SS 4

117 5 0
                                    

                   Live or leave

Binigyan ako ni calvin ng uniform para magstart na medyo kabado lalo na mga lasing na ang ibang customer.

"Oh, sir go to the flow lang ha at wag masyadong mainit ang ulo mamaya ay may mabugbog ka diyan" saad nito na nakatawa.

"Haha, No sir I handle my tempered for now at sanay tayo diyan sa mga pasaway" pagbibiro ko.

"Iba ang estudyante sa lasing na may balak" nagtawanan kami at umalis na siya para imonitor ang bar.

Nakaready na ako may unting briefing kay sir charles ang head waiter nitong resto bar.

"First don't talk too much in guest if they have a problem just call me or the manager, second it's job so be professional in action means be patient, third be fast and accurate lalo na maraming customer so maraming taking order at utos yang mga yan nagkakaintindihan ba tayo Gulf?. Saad nito na wala naman akong naintindihan sa lakas ng sounds.

"Yes sir". Tugon ko.

Nagstart na ako at medyo nakakahilo pala sa una lalo na sa mga customer na mahilig magtaas ng kamay at pabalik balik ang utos.

"Follow up"
"Another bucket pls"
"What's your number?"
"Where is the comfort room"

Yan karamihan ang naririnig ko sa mga customer na sinusunod ko maliban sa number bawal kase sa work yun.

Patungo ako sa mga magbabarkadang lalaki ang isa sa kanila ay nakataas ang kamay kaya tinungo ko.

"Good evening Sir, what can i help you?" Pagbati ko bago magtanong.

"Can you give us 3 bucket of beer and ice please". Sagot ng isa nitong kasama.

"Ok sir, anything else?". Tanong ko habang sinusulat ang order nila sa order slip.

"You know you're so cute btw I'm patrick and you" saad nito habang nakatingin sakin at biglang nag lipbite.

Medyo kinabahan ako ng kunti sa malagkit nitong tingin kaya inulit ko ang sinabi ko para makaalis na.

"I'm gulf sir" at inilahad sa kanya ang template na nasa kanang polo ko nakadikit. "Anything else sir?." Tanong ko muli.

"Maybe mamaya na ulit kami oorder." Sagot nito na na malagkit parin ang tingin sakin.

"Ok sir, I repeat your order three bucket of beer and nothing else excuse me." Saad ko at paalis na
ng may maramdaman akong  may kamay na pumisil sa pwet ko pero isinawalang bahala konalang to para sa pamilya ko at Umalis na ako na parang walang masamang nangyari. Dumiretso na ako sa bar area para ibigay rito ang order slip.

4:45 am na at malapit na ang uwe ko na alas 6:00 at sa walang tigil sa orders and fullfilling their needs ay medyo may malaki akong maiuuwi dahil sa tips ng customers lalo na sa manyak na humawak sa pwet ko na nagbigay ng 3k abay dapat lang kung hindi lang kelangan ko ng pera ay naku nasapak ko na siya.

"Kamusta sir, ok kapa" tanong ni calvin na mukhang inaantok na.

"Lalaban pa sir, may 1 hr pa tayo." Sagot ko na papikit pikit naren.

Umalis na si sir calvin at ako ay nag sisimula ng linisin ang dining area lalo na at nagsiuwian na ang mga customer at ang natira nalang ay ang mga di na makatayo sa sobrang kalasingan.

"Gulf pinatatawag ka ni sir calvin." Tawag sakin ni gasby ang bartender nitong resto. Agad naman akong tumungo sa office.

"Sir, pinatatawag mo daw ako" tanong ko.

"Oo sir gulf itatanong kolang kung ano ang final decision mo sa job offer ko sayo sa maldives dahil bukas na ang pasahan ng listed name na gagawan na ng visa." Pagtatanong nito.

"Pag iisipan ko sir, before midnight itetext ko kayo sa final decision ko." Sagot ko na may pagdadalawang isip na.

Nakauwe na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto para ipahinga na ang pagod kong katawan at puso. Nahihirapan na talaga ako sa situation ko at napaisip na baka kelangan ko na ng break sa lahat.

Nagising ako ng 2 pm sakto at may klase ako ng 3 pm at dadaan pa sa cebuana para magpadala sa  magulang ko.

Una kong pinuntahan Ay ang cebuana at sunod ang school para sa last semester class ko.

"Ok class Lahat naman kayo ay nagreview kaya may plus point kayo sa graded recitation so end of class ipagpatuloy nyo lang ang pagiging productive. See you next sem bye " Saad ko sa mga studyante ko at nagpaalam na lalo na at may parte sakin na tanggapin ang alok sa maldives.

Nagawa ko na ang mga tungkulin ko at inaasahan ko sana na may kao akong madadatnan sa bahay pero ni anino niya ay wala akong nakita kaya pagkatapos kung magluto ng pagkain at kumain narin ay matutulog na sana ako pero binuksan ko muna ang fb at nagscroll para maka update paminsan minsan sa mga relatives and friends ko at maya maya ay nakakita ako ng update sa fb ni kao at isang family picture ang nakikita ko ang babae niya at siya may kalong kalong na baby.

Ang sakit lalo na at ayaw kong agawan yung bata ng buong pamilya. Napaiyak nalang ako sa kaiisip at parang diko nakilala ang sarili ko na masiyahing lalaki at puno ng pangarap bago ko pa minamahal si kao. Sa pag iyak ko ay diko namalayang nakatulog na ako.

Nagising ako sa tilaok ng manok ng kapitbahay namin at napabalikwas ako ng bangon ng mapagtantong umaga na at dapat kagabi ang final answer ko kung mag aapply ba ako sa maldives at sa lahat ng sakit na dinanas ko fast few days are sure na ako sa decision kobhinanap ko agad ang cellphone para tawagan si sir calvin.

Ringing..

"Hello, sir gulf ano na mag aaply kaba?." Agad na tanong nito.

"Yes sir sure na ako mag aapply ako" masaya kong sagot.

"Yun buti naman sir at maka move on kana, let' welcome maldives kana" masayang saad ni  sir calvin.

"Ok sir aayusin ko na ang ibang papeles ko." Habol kong sagot.

"Ok sir goodluck sayo at congratulation medyo nagising kana.

End day at may side na malungkot pero excited sa next happening in my life.,

MALDIVES & YOUWhere stories live. Discover now