Nilapitan ko ang lalaking iyon at tumayo sa harapan niya.
"Honey" saad nito na may pangungulila sa mukha nito.
"Paano mo nalamang andito ako?"wala kong ganang tanong.
"It doesnt matter hon and I really miss you" saad nito.
Yayakapin na niya sana ako pero iniwasan ko na ang dating yakap na gustong gusto kong maramdaman.
"Umuwi kana" mahinahon kong saad na ikinagulat niya.
"Honey hindi mo ba ako na miss at yung mga plano natin noon ngayon kaya ko ng tuparin. Papakasalan na kita" saad pa nito.
"No tutuparin mo na yun sa ina ng anak mo at may mahal na akong iba kaya please kao umalis kana" sagot ko na pinipigil ang mga luhang gusto ng bumagsak.
"Alam ko nasaktan kalang nung nagkababy ako pero alam kung mahal mo parin ako at mahal na mahal kita honey kaya tinupad ko yung pangarap ko na makapagtayo ng sariling business company ngayon okay na at pangarap kong ikaw ang kasama ko mamalakad dun" saad pa nito.
"Huli na kao dahil sinayang mo yung panahong andyan ako sayo na araw araw kang hinihintay at araw araw nagpapakatanga sa mga pangako mo. Kao please umalis kana. Ayoko na at tapos na lahat ng saatin." Saad ko na ang luhang pinipigilan ko ay tuluyan ng tumulo.
"Hon wag mong sabihin yan please, alam kong mahal mo pa ako." Pagmamakaawa niya.
" Hindi na kita mahal kao at may mahal na akong iba na sigurado akong mahal niya ako" saad ko sabay talikod sa kanya.
Iniwan ko si kao sa resto at tinungo ang quarters na may luha parin sa mata. Naabutan kung nasa labas si ja ng quarters at balak ko sanang iwasan.
"Gulf anong nangyari sayo? Pag alaala niyang tanong.
Hindi ko nasagot si ja pero niyakap ko siya at umiyak.
"Sabihin mo sinong nanakit sayo at uupakan ko yung loko loko na yun." Galit niyang tanong habang hihimas ang likod ko.
Umiling lang ako at kumulas sa kanya at pumasok na sa quarters. Hindi ko alam pero may side na namimiss ko parin siya kaso mali at dapat ko na siyang kalimutan at baka hindi talaga kami itinadhana.
Ja P.O.V
Nasa corridor ako ng quarters namin ng makita ko si gulf na namumugto ang mata kaya agad ko itong nilapitan at tinanong.
Gulf anong nangyari sayo? Pag alaala niyang tanong.
Pero hindi niya ako sinagot at nagulat ako ng niyakap niya ako kasabay ng pag iyak niya.
Ang sakit makita na ganon ko makikita ang totoong rason bakit andito ako sa maldives.
Foundation day sa college ng makilala ko ang naging crush ko na isang teacher. Im a graduating student and architecture ang course ko at ang layo sa building ng crush kong professor kaya inaalam ko nalang ang klase, dating niya sa school, uwi niya at maski ang bahay niya na ikinagulat kong may kinakasama siyang lalaki. Naging stalker ako ni professor gulf until I graduate pero hindi ko tinigil ang sekreto kong pagmamatyag sa kanya at dahil close ako sa teacher ko na si professor calvin na may sariling resto bar ay nakwento niya ang buhay ni gulf kung paano nagpakatanga at pinipilit niyang magwork sa maldives para makabangon. At dun nabuo ang desisyon kong magtrabaho sa maldives. Para mabantayan narin siya at hindi pa masaktan ng iba.
Malaki yung pagsisi ko na hindi sabihin sa kanya ang feelings ko na matagal ng nakatago noong nagkaroon siya ng bagong boyfriend na dapat ako sana yun kaso hindi ee at naduwag ako kaya patuloy ko nalang siyang binantayan at one time ng lumabas siya ng alas dose ng gabi . Nakita kong nag uusap sila ni sir mew at naging madalas ang pagtatagpo sa kanila na umabot sa umaga na siya nakauwe at nagsinungaling pa na inabangan ang sunrise.
At ngayon iiyak yung taong sikreto kong pinahahalagaan sa harap ko na diko alam kung sino sa kanila ang nanakit sa kanya parang gusto kong sabihing bakit sila pa andito naman ako at di kita sasaktan.
Gulf P.O.V
Nakatalukbong lang ako at hinihintay na mag alas onse na ng gabi at kitaiin si sir mew dahil simula ng patuloy naming pagkikita at pagkwekwentuhan ay gumagaan talaga ang loob ko at masaya ako na nakakasama ko siya.
Alas onse pasado na at nasa pampang na ako at inilibot ang tingin saan mang dako ng isla ay walang sumulpot na sir mew.
Napaiyak lalo ako at nakita ang dagat na ang sabi ni sir mew na nakakarelax maligo roon. Baka kapag naligo ako ay mawala lahat ng bigat ng nararamdaman ko at bukas okay na ang lahat. Lumusong ako sa dagat at lumangoy ng pag ahon ko ay akala ko si mew ang lalaking nakatayo sa pampang.
"Umahon kana diyan gulf" utos nito.
"Bakit nandito ka ja." Tanong ko at umahon sa dagat.
"Para bantayan ka, bakit may iba kabang gusto makita dito.?" Saad nito.
"Wala bro tara na" luminga muna ako na baka andun si sir mew pero wala akong nakita at sumama na ako kay ja na diko alam pano niyang nalamang andun ako.
Tanghali na ako nagising at siguradong late na dahil wala na ang tatlo kong kasama pero nakakita ako ng note sa higaan ni champ.
"Wag ka muna pumasok at pinagpaalam kana namin kay ms beauty na may sakit ka"
Buti naman at ang babait ng mga kasama ko at wala rin akong ganang magwork. Nagtataka lang ako na wala sir mew kagabi o baka busy lang kaya napagdesisyonan kung ako naman ang sikretong susulpot sa kanya.
Nag ayos na ako at nagsumbrero baka kase may makakita sa akin na ang pagkakaalam nila ay may sakit ako
Tinungo ko na ang malaking kubo sa likod ng hotel na office ni sir mew. Sobrang tago ang office at ng makarating ako roon ay bukas ang pinto at nagulat ako sa nadatnan ko. Si sir mew na nakaupo sa swivel chair at si beauty na nakapatong sa kanya at agresibo silang naghahalikan. Sa gulat ko ay lumabas agad ako ng pinto at mabilis na naglakad papalayo roon. Hindi ko alam pero bakit nasasaktan ako ngayon. Narating ko ang batuhan na bago naming tagpuan ni sir mew na malayo sa resort at sa harap ng dagat ay umiyak ako ng umiyak dahil hindi ko na maintindihan ang puso ko na nasasaktan na ng sobra.
Akala ko sa maldives ang sagot para maka move on pero bakit hanggang ngayon umiiyak ako.
YOU ARE READING
MALDIVES & YOU
FanfictionA two different person founding their one reason to love again in one island because of different heartaches that they get from the past. Should they found a reason to love again or a person who willing to fall again. Just they fallen in love or let...