Light House
Mew P.O.V
Mas nakilala ko pa si gulf lalo na nagkakausap ka gabi gabi at kahit hindi naman ako maliligo sa dagat ay inaabangan ko na siya sa dalampasigan. Sa umaga he's my staff and in the midnight he's my friend.
"Ang aga mo naman 10:45 palang ha?". Tanong ko kay gulf na naka upo sa malaking bato.
"Ee ikaw rin sir ang aga mo ha" sagot nito na naka pouty lips pa.
"Ee nakita kitang naglalakad papunta dito habang chinecheck ko ang stack ng tiki bar." Paliwanag ko.
"Ah ganon. oh sir" sabay abot ng beer saakin ni gulf.
"Ang aga niyan ha, may problema kaba?" Tanong ko kay gulf parang ang lalim ng iniisip.
Wala naman nagrerelax lang wala naman akong duty sir ee." Paliwanag ni gulf.
Inaabot ko ang inaalok niyang beer sabay tungga at umupo ako sa tabi niya.
"Pag may problema ka gulf sabibin molang saakin at tutulungan kita" mahina kong pagkakasabi sa kanya.
"Thank you sir" sagot niya na nakatitig saakin.
Habang nagtatawan kami ni gulf ay nakita niya ang ilaw ng parola sa kabilang isla malapit lang sa isla ni lolo moi.
"Saan yan sir" sabay turo sa liwanag na nasa ulap.
"Sa kabilang isla yan malapit lang dito, sabi ni lolo moi karamihan daw ng magkasintahang pumupunta dyan ay nagkakatuluyan o nagprapray na makita nila ang forever nila ay diyan pumupunta
Kaya diyan tinour ni lolo moi si lola na isang turista lang ng maldives." Kwento ko pa kay gulf."Edi sir punta tayo diyan para makita mo ang the one mo, pero wala bang horror story dyan sa lighthouse. " Saad ni gulf na curious sa tower.
"Diko alam pero di ako naniniwala na dahil sa tower na yan ay may nagkakatuluyan" saad ko.
"Edi try natin sir very interesting yun at may trill kase ngayon natin pupuntahan" saad nito
kita ko sa mata ni gulf ang curiosity at saya nito kaya tumayo na kami at tinungo ang pampang na may nakahilerang speedboat pero tinanong ko ulit siya kung sigurado siyang ngayon namin pupuntahan then he said yes. Ako ang nagpaandar at nasa likuran siyang tahimik na tinatanaw ang isla.
" Baba na andito na tayo." Utos k0 kay gulf ng makarating kami sa isla ng uganda.
"Wait lang sir balik na tayo mukhang may cannibal dito o dikaya yung may chainsaw". Nangagatog na saad ni gulf.
"Ikaw ang may gusto nito tapos aatras ka, baba ka o hihilain kita pababa". Utos ko.
Nakababa na kami at dala parin ni gulf ang isang bucket ng beer at ang isang beer ay tinutungga niya na pang alis daw ng takot.
"Sir wala ba talagang aswang dito o yung may dalang chainsaw". Tanong ni gulf na napakapit sa akin.
"Hindi ko alam at yun ang nakalimutan kung itanong kay lolo moi at kalalaki mong tao naduduwag ka" sabay alis ko sa kamay niya naka pulupot sa braso ko.
"Ee sir hindi naman ako 100 percent na lalaki." Paliwanag pa nito na ibinalik ang kapit sa braso ko at hinayaan konalang.
Naglalakad na kami sa ruta papuntang lighthouse ng pareho kaming nagulat.
"Ahhhhahhhh"
"Ano ba yan tatay lino bakit sumusulpot nalang kayo bigla mamamatay kami sanyo ee." Saad ko sa pilipinong care taker ng parola.
"Ee kayo nga ang sumusulpot nalang at ako nga ang aatakihin sanyo at bakit gabi na ay naisipan niyo pang magdate dito". Saad nito.
Sabay kaming nagkatingan ni sir mew at sabay ding itinangging mag jowa kami.
"Tatang di ko jowa to dahil sinamahan ko lang si sir mew na magwish na makita na niya ang the one niya" saad ni gulf.
"Ay ganon ba akala ko magjowa kayo, ee kapit na kapit ka kase iho" saad ni tatay lino na nakadirekta ang tingin sa braso ko na nakakapit parin si gulf rito.
"Ee tatang baka kase may mga cannibal dito o aswang ganon." Saad ni gulf.
"Wala naman kung merong mangangain dito ay papatayin kalang sa sarap" sagot nito at sabay tawa.
"Tara na tatay lino" utos ko.
Gulf P.O.V
Nasa gate na kami ng parola at napakataas nito at kita na alagang alaga ang paligid nito sa daming nakatanim na bulaklak na kitang kita ang ganda sa liwanag ng buwan.
"Ano sir sasamahan ko pa po ba kayo sa taas" tanong ni tatay lino.
"Hindi na matulog kana at bukas kami uuwi." Utos ni sir mew.
"Anong sabi mo mag oovernight tayo dito" gulat kong tanong.
"Tara na sa loob" seryoso nitong utos.
Ng nakarating kami sa taas ng parola ay namangha ako na parang ang lapit kolang sa buwan at sobrang lamig ng hanging dumadampi sa balat ko.
"Uy sir mag wish kana at bukas matupad na" utos ko kay sir mew na nakaupo na sa lapag at tinutungga ang pangalawa niyang beer.
"Naniniwala ka talaga dun" saad nito.
"Ee wala namang mawawala at nagwish din ako pero secret lang."
"Umupo kana at maya kakadungaw mo dyan mahulog kapa." Utos na naman ni sir mew at naupo ako sa tabi niya.
"Sir dito mo na ba gusto mag stay kase ako uuwi na ako next year so di na tayo magkikita". Saad ko
"I don't know pero I love maldives and that's place help me to move on kaya ang hirap isiping iiwan ko ang maldives ngayon". Malungkot na sagot ni sir mew.
Mahaba ang gabi at naubos namin ang anim na beer atsaka naramdaman ko ang antok.
"Naaantok na ako sir" saad ko kay sir na nakatulala sa langit.
"Dito kalang at Pupuntahan ko lang si tatay lino para kumuha ng sapin." Sagot nito atsaka tumayo.
"Sir dito talaga tayo matutulog at hindi ba pwede sa bahay nalang ni tatay lino" nakasimangot kong usad sa kanya.
"Hindi pwede dun dahil maliit ang bahay nun hindi tayo kasya. Basta dyan kalang" paliwanag nito.
"Sir bumalik ka ha. Baka may cannibal dito" pa cute kong saad.
"Isa pang cannibal at ako ang kakain sayo" pananakot nito sabay lip bite.
Nanahimik na ako at umalis na siya. Napaisip ako dun sa siya ang kakain sa akin at naalala ang matipuno niyang katawan at ang seductive looks nito. " Hayyss ang sama na yata ng tama ng alak sa akin at pinagpapantasyahan ko na ang boss ko." Mahina kong bulong sa sarili. At inalog ang ulo ko.
"Huy anong ginagawa mo. Mamaya nag tratransform kana at ikaw pala ang kakain sa akin" pagsulpot ni sir mew na may dalang maliit na tent na good for two at isang mahabang unan at kumot.
"Bakit sir masarap kaba" sagot ko na diko alam saang lakas ko nahugot.
"Edi tikman mo para malaman mo pero bago yun tulungan mo muna ako dito" usad nito.
Nakagawa kami ng tent sa taas ng parola at magkasama kang natulog sa iisang unan at kumot na walang malisya at nakainom kami kaya ang bilis makatulog ni sir mew na baka pagod din sa work. At walang nangyaring tikiman sa amin dahil sanay na kami sa isat isang walang halong malisya ang bawat green na biruan.
YOU ARE READING
MALDIVES & YOU
FanfictionA two different person founding their one reason to love again in one island because of different heartaches that they get from the past. Should they found a reason to love again or a person who willing to fall again. Just they fallen in love or let...