Part 10: The Finale

21 1 1
                                    

Gabi gabi akong umiiyak iniisip na saan ba ako nagkamali para mangyari sa akin to at tinatanong sa sarili na iniisip niya rin ba ako. Iniisip ko, kung kamusta na kaya siya, kumain na ba siya at marami pang tanong ang sumasagi sa isip ko, kahit pilitin kong kalimutan siya hindi ko pa rin magawa, dahil bumabalik yung mga masayang alaala naming dawala nung kami ay magkasama pa. Ilang buwan na ang lumipas, hindi pa rin siya nagpaparamdam. Naisip ko baka nakalimutan niya na ako kaya naisipan kong pumunta ng SM nagbabakasaling makita ko siya doon. Hindi ako nagkamali at nandun nga siya habang naglalakad habang nag cecellphone nagkabanggan kaming dalawa.

Joshua: Hindi kas.....

Nabangga niya ako at sabay naming pinulot yung cellphone kong nahulog. Tumingin siya sa akin.

Matt: Joshua?

Nagkatitigan kami habang hawak namin yung cellphone kong nahulog. Tumayo kami ng sabay.

Matt: Bakit nandito ka?

Joshua: May bibilhin lang.

Matt: May bibilhin lang ba talaga? alam ko kapag nag sisinungaling ka.

Joshua: Bibili nga lang.

Matt: Kung may bibilhin ka dapat nakatingin ka sa daan at hinahanap mo yung bibilhin mo. Hindi nakatingin sa cellphone mo. Ano nga bakit ka nandito?

Joshua: Oo na, pumunta ako kasi nagbabakasali akong baka nandito ka, after what happen nung gabi yun na gabi - gabi akong umiiyak. Sobra kitang namiss kita. Pasensya na Matt kung hindi ko man lang hinintay yung sasabihin mo kasi pinangunahan na ako ng kaba, lungkot at takot. 

Matt: Gusto kitang habulin kaso ang bilis mo, pero eto na yung gusto kong sabihin sayo.

Joshua: Teka lang, wag tayo dito daming tao. Doon tayo sa park malapit dito sa SM.

Matt: Mabuti pa nga. Halika na.

Naglakad na kami para pumunta sa park at ituloy ang gusto niyang sabihin.

Joshua: Bago mo sabihin yung gusto mong sabihin, tanong ko lang sino yung bagong mahal mo pagtapos niyong maghiwalay ni Almira?

Matt: Hindi siya pagtapos ng hiwalayan namin, nagsimula ito nung dumating ka sa buhay ko. 

Joshua: Huh! Bakit ako?

Matt: Ikaw kasi yung nandiyan para sa akin, pinapasaya mo ako kapag malungkot ako, sinasamahan sa lahat ng kalokohan na walang kaartehan at higit sa lahat yung pag-aalaga mo sa akin nung gabing na nalasing ako. Sorry sa lahat ng maling nagawa ko para masaktan ka.

Joshua: Ano ka ba matagal na yun at matagal kitang pinatawad. Sabi ko hindi ako nagseselos kapag kasama mo si Almira, pero alam mo nagseselos ako kapag kasama mo siya, ramdam ko kasi na pagkasama mo siya na parang binabalewala mo lang ako.

Matt: Alam ko yun at pansin ko yon kaya sinasabi ko kung nagseselos ka ba? ang sabi mo naman hindi pero ramdam ko kahit sabihin mong hindi. Alam mo nagseselos nga din ako nung masaya kayong nag uusap ni Migs nung gabing umupo at sumali sa usap niyo, umalis ako kasi ramdam ko na mas masaya kang kausap si Migs kaysa sa akin.

Nagkaselosan pa nga. Ayaw pa kasi magtapat ng nararamdaman eh. Bigla tumulo yung luha niya.

Joshua: Sabi ko na nagseselos ka din. Bakit ka umiiyak? 

Matt: Wala.

Joshua: Sige na sabihin mo na, pero hindi mo pa sinasagot tanong ko, sino yung bago mong mahal?

Matt: Kapag sinabi kong ikaw? Anong gagawin at sasabihin mo?

Ay kinikilig si ghorl. Konting pabebe pa haha. Apaka sikip mo naman ghorl.

Joshua: Totoo ba? akala ko straight at hindi ka nagkakagusto sa isang tulad ko.

Matt. Wala eh, tinamaan ako sayo. Ang galing mo kasing mag-alaga. Ako naman sagutin mo, Mahal mo rin ba ako tulad ng pagmamahal ko sayo?

Hawak niya yung kamay ko. Sandali! nanghihina ako.

Joshua: Kapag sinabi kong oo? Hindi naman nawala yung pagmamahal ko para sayo.

Matt: Yes!... Syempre, masaya ako na mahal mo din pala ako. Alam mo ikaw lang hinihintay ko. Alam mo ba nung gabing nakayakap ako sayo sinadya kong yakapin ka, ang sarap mong yakapin, ang gaan sa pagkiramdam na yung taong hininahap ko ay kasama ko na pala na laging nandiyan para sa akin at para alagaan ako. Salamat, Ikaw yung nandiyan para sa akin.

Joshua: Ang saya niya oh. Salamat din at pinapasok mo ko sa buhay mo, simula nung gumawa tayo ng mga masasayang alaala. Sabi ko sa sarili ko susubukan kong sumugal kung walang mangyayari sa gagawin ko para mapalapit sayo at least sinubukan ko dahil doon palang pagpulot ko palang wallet mo, nasa isip ko na hindi aksidenteng napulot ko yun. May rason yun kung bakit ko napulot yun.

Matt: Alam mo habang kasama kita sa bahay at doon ka natutulog ay sobrang saya ko. Iba yung saya ko na hindi ko naranasan sa iba at habang tumatagal mas lalong napapalapit ang loob ko sayo... Joshua, mahal kita.

Sobra akong kinikilig sa mga salitang sinabi niya sa akin na ngayon ko lang narinig. Ang sarap pala magmahal.

Joshua: Alam mo sobrang saya ko pag ikaw ang kasama ko, nawawala lahat ng proble......

Matt: Joshua, makinig ka, hinding hindi na kita papakawalan dahil akin ka lang at mamahalin kita ng sobra. Tanong ko lang nung nalasing ako, anong sinabi ko sayo?

Joshua: Habang nakaturo ka sa akin, sabi mo ikaw wag mo ko iiwan ha. Cute mo nga nun eh. Kaya ang sagot ko doon hinding hindi din kita iiwan, dahil naging parte ka ng bawat pahina ng istoryang binuo ko, nais ko lang malaman mo na ikaw ang magandang nangyari sa buhay ko at sobrang mahal na mahal kita.

Dahan dahan niyang hinawakan ang likod ng ulo ko sa bandang batok at nilapit niya yung mukha ko sa mukha niya para halikan. Dahang dahang nakalapit at mga labi namin. Pagtapos niya akong halikan ay niyakap niya ako ng mahigpit.

Pagtapos namin mag yakapan ay naisipan na naming umuwi, dumiretso kami ng bahay nila Matt, humiga kami sa kama para magyakapan at magtitigan na para bang wala ng bukas. Gusto lang namin sa isang relasyon ay pagmamahalan na totoo at masuklian lahat ng effort nabinibigay ng bawat isa. Ang importante at ang mahalaga sa amin yung mga alaalang nabuo sa pagsasama naming dalawa.

- - - T H E   E N D - - -

SA HINDI INAASAHAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon