Part 9: Hindi Pagkakaintindihan

15 1 1
                                    

Joshua: Matt, kumalma ka baka magising si mama mo sunday ngayon rest day.

Matt: Anong ginawa mo sa akin?

Joshua: Wala akong ginawa sayo,  inuwi kita kasi lasing na lasing ka tapos pinaliguan at binihisan kita. Ang init mo kaya kagabi. Bakit wala kang matandaan?

Matt: Wala akong maalala, ang natatandaan ko lang yung nag-uusap tayo nila Migs tapos uminom ako at may pinagtapat ako kay Almira na may mahal akong iba. Seryoso, yun lang ba talaga ginawa mo?

Joshua: Oo yon lang, kung nag-iisip ka na may nangyari sa atin hindi ako ganon ibahin mo ako hindi porket lasing ka eh mag ta-take advantage ako sayo para may mangyari sa atin. Hindi ko gagawin yon at bakit ko gagawin sayo yon, kaklase lang naman kita. Alam mo tutal linggo naman na, uuwi na ako sa amin at di na ako babalik mas mabuti ng umuwi na lang ako para hindi ka makapag-isip ng kung ano ano. Tanong ko lang break na ba talaga kayo ni Almira?

Matt: Oo, break na kami ni Almira dahil may mahal na akong iba.

Joshua: Ganon ba, buti malinaw na sa akin bakit naghiwalay kayo ni Almira. Aalis na ako.

Umiiyak ako non sa sobrang sakit na may mahal na pala siyang iba.

Matt: Bakit ka umiiyak? Joshua, saan ka pupunta?

Ang sakit pala pag may mahal ng iba yung crush mo na akala ikaw. Umasa sa taong akala ko na masusuklian yung pagmamahal na meron ako sa kanya. Grabe yung iyak ko habang papalabas sa pinto ng bahay nila.

Joshua: Uuwi na ako. Akala ko totoong yung mga sinabi mo sa akin habang nasa banyo tayo at pinapaliguan ka. Malinaw na sa akin lasing ka lang non kaya nasabi mo. Wag ka na magpaliwanag aalis na ako, hindi na ako babalik at magpapakita sayo.

Lumabas na ako ng kwarto pababa para magpaalam kay tita, para umuwi ng bahay habang umiiyak.

Joshua: Tita, alis na po ako.

Claire: Bakit ka umiiyak, Joshua?

Joshua: Wala po, tita.

Matt: Joshua, sandale!

Claire: Matt, nak anong nangyari kagabi ang ayos ayos niyo tapos ngayon nagkakaganyan kayo.

Matt: Ma, wag mo muna akong kausapin.

Tumakbo si Matt pabalik ng kwarto. Hindi niya ako naabutan dahil tumakbo na ako pauwi sa amin.

Claire: Anak, buksan mo yung pinto mag usap naman tayo.

Bukas pala ang pinto hindi niya na-lock, kaya pumasok na lang si tita.

Claire: Anak, ano bang nangyari mag kwento ka nga makikinig ako.

Matt: Ma, masama ba akong tao?

Claire: Bakit? Wag mong isipin yang ganyan hindi ka masama, ikaw ang pinaka mabait kong anak.

Matt: Bakit nila ako iniwan?

Claire: Anak tandaan na lahat ng tao ay nagbabago depende sa pakikitungo mo sa kanila. Tulad kapag naka sakit ka ng damdamin ng iba, yung tao yun lalayo na lang para hindi na lumalala yung sakit na naramdaman niya para sayo. Kaya kung nakasakit ka ng damdamin. Humingi ka tawad sa taong nagawan mo ng mali.

Matt: Mapatawad pa kaya niya ako?

Claire: I'm sure. Anak, mapapatawad ka niya.

Matt: Mom, may sasabihin ako,

Claire: Ano yun anak andito lang si mommy makikinig?

Matt: Im gay, pero kung ano binigay sa akin ni God para sa akin ay tanggap ko yun, yun na yun wala na akong ipapabago dito pero nagkakagusto ako sa kapwa ko. Noong nakilala ko si Joshua nag-iba ang takbo mo ng buhay ko, masaya pag kasama ko siya. Dami naming memories na nabuo noong nandito pa siya. Kaya nag desisyon akong maghiwalay na kami ni Almira kasi puro masasakit na lang natatanggap ko sa kanya. Buti pa si Joshua andiyan lagi para sa akin.

Claire: Anak, okay lang maging gay atleast totoo ka wala kang tinatapakan na ibang tao. Love pa rin kita kahit ano ka pa kasi ikaw yan nanggaling ka sa akin, anak kita. Hayaan mo yung sasabihin ng iba. Basta ang importante tanggap kita at mahal kita. 

Nagyakapan sila tita at Matt.

Matt: I love you, Ma

Claire: I love you too anak.

Umuwi akong umiiyak at niyakap ko si mama.

Diana: Anak, bakit ka umiiyak?

Joshua: Ma, yung taong matagal kong hinintay at gustong makasama yun pala yung taong sisira at wawasak sa puso ko.

Diana: Anak, masyado ka sigurong umasa sa taong akala mo ay masusuklian yung pagmamahal na binibigay mo para sa kanya.

Joshua: Ma, may sasabihin ako.

Diana: Anak ano yun andito lang si mama handang makinig para sayo.

Joshua: Ma, Bakla ako naramdaman ko nung nakilala ko si Matt. Grabe yung saya ko pagkasama ko siya. Laging buo ang araw ko kapag nakikita ko siya. Maraming masayang alaala ang binuo namin kahit sa maikling araw na magkasama pa kami.

Diana: Anak, alam ko yun matagal ko ng alam sa kilos at pananalita mo pa lang alam ko na at kahit anong mangyari anak kita at mahal kita. Hinding hindi na magbabago yun. Kahit ganon yung ginawa niya sayo dapat marunong tayong umunawa at magpakumbaba sa taong nakasakit sa atin. Mapatawad mo kaya siya pag humingi siya ng tawad sayo?

Joshua: Opo, mahal na mahal ko yun kahit anong mangyari.

Nagyakapan kami ni mama

Diana: Mahal na mahal kita, anak.

Joshua: Mahal na mahal din kita, ma.

SA HINDI INAASAHAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon