Scene. School - Thursday, Morning.
Unang araw ng pasukan, habang naglalakad ako sa hallway, papasok ng silid aralan ay may nakita ako student na pumukaw ng atensyon ko. Habang naglalakad ako papasok ay nakatitig lang doon kay Matt. Si Matt ay matangkad, binata, cute, gwapo, matalino at masipag.
Pagpasok ko sa room ay agad ko siyang kinausap. Alam kong maraming bakanteng upuan sa harap pero mas pinili ko na pumunta sa likod, para umupo katabi sa Matt.
Joshua: Hi classmate, may nakaupo ba dito?
Matt: Wala naman nakaupo diyan, first day pa lang naman ng klase. Wala pa naman yung iba nating classmate ang aga pa kaya.
Joshua: Ahh... sige dito na lang ako uupo. By the way I'm Joshua... Joshua Cruz, nice to meet you.
Nakipagkapamay si Joshua kay Matt.
Matt: Hi, I'm Matt... Matt Garcia, nice to meeting you too.
Ilang minuto ang lumipas, nagsidatingan na ang mga kaklase namin. Nakaupo sila kami sa likod ng huling hilera ng mga upuan. Sa wakas ay dumating na rin ang aming guro. Pagpasok ng aming guro ay nagpakilala ito.
Christian: Hi class my name is Christian B. Arceo, ako ang magiging adviser niyo sa NSTP subject niyo ngayong semester. Marami ako hawak na subjects and students sa school na to, kaya pasensya kung nalate ako. Mabait ako kung magiging mabait kayo sa akin. Mataas ako mag bigay ng grades sa mga student na deserve makakuha ng mataas na grades. Understood class.
Class: Yes Sir.
Christian: Okay class magpapakilala kayo isa isa para malaman ko ang mga pangalan niyo. Mag uumpisa ang sasabihin niyo sa pangalan, edad, kailan pinanganak, saan nakatira at sa kasabihan o motto niyo sa buhay. Mag umpisa tayo sa mga boys na nasa likod, You stand up then punta sa harap and introduce yourself.
Tumayo si Matt at napakakisig niyang maglakad. Pumunta siya sa harap at nagpakilala.
Matt: Hi classmates, My name is Matt C. Garcia. I'm 21 years old. I was born on November 20, 2001. I lived in Olaes here in Cavite... I don't memorize the address of our house dahil bago pa lang kami dito. My motto in life is "Time Is Gold". Yun lang po, maraming salamat.
Pumapalakpak silang lahat.
Christian: Thank you! Mr. Garcia, you may now take your sit. Next student.
Tumayo si Joshua at pumunta sa harap para magpakilala
Joshua: Hi classmates, My name is Joshua L. Cruz. I'm 22 years old. I was born on April 8, 2001. Blk 62 Lot 9 Alta Tierra Brgy. Olaes GMA, Cavite. My motto in life is "Ang buhay ay parang pampasaherong sasakyan, tulad ng jeep, kung may aalis wag mawalan ng pag-asa dahil mayroong bagong darating". Yun lamang po maraming salamat.
Nagpalakpakan sila ulit.
Konting oras na lang ay mag-lulunch break na, sa kapal ng mukha ko ay inaya niya si Matt sa para kumain dahil wala pang akong kaibigan sa school at si Matt pa lang ang naging unang nakilala ko, ngunit tumanggi ito sa alok ko.
Joshua: Matt, mag lu-lunch na. Break na kaya, gusto mo bang sumabay?. Wala kasi akong kasabay kumain eh, ikaw pa lang kasi nakilala ko dito at sana maging kaibigan kita.
Matt: Pwede tayong maging kaibigan pero may kasabay na kasi akong kumain, yung girlfriend ko.
Joshua: Ahh ok, o siya mauna na ako sayo.
Matt: O sige, ingat ka bro tapusin ko lng tong ginagawa ko, kakain na rin kami.
Joshua: See ya!
Matt: See ya bro!
Scene. MCDO - Thursday, Afternoon.
Pumunta si Ako sa McDo, katabi lang ng school yung kakainan ko. Ako ay kakain nanaman mag-isa. Pagpasok ko ay nag-order na ako ng pagkain at umupo ako malapit sa harap ng pinto para makita ko kung sino ang mga pumapasok. Ilang minuto ang nakalipas ay biglang pumasok si Matt, kasama ang kaniyang magandang girlfriend na si Almira, si Almira na ubod ng arte kahit saan mo ilugar. Nag order sila ng pagkain at tumabi sila malapit sa lamesa kung saan ako naka-upo at kumakain. Tinititigan ko silang dalawa na masaya habang nag kwkwentuhan, habang nakatingin ako sa kanila ay napansin at nakita ito ni Matt.
Matt: Hi Joshua.
Joshua: Hi Matt.
Naubos ko na ang kinakain ko at sila ay nauumpisa pa lang kumain. Kaya pagtapos kong kumain ay bumalik na ako sa silid aralan. Paglabas ko ng pinto ay para bang sumama yung pakiramdam ko, kaya nagmadali na akong bumalik sa silid aralan.
Joshua: Matt, una na ako sa inyo baka ma-late pa ako sa klase natin. See ya!
Matt: Sige, pag tapos neto papasok na rin kami. See ya bro!
Pumasok na ako klase at umupo. Ilang minuto ang nakalipas dumating na siya. Hanggang sa nagsimula at natapos ang klase namin, sabay sabay na kaming pinauwi ng aming guro.
Christian: Okay class, dismiss.
Class: Good Day, Sir.
Anong oras na rin akong nakauwi dahil sa pag lilinis ng silid aralan. Habang naglilinis ako ng kalat ay may napansin ako sa ilalim ng upuan ni Matt, nakita ko ang wallet niya. Dali-dali ko itong kinuha para maihabol ko ito sa kaniya, ngunit paglabas ko ng silid aralan, hanggang sa labas ng school ay hindi ko na siya na abutan. Inisip ko na idaan ko na lang kaya yung wallet niya sa bahay nila. Ngunit naalala ko na hindi nga pala binigay ni Matt yung address nila, dahil ang sabi nito ay bago pa lang sila rito. Kaya tinignan ko ang laman ng wallet niya, upang makahanap ng impormasyon na pwedeng magamit sa pagbalik ng wallet niya. Sa loob ng wallet ay may lamang pera at credit card. Sa paghahanap ko ay may nakita akong papel, na naka-ipit sa pinaglalagyan ng picture. Nakita ko ang contact number ng mommy niya, kaya tinanawagan ko ito.
BINABASA MO ANG
SA HINDI INAASAHAN [COMPLETED]
RomanceAng kwento ni Joshua na umibig sa kaklase niya na si Matt. Sa kanila lang iikot ang kwento. Si Matt ay mayaman at suplado na may girlfriend na maarte. Gamer at matalino sa klase. Siya ang tutulong kay Joshua na maging masaya sa kabila ng hirap na k...