CHAPTER 26

1 0 0
                                    


Nakahilata ako ngayon habang nakatitig sa kisame. Alas onse na nang gabi pero heto parin ako dilat na dilat ang mga mata. Inis kung tinakpan nang unan ang mukha ko dahil sa pag ka irita. Bakit ako hindi makatulog. May nag iisip naman ba sakin.

Assumera.

Lalabas na sana ulet ako para pumunta sa terresa nang akin kwarto pero naalala ko ang nangyari sakin.

"arghhhhh nakakainis" bulalas ko sa sarili.

"gusto ko nang matulog"

Naglakad lakad ako sa loob nang kwarto ko. Wala man lang akung magawa tskk. Binuksan ko ang cellphone ko saka nanonood na lang nang vlog namin magkakaibigan.

Wala pa ako sa kalahati nang ihagis ko na naman ang cellphone ko sa kama. Bakit biglang pumasok sa isip ko si Ashnow. Ganun niya ba kagusto ang kaibigan ko.

Pababa na sana ako para kumuha nang maiinom nang bigla kung marinig ang sigaw ni mommy. Napatakbo ako sa kanilang kwarto. Nakita ko ang nanay kung umiiyak habang si daddy naman ay nakatayo sapo nito ang mukha. Are they fighting.

Patakbo na naman akung pumasok sa kwarto ko. Hindi na ako nagbalak bumaba kasi baka makita pa nila ako. At siguradong malalagot na naman ako dahil gising pa ako sa ganitong oras. Nahiga na ulet ako hanggan sa unti unting bumigat ang talukap nang aking mata.

                                ***

Bumaba na ako para makapag almusal. Naghihikab pa akung umupo sa harap nang mga magulang. Asikasong asikaso si mommy kay daddy na parang hindi sila nag kasagutan kagabi. They are pretending.

"good morning sweetheart" naka ngiting sabi sakin ni daddy.

"good morning din dad, mom" naka ngiti ko rin sabi. Alam ko nag papanggap lang sila sa harap ko.

"Mom hindi ko mahanap yong eye glasses ko"

Napakunot silang dalawa nang noo.

"diba nagpapalit tayo. Hindi pa ba naibibigay sayo ni Doc. Rime"

Umiling ako saka pinag patuloy ang kinakain ko. Hindi nakatakas sakin ang tingin nilang dalawa. Bakit hindi nila sabihin kung anung problema. Bakit nila kailangan mag panggap.

"sweetheart bibili na lang tayo nang bago"

Napatingin ako sa ama kung seryuso na ang mukha nito. Nakita ko naman ang pag irap sa kanya ni mommy.

"daddy wag na, saka bago lang din naman yong ibibigay ni Do–"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa biglang pag sigaw ni daddy. Nabitawan ko pa ang tinidor na hawak ko. Napalaki naman ang mata ni mommy saka tumingin sakin.

"NO DHYZELLA"

"ba...bakit?" nauutal na tanung ko.

Sa itsura ngayon ni daddy alam kung may mali. Hindi ito sisigaw nang walang dahilan. Lumapit sakin si mommy.

"Pumasok kana" sabi ni daddy at bigla itong tumayo at umalis sa kusina.

Ngumiti ako sa nanay ko nagpapahiwatig na ok lang naiintindihan ko. Umalis ako sa bahay na may bigat na dinadala. Nagpakawala ako nang buntong hinga saka tinawagan ang isa sa mga nagpapagaan nang loob ko.

[yes sweetheart] napangiti ako sa bungad ni kuya sakin. After the incident with her ex a few years ago ay lagi na akung tinatawag ni kuya nang ganyan.

[I miss you] nakanguso pa ako nang sabihin yan. Narinig ko naman ang pagtawa ni kuya sa kabilang linya.

[sweetheart kapatid mo ako. Tell me alam kung may sasabihin ka sakin]

Daughter Of De Guzman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon