Part 4: SM

15 2 3
                                    

Kinabukasan nagising ako, dahil may parang tumawag sa akin na akala ko nasa panaginip nanaman ako. Nagising ako sa tawag ni Matt dahil may pinapakuha siyang sabon na nakalimutan sa lamesa.

Matt: Joshua, gising na malalate na tayo sa pupuntahan natin maraming tao ngayon sa SM.

Joshua: Oo, eto na gising na po.

Matt: Pakiabot naman nung sabon sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng komputer, nakalimutan kong dahil papuntang banyo.

Kinuha ko ang sabon at kumatok sa pinto para ibinigay sa kaniya ang sabon.

Joshua: Matt, eto na yung sabon.

Naibigay ko ang sabon sa kanya at ilang oras ang nakalipas ay natapos na siyang maligo. Pag labas niya ng pinto ay parang angel ang lumabas sa banyo dahil sa puti ng kanyang katawan. Ang hot niya tignan kaya napanganga na lang ako sa nakita ko.

Matt: Joshua... Joshua

Joshua: O!

Matt: Ikaw na, maligo ka na.

Joshua: Okay, pahiram ako ng tuwalya.

Matt: Sige, eto kunin mo na.

Binigay niya sa akin at nagulat ako.

Joshua: Hala! wala kang brief tapos bibigay mo na yun tuwalya mo agad.

Matt: Anong masama lalaki ka naman, diba?

Joshua: Oo, sige na maliligo na ako.

Habang nasa banyo kinikilig ako sa nangyari. Ilang oras ang nakalipas ay tapos na ako maligo. Pag bukas ko ng pinto nandoon siya sa harap ko sabay punta sa kama kunwari may inaayos.

Joshua: Okay ka lang?

Matt: Ah... Oo, okay lang ako.

Joshua: Okay, sabi mo eh.

Matt: Eto nga pala yung susuotin mo.

Joshua: Dito na ako magbihis para madali at maka alis tayo agad.

Matt: Oo dalian mo na anong oras na tayo makakarating doon. Marami kasing tao doon, ayoko makipag siksikan.

Tapos na kaming magbihis at umalis na kami ng bahay papuntang SM at dahil gamit ng mommy niya ang kotse nila. Nag-commute na lang kami papuntang SM. Marami kami masasayang alaala sa pag-cocommute. Nakarating na kami sa SM at naghanap agad ng kama.

Matt: Nandito na tayo.

Joshua: Sa wakas makakagalaw na din, nangalay ako sa pag-cocommute.

Matt: Haha... halika na pasok na tayo.

Joshua: Tawa ka diyan.

Matt: Diretso na tayo sa department store para tumungin ng kama at para makauwi ng maaga.

Habang nag lalakad kami papunta department store nakasalubong namin ang mommy niya dahil ang sabi neto, dahil nangako ito na bibilhan niya ng bagong baso sa kadahilanang nabasag ko ito.

Claire: Matt... Joshua, bakit nandito kayo? diba weekend rest day niyo, dapat nag papahinga lang kayo sa bahay. 

Matt: Ma, may bibilhin lang sana.

Claire: Anong bibilhin saan at alin?

Matt: Ma, Gusto mo kumain muna tayo para mapag usapan kung bakit kami nandito. Mahirap mag explain dito.

Claire: Mas mabuti pa nga gutom na rin ako. Sige, dun tayo sa McDo.

Nakarating na kami sa McDo at nag order si tita ng mga makakain namin.

Claire: Eto tig-iisa tayong ala king, fries at drinks.

Matt: Thank you, Mommy.

Joshua: Thank you po, tita.

Claire: Bakit nga ba kayo nandito?

Matt: Eto na nga si Joshua umiiyak kagabi, kinwento niya yung buhay niya habang nakahiga sa malambot na kama. Mahirap lang kasi sila kaya sa banig sila nagtutulog mag-ina, kahit malamig tinitiis nila. Kaya nandito kami para maghanap ng kama para sa bahay nila at para makatulog na sila ng maayos, bilang kapalit na rin sa pagbalik ng wallet ko kagabi.

Claire: Ah.. ganon ba anak. I'm sorry to here that Joshua.

Joshua: Okay lang po, tita.

Claire: Sige, ganito na lang dagdagan ko na yung bibilhin niyo, ako na sagot ng groceries niyo ng nanay mo.

Joshua: Hala! baka grabe na kapal  po ng mukha ko para po tanggapin yang binibigay po ninyo. Nakakahiya naman po ang bait niyo po sa akin.

Claire: Alam mo Joshua, gaya ng sabi ng mama ko noong nabubuhay pa siya, kung kaya mong magbigay ng tulong para sa iba. Maliit man o malaki kapag gusto mo makatulong, tutulong ka, nakakagaan kaya sa pakiramdam dahil nakakatulong ka sa iba.

Joshua: Sige po, tita. Maraming Salamat po!

Pagtapos naming kumain ay dumiretso kami ng Department Store para bumuli ng gamit para sa bahay. Pagtapos naming bumili ay dumiretso naman kami sa bahay upang dalhin ang mga gamit para kay nanay at sa mga kapatid ko.

Joshua: Ma, nandito na ako. Ma, kaklase ko nga pala si Matt at mommy niya si tita Claire.

Joshua's Mom: Hello po, ma'am ako po si Diana.

Nakipagkamay si mama kay tita Claire

Claire: Hi din po, ako naman po si Claire. Kuya pakipasok na po yang mga pinamili sa loob.

Diana: Ma'am para saan po itong mga dala ninyo?

Claire: Ate, sa inyo po lahat ng yan at may kama na rin po kayo paparating. Pwede po ba kami pumasok kahit saglit lang.

Diana: Sige po, ma'am pasok po kayo. Maupo muna po kayo. Anak bumili ka ng meryenda nila dun.

Claire: Nako! ate huwag ka na po kayong mag abala, paalis na rin naman po kami hinatid lang po namin yung mga groceries bilang kapalit sa kabutihan ng inyong anak. Ma'am Diana, una na po kami iwan na namin kayo Joshua.

Joshua: Sige po, tita maraming salamat po sa lahat.

Umalis na sila tita Claire at si Matt, pauwi galing sa kanilang bahay. Nag-usap naman kami ni mama kung anong nangyayari.

Diana: Joshua, napakabait naman nila naiiyak ako, maraming salamat anak. Paano nga ba nangyari ito, i-kwento mo naman anak.

Joshua: Ma, Si Matt ay kaklase ko sa school, kung saan ako pumapasok ngayon. Nakalimutan niya kasi yung wallet niya, ako yung nakapulot at nagbalik sa kaniya

Niyakap ako ni mama habang umiiyak.

Joshua: Tigil na sa pag-iyak ma, ayusin na natin tong mga gamit. Tama na ang drama. I love you ma.

Diana: Mabuti pa nga. Mahal din kita, anak.

Masaya naming inayos ang lahat ng gamit na ibinigay sa amin. 

SA HINDI INAASAHAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon