CHAPTER 20

0 0 0
                                    


Nasa bakuran kami nang bahay masayang nagkwekwentuhan at kumakain. Si kuya ayon masayang masaya habang kakwentuhan ang magkambal. Hindi ko din kanina napansin si Ashnel dahil sa mga sinabi nang mga kaibigan kung loka. Nagpustahan pa nga sila kung gusto din daw ni Karina si Ashnow.

Gusto niya kaya siya.

"Haler advance surprise to no kasi may pasok tayo bukas" ayan na naman ang kaibigan kung pinaka maarte. Ngumunguya pa siya habang sinasabi yan.

"Yah girl. You know mahal ka namin"

"MAHAL? EH KUNG SAMPA–"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Karina.

"Gin si kuya Dhen nag sugg–"

"Edi sana pinigilan niyo"

Tumahimik ang paligid na parang may dumaan anghel sa harapan namin. Ah oo nga anghel talaga kaya naman pala. Lumapit ang tatlong lalaki samin. Umupo si Ashnow sa tabi ni Karina at ang mga loka kilig na kilig.

Nakakapang gigil

Katabi ko naman ang kapatid ko at sinasamaan ko nang tingin dahil sa ngiti nitong makahulugan. Si Ashnel naman ay sa tabi ni Ria na kain lang nang kain. Kaya ang dating kaharap ko ang dalawa. Walang mesa at wala din upuan. Nakaupo lang kami sa nakalapag na kumot sa damuhan.

Siniko ako ni kuya dahilang mahulog ang kinakain kung pineapple. Inis ko naman itong tinignan pero umiling lang ito sakin.

"Don't stare at them na parang gusto mo na silang buhusan nang mainit na tubig sweetheart"

Pinag taasan ko siya nang kilay dahil hindi ko alam ang sinasabi nito. Nako kuya nababaliw ka na naman ata. Ngumisi ito sakin saka tumingin na sa mga kaibigan ko. Napatingin ulet ako sa harapan ko at parang uminit ang ulo ko nang makita ko silang tumatawang dalawa. Inis kong siniko si kuya na parang walang naramdaman kabanas. Tatayo na sana ako nang mag ring ang cellphone ko na binigay sakin kanina nang kapatid ko. Napatingin silang lahat sakin at hinihintay ang gagawin ko.

Napangiti ako sa screen nang cellphone ko nang makita ko kung sino ito. Agad ko itong sinagot na may ngiti sa labi.

"Gio" Inirapan nila akong tatlo saka napailing iling. Ngumiti naman si Karina sakin. Tsskkk ayoko nang ngiti mo ngayon girl.

[HAPPY BIRTHDAY]

Nilayo ko muna ang cellphone sa tenga ko saka tinignan ang oras. OMG I'm already legal age.

[June 3, 1999 when a girl born name Dhyzella]

Mas lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi nito. Hindi niya nakakalimutan ang kaarawan ko wahhhhhh.

[Thank you Gio]

[Can we–]

Hindi ko na narinig ang sinabi ni Gio nang hablotin ni kuya ang cellphone ko. Nakita ko ang ngiti sa mga kaibigan ko kaya pinandilatan ko sila nang mata. Napatingin rin ako kay Ashnow na titig na titig sakin. Agad kung iniwas ang tingin ko sa kanya dahil parang natutunaw ako pag tinitignan ako nito.

"KUYA" suway ko sa kapatid ko. Sinenyasan naman ako nito na tumahimik kaya hindi na lang ako nagsalita.

[Oh it's Dhen par. No hindi ako, gusto nga kita isama kaso ayaw nang mga kaibigan ni sweetheart"

"KUYA DHEN" bulyaw nilang tatlo sa kapatid ko. Umirap naman ito sa kanila.

[Really?. Bat mo kasi iniwan sweetheart ko] hinampas ko si kuya na siyang kinatawa nito.

[oh cgue par. Bye]

Agad binigay sakin ni kuya ang cellphone ko saka lumapit sakin at may binulong.

"Gio or Rein?"

Lumaki ang mata ko sa tanung nito sakin. Whatttttt did oh my god my brother is crazy.

Tumawa ito na nagpasimangot sakin. Takte ka kuya hindi ko alam pinagsasabi mo.

"I hateeee you na kuya" arteng sabi ni Lyn sa kapatid ko.

"why did you tell Gio that–"

"What? Totoo naman ayaw niyo siyang isama sa surprise na to"

Ngumuso ang tatlo sa kapatid ko. Sige ipalandakan niyo pang ayaw niyo na talaga sa Gio ko. Napabaling ang tingin ko sa kanya nang magsalita ito.

Naka hawak ito nang hotdog saka pinaikot ikot lang nito sa kamay niya. Tumingin ito nang deretso sakin na nagpa bilis na naman nang tibok nang puso ko. Oh god what's with this beat.

"Why? Are you already move on? O nagpapanggap ka lang hindi mo na siya mahal"

Nakaramdam ako nang inis sa kanya. Wag na wag kang magtatangkang sabihin sa kanila  na umiyak ako dahil sa kanya. Naramdaman ko ang  mga titig nilang lahat. Pati ang kapatid ko ay seryusong nakatingin ito sakin. They all waiting for my answer.

Bahala na.

"Of course not. Gio is my ex at ngayon kaibigan ko na siya"

Ngumiti ako sa lahat kaya ngumiti din sakin ang mga loka. Si kuya at Ashnow lang ang hindi kasi nakatingin parin sila sakin.

Binaling ko na lang ang tingin ko sa mga pagkain at pinagpawalang bahala ang tingin nang dalawa. Nagpatuloy ang kainan at kwentuhan namin lahat. Sa una si Ashnel ang laging nag o Open nang topic pero ngayon ang kapatid ko na hindi na nauubusan nang salita.

"That's funny kuya Dhen" sabi ni Lyn na may pahampas hampas pa siyang nalalaman.

Kukuha sana ako ulet nang pineapple nang hampasin ako ni kuya sa kamay.
"HUY DHYZELLA GIN. ALAM MO BANG KANINA PA NAG AALALA ANG MGA MAGULANG NATIN. MAGPA ALAM KA NGA"

"WHAT KUYA?? 1:00 AM NA. AKALA KO BA ALAM NILA ITO"

"WAG MO AKUNG SIGAWAN KUKUTUSAN KITA DIYAN"

Bwiset naman eh akala ko pinag paalam niya na ako. Hay minsan ang sarap ibaon si kuya sa lupa dahil sa pagka abnormal nito. Imagine siya ang may pakana nito at hindi man lang niya ako pina alam. For Pete's sake malalagot ako nito.

Mabilis akung nag type nang message para sa mga magulang ko. Agad ko itong sinend pagkatapos tumingin na sa kanila. Wala pang isang oras naka tanggap ako nang txt message galing kay daddy. Kunot noo ko itong pinag masdan saka tumingin sa kapatid kung tumatawa na ito. Bwiset naisahan ako.

"kawawang sweetheart. Naisahan ko na naman"

Nakitawa din ang mga kaibigan ko dahil sa ginawa ito nang kapatid ko. Inis kung binato sa kanya ang isang hotdog na nasalo naman nito.

"Thanks sweetheart" sabi nito na nginunguya na ang hotdog na hinagis ko sa kanya kanina.

Tumingin na lang ako sa cellphone ko saka binasa ulet ang txt ni daddy.

"Alam namin. Happy Birthday sweetheart. Enjoy 😍 😍 "

Nag type ulet ako sa cellphone ko saka nagpadala ulet nang message sa kanila. Ilalagay ko na sana ulet ang cellphone sa bag ko nang mapahinto ako dahil sa nakita ko. Magkatitigan sina Karina at Ashnow sa harap ko. Ngumiti ang kaibigan ko na binalikan niya din nang ngiti.

Napayuko ako saka napakagat labi kasi kumirot na naman ang puso ko.

Bakit ganito? Bat ako nasasaktan? At bakit ako nagkakaganito?

Daughter Of De Guzman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon