SS 11

109 10 5
                                    

          Love story ni tatang lino

Gulf P.O.V

Nagising ako na medyo madilim pa at naramdaman kong may nakayakap sakin na ramdam ko ang hiininga nito mula sa batok ko at si sir mew yun. Medyo gising na ako kaya napagdesisyunan konang bumangon at dahan dahang inalis ang kamay nito at ng harapin ko ito at nasilayan ko ang maamo nitong mukha na mahimbing sa pagkakatulog at lumabas na ako ng tent. Dumungaw ako sa baba ng parola at may naaninag akong liwanag sa maliit na bahay ni tatay lino at nakita ko rin siya na may dala dalang basket dahil sa curiosity ay pinuntahan ko siya.

"Good morning tatang" masaya kong pagkakabati mula sa likod niya.

"Ayy!! Nakung bata ka aatakihin talaga ako sayo ee.

"Pasensya na ee san ba kayo pupunta at may dala kayong basket tatang?" Pag uusisa ko.

"Kukuha ako ng mga gulay sa baba ng bundok malapit lang dito. Ee gusto mo babang sumama?" Usad niya.

"Sure po" masaya kong sagot.

"Pero mamaya ay hanapin ka ni sir mew?" Saad pa nito na parang may takot sa mata.

"Dont worry mahimbing siyang natutulog at medyo gabi pa. Ee anong oras na ba tatang" saad ko

"Alas 5:00 na at bilisan nalang ng malutuan ko muna kayo ng almusal bago umalis.

Makipot ang daan at matataas ang mga damo kaya nahirapan akong makalakad pero worth it ng marating namin ang lugar dahil hindi lang gulay ang nandun may prutasan at mga bulaklak. May isang bulaklak ang  pumukaw sa aking mata at ito ang sunflower na ang perpekto ang pagtubo.

"Gusto mong pitasin iho" tanong ni tatang lino ng mapansing napako ang tingin ko sa sunflower.

"Pwede po ba" maamo mo kong tanong.

"Abay oo naman at matutuwa yan dahil napaka gwapong bata ang bibingwit sa kanya." Biro pa nito.

"Kayo naman tatang ee. " Saad ko sabay napatawa narin.

Maliwanag na ng makarating kami ni tatang sa baba ng parola at naghanda siya muna ng gatas para sa akin at nagluto.

"Tatang bakit mag isa lang kayo rito at pano kayo napadpad dito?" Mga tanong ko habang abala siya sa paghihiwa ng gulay.

"Una sa maldives Ako nakarating dahil kinuha ako bilang tagapamahala ng  bestfriend kong si lolo moi ni sir mew. Naging maganda at tahimik ang buhay ko ng makilala ko ang yumao kong asawa at dito sa parola ako napiling alalahanin ang masasaya naming alaala noong buhay pa siya." Malungkot na kwento ni tatang lino.

"Sorry if i ask tatang" pagsosory ko.

"Okay lang at masaya akong alalahanin yun at masaya akong ipinaglaban ko siya" saad pa nito.

"Ee tatang asan pala ang mga anak ninyo" usisa ko pa.

"Wala kaming anak at kuntento na kami sa isat isa na magkasama at pareho naming mahal ang isat isa.

"Ang ganda po siguro ng babaeng yun at in love na inlove kayo sa kanya tatang" biro ko pa at tumawa siya.

"Hindi siya maganda dahil matipunong sundalo ang minahal at kasama ko 30 years ago at until now nasa puso ko siya" rebelasyon nito na ikinagulat ko.

"Totoo ba yan tatang!?." Gulat kong tanong na di makapaniwala 

"Abay totoo yun iho at maraming nag kukutsa sa relasyon namin pero hindi kami nagpatinag at ang bestfriend kong si lolo moi ay sinuportahan kami at inalok na kung gusto namin ng kapayapaan ay dito kami sa parola manirahan at pumayag si george ang aking asawa na iwan ang pagsusundalo at mag tanim nalang ng gulay sa baba ng bundok at ibenta sa bayan" kwento nito na parang may tutulo ng luha.

"Napakaswerte ninyo po sa isat isa at napakagandang kwento mula sa alaala na nagpapasaya parin sanyo rito tatang" saad ko na nagpatulo ng luha ko.

"Kaya iho dapat pareho ninyong mahal ang isat isa at araw araw ninyong pinahahalagaan ang bawat araw na kasama ninyo ang isat isa dahil hindi mo alam kung kailan magiging masayang alaala nalang ang pagmamahalan ninyo". Saad pa nito.

Naputol ang kwentuhan namin ng sumulpot si sir mew na may pag alaala sa mukha nito.

"Sir mew gising ka na pala. Halika at uminom muna kayo ng gatas." Masayang alok ni tatang lino na kaganina lang ay malungkot.

"Akala ko kung saan ka napadpad at bakit umiiyak ka ha?" Diretso nitong saad sa akin at mukhang galit ang tono.

"Maaga lang akong nagising at nakita ko si tatang lino. Upo ka na sir" usad ko at pinunas ang tinutukoy niyang luha.

"Ee bat umiiyak ka" mahinahon na nitong tono.

" May nakwento lang si tatang na nakakaiyak, oh ayan na ang gatas ninyo sir. Inumin muna at ng makalma kayo sir" paliwanag ko sabay bigay ng fresh milk.

"Ay ito pala sir" sabay abot sa kanya ng sunflower.

"Ano to?" Kunot noo niyang tanong.

"Sunflower na galing sa tanim ni tatang lino, ang ganda diba?" Saad ko na pa cute.

Pinanunuod lang kami ni tatang lino habang nag uusap at natapos ang almusal namin kay tatang lino at bumalik na sa isla. Buti at wala pang masyadong tao at staffs ang nasa pampang para walang issue. Dumiretso na ako sa quarters at buti mahimbing pang natutulog ang mga asungot kaso biglang nagising si ja.

"Huy kauuwe molang ba?" Tanong ni ja na humihikab pa.

"Ahh ee hindi bro maaga lang akong nagising at lumabas ako para silayan ang sunrise" pagsisunungaling ko.

"Ganon ba ee mamaya tuloy tayo sa bayan ha." Saad pa nito.

"Anong gagawin natin sa bayan bro?" Taka kong tanong na nagpabangon sa kanya.

"Huy may sakit kaba at nakalimutan mong kada end of month pumupunta tayo sa bayan para magpadala ng pera, pagkain at mag grocery." Saad nito.

"Ay oo nga pala sige bro idlip muna ako at baka kulang lang ako sa tulog.

Nagising ako sa tapik ni boom.

"Huy bangon na at baka iwan tayo ng ferry boat." Utos nito.

Maganda naman sa bayan marami kang mabibili at maraming tao sa market at nagawa na naming magpadala sa aming pamilya ng naipon naming package at pera ng makabalik sa pampang ay tinawag ako ni jess ang resort attendant at pinatatawag ako ni maam beauty. Ng makita ko siya sa lobby ng hotel ay may naghahanap daw sa akin at puntahan ko daw ito sa resto bar. Agad ko yung tinungo at sa likod palang ng taong yun ay nakilala ko na siya.


Pa suspense muna tayo ka readers😅 sa tingin ninyo sino ang bumisita kay gulf ? Just comment na at abangan ang next chapter.☺️

MALDIVES & YOUWhere stories live. Discover now