Part 8: Party

13 1 0
                                    

Sabado ng hapon mga 6:00PM kami ay nagbihis na para hindi malate sa pupuntahan. Nakarating kami ng 7:00PM dahil sa traffic. Pagdating sa house ng kaibigan niya, pagpasok ng entrance ay naka red carpet. Hindi ko alam na invited pala yung maarteng girlfriend ni Matt.

Matt: Tara, pasok na tayo.

Joshua: Tara na, Matt si Almira nandoon.

Matt: Oo nga noh, wait lang Joshua. Puntahan ko lang siya, saglit lang diyan ka muna.

Pumunta ako sa catering para tumingin ng pagkain dahil nagugutom na ako. May lumapit sa aking lalake ang pangalan niya ay Migs, ang gwapo niya pero mas gwapo pa rin si Matt.

Joshua: Hay! bakit ba nandito yung Almira na yan, panira naman ng party yang babaeng yan.

Migs: Hello! Okay ka lang, parang kinakausap mo sarili mo.

Joshua: Oo, para malibang.

Migs: Bakit wala ka bang kakilala dito?

Joshua: Meron, Nakikita mo yung lalake na yon?

Migs: Oo, yung kasama nung babaeng maganda.

Joshua: Oo, siya nga yung may kasamang babae na nakablue gown yan yong kasama ko. Nakikita mo yung babaeng kausap niya yan yong girlfriend niya. Imbes na ako ang kasama niya, ayon nandun siya sa girlfriend niya magkausap na parang wala lang ako sa kanya.

Migs: Hayaan mo na sila. Nandito naman ako naman ako, ako sasama sayo. By the way my name is Migs. 

Nakipagkamay ako

Joshua: Hi ako naman si Joshua. Thank you! kala ko ma-OOP na ako dito buti na lang andiyan.

Migs: Nako wala yun. Upo muna tayo doon, para makakain ka saglit tapos sama ka sa akin. Lets enjoy the party.

Pagtapos kong kumain ay hinatak ako ni Migs para maglakad lakad. Nag-enjoy kaming dalawa ng wala si Matt. Natapos kami maglakad at umupo ulit kami kung saan kami umupo kanina. Umupo na kami sa upuan para magkwentuhan ulit.

Joshua: Sinama lang ako ni Matt dito.

Migs: Ah okay.

Joshua: Nangako yan nababalik siya sandali lang siya sa girlfriend niya.

Migs: Eh bakit parang nagseselos ka, magka ano-ano ba kayo?

Joshua: Classmate/Friend.

Biglang nakiupo at sumali si Matt sa pinag-uusap namin.

Matt: Pwede ba akong sumali?

Joshua: Pwede naman, dito maupo ka sa tabi ko ayan may bakante. Migs saan na ba tayo?

Migs: Ah ano yung favorite movie at food mo?

Joshua: paboritong movie yung Cinderella tapos paboritong pagkain yung Kare - kare.

Matt: Favorite ko rin kaya yun.

Joshua: Yung Cinderella?

Matt: Yung kare - kare.

Tapos hindi ko na siya pinansin. Tinuloy na namin ni Migs yung tanungan.

Migs: Paborito ko yun. Haha

Masaya kaming nag tatanungan tapos biglang nagwalk-out si Matt haha mukhang nagselos.

Joshua: Wait lang sundan ko lang siya, Okay lang?

Migs: Okay lang, go take your time.

Syempre sinundan ko palabas si Matt.

Joshua: Bakit ka umalis?

Matt: Wala nag-uusap kayo, syempre ayoko naman makaistorbo.

Joshua: Weh.. yan din sagot ko nung kasama mo si Almira at nag walk out ako. Hindi ako naniniwala, nagseselos ka ba?

Matt: Hindi ako nag seselos. Bakit ako mag seselos? hayaan mo na nga, diyan ka na nga.

Galit niyang sagot sa akin.

Joshua: Nagseselos nga. Saan ka nanaman pupunta? Halika ka nga dito.

Matt: Hindi nga kulit bahala ka diyan, iinom na lang ako sa loob kasama si Almira.

Joshua: Okay, sabi mo eh.

Uminom nga siya nagselos kasi eh. Pero nung nakita ko na napaparami ang inom niyang alak, kaya pinapatigil ko na siya para kami ay makauwi na. Dahil iniwan siya ni Almira dahil pinapauwi na daw siya ng parents niya. Nakakaasar tong girlfriend niya, bigla na lang siyang iniwan si Matt.

Joshua: Almira, san ka pupunta iiwan mo dito si Matt?

Almira: Hinahanap na ako sa bahay pwede bang ikaw na lang bahala sa kanya please. May sinabi si Matt sa akin na gusto ka niya at kaya nagdesisyon kaming maghiwalay dahil may iba na siyang mahal. Sabihin mo sa kanya pinapalaya ko na siya. Goodbye ingat kayo sa pag-uwi mo.

Joshua: O sige, Almira mag-iingat ka din sa pag-uwi. Matt, halika na oras na magagalit na si tita, sabi niya na hanggang 10 lang tayo halika na.

Matt: Pabayaan mo ako sa gusto ko, gusto ko munang mag enjoy pwede ba? doon ka sa Migs mo tutal masaya ka naman sa kanya.

Joshua: Ano bang pinagsasabi mo?

Matt: Kasi nagsese...

Hanggang sa nagsusuka na siya sa dami niyang nainom na alak. Kaya binuhat ko siya para sinakay ko na siya sa sasakyan at para makauwi na kami.

Joshua: Anong nagsese? hay nagsuka at nakatulog na nga. Yan na nga ba sinasabi ko, tumumba ka na sa dami mong nainom. Halika na umuwi na tayo bubuhatin na lang kita.

Binuhat ko siya at isinakay ko siya sa kotse kahit mabigat siya pero kinaya ko para sa pagmahahal ko sa kanya. Ako na nagdrive ng kotse dahil lasing na siya hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila at dahil tulog na si tita ako na lang bumuhat sa kanya papasok ng bahay. Dineretso ko siya sa banyo, kasi baka magsuka siya ulit at di nga ako nagkamali at nagsuka siya ulit. Kaya pinaliguan ko na siya para malinisan at mabihisan na siya.

Joshua: Sabi ko kasi wag kang iinom ng marami yan bagsak ka tuloy. Kawawa ka naman buti na lang nandito ako para alagaan ka.

Nagising siya ulit at may sinabi sa akin.

Matt: Ikaw, wag mo akong iiwan ha.

Sinabi niya yan habang nakaturo sa akin. Pagtapos kong paliguan ay pinalitan ko na yung suot niya hinubad ang damit niya para bihisan siya ng pantulog at nagbihis na rin ako para matulog.

Joshua: Halika na, umakbay ka na ulit sa akin para madala na kita sa kama.

Paghiga ko sa kanya ay nahatak niya yung kamay ko kaya nakapatong ako sa ibabaw niya at nagkadikit yung aming labi. Nakatulog na siya, kaya natulog na din ako, sa sobrang pag-aalaga ko sa kanya nakatulog ako sa dibdib niya. Pag gising niya sumigaw siya kaya napasigaw din ako, dahil nagulat talaga ako sa sigaw niya. 

SA HINDI INAASAHAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon