama...masama 'yan... sa puso... ko" pabulong na sabi ni Zeke...napatingin ako sa kanya.
"Mabait naman 'yon si Doc. Isa pa inlove na inlove 'yon kay Dani...noon pa" sabi naman ni Cams
"He's also taking good care of her...so I'm okay...." Dagdag ni Don
"Totoo naman" ni Aki "Sorry bro...sinasabi ko lang na okay lang kung si Simon piliin ni Dani" sabi niya kay Zeke and he shrugged.
"Teka lang guys...akala ko ba magkakaraoke tayo? Hindi pa nga tayo umiinom parang lasing na tayo sa topic natin..." sabi ko naman to break the topic.
One good thing about that conversation is knowing na they approve of Sai. At least hindi na awkward sa friends ko and they know him na din so wala akong magiging problem.
Maagang nauwi silang lahat. Kesyo may lakad daw sina Don and Cams. Birthday daw ng kapatid ni Zeke kaya kailangan niya umuwi for dinner and si Aki naman ay sasama kay Zeke...may masarap na pagkain daw kasi...so nagluto na lang ako for dinner namin ni Sai.
I was preparing the table nang may nagdoorbell...
"Hi! Ulit!" sabi agad ni Sai smiling. Pagod na pagod siya and he looked stressed so pinainom ko muna ng tubig.
"Wala akong dala today, Sorry. Papakainin mo pa rin ba ako?"
"Baliw! Kain na tayo...gutom na ako"
"Wait...nasaan na sila? Bakit nawala na?" nang mapansin niyang kami na lang palang dalawa
"Umuwi sila...may kanya-kanyang lakad daw kasi..."
"Busy sila... so ano to dinner date?" tukso niya sa akin...
"Feeling mo!!! Akala ko kasi dito sila hanggang mamaya..."
"Akala ko pa naman..."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may tumawag sa kanya. I saw how shocked he was when he saw the name. I peeked and saw a familiar name....someone I think I know..nakita kong pinagpawisan siya bigla and then looked at me. Kinuha niya agad ang phone.
BINABASA MO ANG
Lovesick Chamber
RomanceTo someone who needs comfort and sanity. Nothing can ever make you feel better than showering yourself with so much love and positivity. Having someone who loves and understands you is a consolation. Love is never fragile to someone who truly loves.