Part 3: Ang Buhay ni Joshua

25 2 1
                                    

Joshua: Laki naman kwarto mo at ang gaganda ng mga gamit mo.

Matt: Dahan dahan lang sa paghawak ng mga yan mamahalin yan, mahal pa yan sa buhay mo.

Joshua: Sungit naman neto, hinawakan at tinitignan ko lang.

Matt: Huy! Sabing dahan dahan lang. Mag ingat ka sa hinahanawakan mo, babasagin yan.

Dahil sa hindi ako nag-iingat sa mga gamit nya. Nagkamali ako ng hawak nito at kaya nakabasag ako.

Matt: Yan na nga ba sinasabi ko sayo, sabing dahan dahan nabasag tuloy.

Claire: Anak, ano yung nabasag?

Matt: Wala po yun, ma.

Claire: Anak, narinig ko yun ano nga?

Matt: Yung baso po, nalalag ni Joshua.

Claire: Sino nakabasag? 

Natahimik kaming dalawa. Aamin na sana ako ngunit biglang sumagot ni Matt

Claire: Sino nga?

Matt: Ako po mommy, sorry po.

Claire: Hayaan mo na bibili na lang bago bukas.v Matulog ng maaga dahil pupunta tayong SM bukas. Sige na linisin na yan tapos matulog na kayo.

Matt at Joshua: Opo.

Joshua: Salamat nga pala sa pagtanggol mo sakin. Sorry hindi ko agad na sabi ako yun, Nakikitulog na nga lang ako dito nakabasag pa.

Matt: Hayaan mo na yun sabi naman ni mommy bibili na lang ng bago. By the way, ayan na pala yung mga susuotin mo.

Joshua: Okay, sige ligo lang ako.

Habang naliligo ako nakalimutan ko yung tuwalya na hiniram ko sa kanya doon sa kama. Kaya pinaabot ko ito sa kanya.

Joshua: Matt, pakiabot naman nang tuwalya sa kama, nakalimutan kong dalhin pasensya na ulit. Nakahubad na kasi ako, ayoko lumabas nakakahiya makikita mo yung junjun ko.

Matt: Okay, eto na para matapos ka na. Papasok na ako. Bakit kasi kinakalimutan? 

Pag-abot niya sa akin ng tuwalya hindi ko namalayan na kamay niya na pala yung nahawakan ko kaya paghatak ko siya papalapit sa akin, kaya nagkalapit at nagkatitigan ang aming mukha ng 20 seconds. Swerte mo Joshua muntik na kayo mag kiss haha LOL. 

Matt: Tignan mo naman kasi yung hahawakan at kukunin mo. Yan tuloy iba na nahawakan mo, Ito na yung tuwalya mo at mag bihis ka na. Nakikita ko yung junjun mo.

Joshua: Bakit anong nakakailang wala namang masama doon? lalake naman tayong dalawa.

Matt: Dami mo pang sinasabi, basta magbihis ka na lang. Maglalaro na ako doon, bahala ka na diyan.

Pagtapos kong magbihis ay umupo ako sa kama niya.

Joshua: Ang lambot naman ng kama mo.

Bigla na lang ako naluluha naalala ko yung nangyari sa akin noong nakatira pa ako sa puder ng aking ina at kinuwento ko ang buhay ko kay Matt.

Joshua: Di ko kasi naranasan yung gantong kama dahil mahirap lang kami sa banig lang kami natutulog kahit malamig. Dati kaming nakatira sa Manila, lagi akong na bubully at pinagmamalupitan ng step father ko doon kaya lumipat ako dito sa Cavite. Sorry kung umiiyak ako.

Matt: Huy! Joshua, can you please stop crying, para kang hindi lalaki niyan.

Joshua: Pasensya na ganito lang talaga ako, iyakin. Natural lang kaya sa lalaki ang umiiyak, bakit nung baby ka ba di ka umiiyak? lahat kaya tayo umiiyak.

Matt: Okay, sorry na, stop crying na. Ganito na lang bukas punta naman tayong SM bibili tayo ng kama para sa house niyo para masarap na tulog niyo. Ok ba yun sayo?

Joshua: Hala! wag ka na mag abala, ano ka ba.

Matt: Nagpapakabait na nga yung tao at binibigay na ang gusto mo. Ikaw pa ang may ayaw, blessing kaya yun. Kapalit na rin nung pagbalik mo sa wallet ko.

Joshua: Grabe naman kaimportante at kahalaga ng wallet na yan.

Matt: Bigay kasi yan ng tatay ko bago siya mamatay kaya kahit gaano kaluma yung wallet na yan hindi ko pwedeng mawala yan.

Joshua: Oo sige na, advance thank you para bukas.

Matt: Welcome Bro.

Joshua: Tulog na ako inaantok na kasi ako.

Matt: Sige na, di mo kailangan magpaalam sa kung ano man ang gagawin mo.

Jonas: Okay, Bro.

1:30 AM

Nagising ako dahil sa panaginip ko na hahalikan ako ni Matt. si Matt hahalikan ako eh mas straight pa sa ruler yun. Eh may girlfriend yun paano magkakagusto sa akin yun. Naalimpungatan ako dahil sa panaginip na yun, pagmulat ng mata ko nakayakap si Matt sa akin. Kaya ginising ko ito.

Pabulong na nagsasalita

Joshua: Matt, gising...

Nagising si Matt at nagulat na nakayakap siya sa akin kaya lumayo ito.

Joshua: Bakit ka nakayakap sa akin? eh nasa kabila ng kama mo yung unan.

Matt: Sorry, tulog ako di ko alam ginagawa ko, akala ko unan kita.

Joshua: O siya, bababa muna ako sa kusina para uminom ng tubig nauhaw ako.

Matt: O sige bumaba ka na, buksan mo yung ilaw madilim pa naman doon.

Bumaba na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Habang umiinom ako tubig bumaba si Matt na akala ko multo at ginulat ako.

Joshua: Hala! huwag ka naman manggugulat kala ko tuloy multo. Anong ginagawa mo dito?

Matt: Malamang iinom din. Ginising mo kaya ako. Sa tuwing nagigising rin ako ng ganitong oras deritso rin ako sa kusina para uminom.

Joshua: Ah... Okay.

Sabay na kaming umakyat papuntang kwarto at sabay humiga sa kama. Hindi ako makatulog kaka-isip sa panaginip kaya sinubukan kong kausapin si Matt.

Joshua: Matt, gising ka pa?

Matt: Oo bro bakit?

Joshua: Hindi kasi ako makatulog. Tanong ko lang gaano na kayo katagal ng girlfriend mo?

Matt: 2 months, bakit mo natanong bakit nag hahanap ka rin ba ng girlfriend?

Joshua: Natanong ko lang bakit masama ba magtanong sungit mo talaga. Wala akong balak maghanap kasi nag-aaral pa ako.

Matt: Yun naman pala matulog ka na maaga pa tayo bukas.

Joshua: Okay, Goodnight.

Matt: Goodnight.

SA HINDI INAASAHAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon