Part 6: Ang Girlfriend

13 2 0
                                    

Masaya kaming nag-uusap nang biglang may kumatok sa pinto. Nasa labas pala yung girlfriend ni Matt. Ewan ko bakit pumunta yan...

Matt: Ako na po, ma.

Claire: Sige, anak.

Matt: Sino yan?

Pagbukas ng pinto. Nagulat siya dahil si Almira pala ang kumakatok.

Matt: Hindi ka man nagsabi na pupunta ka.

Almira: Kanina pa nga ako naghihitay sa pinto. Tagal mong lumabas.

Matt: Halika na sa loob, pumasok ka na tutal nandito ka na rin naman. Babe sumabay ka na sa amin.

Dumiretso sila ng lamesa para sumabay na kumain dahil kanina pa daw siya naghihintay sa labas. Ang epal mo talaga ghorl.

Matt: Sorry babe, hindi mo naman kasi sinabi na pupunta ka edi sana sinundo na lang kita.

Almira: Eh... gusto ko kasing i-surprise ang babe ko.

Matt: Ay wow na surprise ako babe haha.

Medyo nagselos nanaman ako. Ang haharot nila habang kumakain nakakaasar

Joshua: Tita, tapos na po akong kumain akyat na po ako sa taas. pakitawag na lang po ako kay Matt. Pagtapos niyo pong kumain, ako na po mag liligpit at maghuhugas.

Claire: Sige, magpahinga ka muna.

Nag-uusap silang tatlo at masaya sila sa pinag-uusapan nila. Ilang oras ang nakalipas ay tapos na sila kumain at tinawag na ako ni tita. Umalis si Matt para ihatid si Almirang maldita sa bahay nila. Ako naman ay nagliligpit at naghuhugas ng pinggan at maya maya lang ay dumating na siya. Dumiretso ito sa taas upang maligo. Natapos ko na ang paghuhugas at sumunod na rin ako sa taas para maghintay kay Matt na hindi pa tapos maligo. Ilang minuti ang nakalipas ay natapos rin siya.

Joshua: Natapos ka din, tagal mo ah.

Matt: Pake mo kung matagal ako maligo. Sa susunod kasi para hindi ka na maghintay sumabay ka na lang akin maligo. Parehas naman tayong lalake remember walang malisya bro. Doon ka nga lang sa shower at ako naman sa bathtub.

Joshua: Okay lang, atleast parehas naman tayong nakaligo ng hindi naghihintayan. Sige sa susunod sasabay ako sayo.

Matt: May gagawin ka ba sa sabado?

Joshua: Wala naman, bukod sa uuwi sa bahay. Bakit?

Matt: Ah okay, may birthday party kasi yung kaibigan ko na gaganapin sa sabado. Invited ako at ang sabi niya pwede raw ako mag sama ng isang tao kung gusto ko. Ano sama ka?

Joshua: Pwede naman, pero paano si Almira hindi ba dapat siya ang kasama mo doon?

Matt: Ayaw niyang sumama may family outing daw sila.

Joshua: Buti naman. Hindi makakasama yung malditang yon.

Matt: Anong sabi mo, narinig ko yon.

Joshua: Narinig mo naman pala, huwag ka na magtanong. Paano yan wala akong isusuot para sa party na yon dahil alam ko mayaman friends mo, magarbo yung party na yon.

Matt: Huwag mo isipin yon bro ako na bahala sayo sa friday. O... siya Matulog na tayo maaga pa tayo bukas.

Joshua: Goodnight bro.

Matt: Goodnight din bro.

SA HINDI INAASAHAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon