Part 2: Ang Pagbalik Ng Wallet

28 2 2
                                    

Tumawag ako at sinagot naman ang tawag ko.

Joshua: Hello, is this Matt's mom?

Matt's Mom: Oo ako nga, sino po ito at paano mo nalaman number ko?

Joshua: Ako po si Joshua, classmate po ng anak niyo. Naiwan niya po kasi yung wallet niya sa room then kinalkal ko po yung wallet niya, to get information na pwede ma-contact dahil hindi niya po sinabi yung address niya nung nag introduce po siya sa harap ng klase. Don't worry hindi ko po kinuha ang pera niya, kompleto po ito. Hindi po ako pinalaking magnanakaw, baka po kasi kung ano isipin niyo, inunahan ko lang po kayo.

Matt's Mom: Hindi ko naman inisip pero good to know. Alam mo ba yung Barangay ng Olaes?

Joshua: Yes po, doon po ako nakatira sa kabilang parte ng barangay doon po sa Alta Tierra po.

Matt's Mom: Ganito gagawin mo, sakay ka ng jeep, sabihin mo area lang, tapos baba ka sa arko ng Granados tapos sakay ka ng tricycle sabihin mo molave st. dulo. Kapag may nakita kang blue na gate doon ang bahay namin. Kami lang ang nag-iisang blue ang gate. Ingat ka

Ginawa ko ang sinabi ng mama niya para makapunta sa bahay nila. Nasa gate na ako ng bahay nila para ibalik ang wallet niya.

Joshua: Tao po!

Matt's Mom: Sandali! 

Pinagbuksan ako ng pinto ng mama ni Matt.

Matt's Mom: Hi! ako nga pala si Claire mommy ni Matt.

Joshua: At ako naman po si Joshua, kaklase po ni Matt.

Claire: Pasok ka.

Joshua: Sige po, Salamat po.

Claire: Pasensya ka na may pag kamakakalimutin yan si Matmat. Mat bumaba ka muna rito, nandito ang classmate mo si Joshua, may ibabalik daw.

Matt: Pababa na po.

Mula sa kwarto niya ay umaba siya ng hagdan, pagbaba niya ay nakaboxer at sando lang. Ilang sigundo akong nakatitig sa kanya. Tulala yarn. Napagalitan siya sa mommy niya, dahil sa suot niya.

Claire: Anak, anong sabi ko kapag may bisita. Hindi  yan dapat ang suot mo, diba?.

Matt: Ma, classmate ko naman yan at lalaki kaming parehas kaya ok lang.

Claire: Hay! bahala ka anak, malaki ka na. Pasensya na, pasaway talaga yang anak ko. O siya iwan ko muna kayo dito. Matt, Ikaw na muna bahala sa kaklase mo. May gagawin lang ako sa itaas. Mamaya bababa ako pagkakain na.

Matt: Sige, Mommy. O bro bakit nandito?

Joshua: Eto pala yung wallet mo, naiwan mo kanina sa school, buti napulot. Kung iba nakapulot niyan, Nako! baka ano pang gawin diyan.

Matt: Salamat, Joshua.

Joshua: Wala yun. Ayan naibalik ko na yung wallet mo. Mauuna na ako baka mapagalitan ako pa ako ng step father ko.

Bumaba ang mama ni Matt.

Claire: Joshua, huwag ka na munang umuwi dito ka na kumain.

Joshua: Hala! ate, Nakakahiya naman po.

Claire: Joshua, tita na lang, tita Claire na lang ang tawag mo sa akin.

Joshua: Sige po tita.

Claire: Ano ka ba Joshua, huwag ka na mahiya. Isipin mo kapalit ito ng pagbalik ng wallet ng anak ko.

Joshua: Sige po tita. Salamat po ulit.

At kumain na kaming tatlo at masayang nag-uusap.

Claire: Mat, funny pala tong classmate mo. He made my day haha. By the way, gabi na tapos umuulan pa. Dito ka na lang magpalipas ng gabi at matulog, tutal sabado naman bukas.

Joshua: Sige po tita. Ang kaso paano po yung mama ko baka hanapin ako?

Claire: Bigay mo sa akin yung number ng mama mo, text ko para alam niya dito ka, ako na bahala magpaliwag sa mama mo.

Joshua: Sige po at salamat po tita.

Claire: Anak, pahiramin mo na lang si Joshua ng damit mo, magkasize naman kayo.

Matt: Sige Mommy.

Tapos na kaming kumain at ako na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin.

Joshua: Tita, ako na lang po maglipit at ako na lang po maghugas ng pinagkainan natin bilang kapalit na rin sa pagpapakain sa akin dito.

Claire: Okay lang ba sayo Joshua?

Joshua: Okay na okay po tita.

Claire: Sige mukha hindi naman kita mapipigilan diyan.

Matt: Mommy akyat na ako sa kwarto, iwan ko muna po kayong dalawa diyan.

Claire: Sige anak, linisin mo na yung kwarto at ayusin mo na yung kama katabi mo siyang matulog tutal sabi mo parehas naman kayong lalake.

Matt: Mom! umayos ka nga, nakakahiya ka kay Joshua.

Claire: Anong nakakahiya doon sinabi ko lang naman na parehas kayong lalake bakit may isa ba sa inyo na bakla?

Joshua at Matt: Hindi po ako bakla.

Claire: O yun naman pala, edi magtabi na kayo  sa pagtulog. Bakit saan mo patulugin si Joshua?

Matt: Oo na mommy, dami mo pang sinasabi, akyat na ako.

Claire: Pasensya ka na ganyan talaga si Matt, masungit pero deep inside mabait yan.

Joshua: Okay lang po.

Claire: Pagtapos mo diyan hatid kita sa kwarto ni Matt, katapat ng kwarto ko.

Natapos na ako maglipit at mahugas ng plato kaya hinatid na ako ni tita sa kwarto ni Matt.

Claire: Joshua, yan yung kwarto ni Matmat. Kung may kailangan nandito lang ako sa kabilang kwarto. Wag kayo masyadong maingay. Maaga kasi akong natutulog.

Joshua: Sige po tita, thanks po ulit and goodnight po.

Claire: Goodnight rin, Joshua.

Pagpasok ko ng kwarto ni Matt, nagulat ako sa laki ng kwarto at ang gaganda ng mga gamit nito. May sarili siyang computer, kama na malambot at marami pang iba.

SA HINDI INAASAHAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon