CHAPTER 27

0 0 0
                                    


Pagkatapos kanina nang klase namin sa music ay tumakbo ako palabas nang room. Nagtataka man ang mga kaibigan ko pero sa sinabi sa kanila ni Ria ay hinayaan ako nang mga ito. Isa pang rason kung bakit ako tumakbo ay ayoko munang makaharap si Ria dahil siguradong uusisahin ako at ayokong mangyari yon.

Napadpad ako sa pinakamalayong building nitong school. Hindi ako nagpunta sa rooftop dahil alam kung hahanapin ako nang mga kaibigan ko don. Isinandal ko ang mga kamay ko sa bakal saka huminga nang malalim.

"hindi ko na maintindihan ang sarili ko" sinabunutan ko pa ang sarili ko pagkasabi non.

"Bakit siya??bakit siya pa?"

Umupo ako sa sahig at yinakap ang mga tuhod ko. Irita kung pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko.

Tumingala ako nang maramdaman kung sabay sabay na ang paghulog nang tubig sa kalangitan. Hindi ako gumalaw nanatili lang akung nakaupo habang umiiyak. I'm godamn tired to feel this heart ache.

Napapikit ako nang maalala ang mukha ni Ashnow habang nakangiti sa kumakantang Karina. Gusto rin ba siya ni Karina. Kasi kung hindi.

Humampas ang malakas na hangin dahilan para makaramdam ako nang lamig. Mas lalo kung yinakap ang sarili dahil wala talaga akung balak sumilong man lang. Nagulat ako nang tumigil ang pagtulo nang ulan sa kinaroounan ko. Agad akung nag iwas nang tingin nang makita ko kung sino ito.

"Leave" mahinahon kung sabi

Hindi niya ako pinakinggan at mas lumapit pa ito sakin. Ano pinaglalaruan ba ako ni kupido. Kung kailan gusto kung umiwas takte.

"Hinahanap kana nila" umupo ito sa harap ko na hawak padin ang payong. Tinanggal nito ang jacket na suot saka sinuot sakin. Tatanggalin ko na sana ito pero mahigpit niyang nilayo ang mga kamay ko doon.

Tinignan ko siya nang masama. Wag kang maawa sakin. Hihilahin niya sana ako patayo pero tinabig ko ang mga kamay nito.

"Ano bang problema mo?Hinanap kit–"

"BAKIT SINABI KO BANG HANAPIN MO AKO"

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Inis, sakit, galit. Galit na hindi ko na mababago ang nararamdaman ko. Alam ko sa sarili kung gusto ko siya. At sakit dahil kaibigan ko ang gusto nito na kailangan ko magparaya dahil sa kaibigan ko.

"PINAPAHANAP KA SAKIN NANG MGA KAIBIGAN MO IT'S NOT THAT I WANT"
Tinulak ko siya palayo sakin. Kung ganun napilitan lang pala itong hanapin ako.

"SO LESSEN YOUR PRIDE WILL YOU" muling sigaw nito sakin.

"UMALIS KA NA" hindi niya muli akung pinakinggan at hinigit nito ang kamay ko. Dahil sa pag kairita mabilis ko siyang sinipa sa binti dahilan upang mapayuko ito.

"FUCK ANG BRUTAL MO TALAGANG BABAE KA"

Nagsimula na akung maglakad nang mapahinto ako dahil sa sinabi niya.

"Ang layo nang ugali mo kay Karina"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napaiyak na ako nang husto. Fuck why do I feel this kind of heart ache. Ang sakit na sa mismong tao nanggaling ang mga salitang yon at sa Kaibigan pa ako kinumpara.

Nakatalikod akung sumigaw. Binuhos ko lahat nang emosyon sa pag sigaw sa kanya.

"OO NA. MALAYO NAMAN TALAGA UGALI NIYA SAKIN. KASI SIYA MABAIT AT AKO SANTITA. SIYA MARIA CLARA. AKO HINDI. MAGANDA BOSES NIYA AKO SAKTO LANG. MAHAL MO SIYA, AKO HINDI"

Pabulong kung sinabi ang panghuli dahil ayaw ko itong iparinig sa kanya. Narinig ko ang yapak nito kaya napatakbo ako sa pinto para sana umalis. Pilit kung hinihila ang pinto pero ayaw na itong mabuksan. Inis ko siyang binalingan nang makalapit ito sakin.

"nakakainis ka. Bwiset" hinampas ko ito gamit ang mga kamay ko

"Hindi na mabuksan. BAT MO KASI TINANGGAL ANG BATO DIYAN SA GILID. LETC–"

"Were locked?"

Pumunta siya sa pinto at pilit itong binubuksan. Gulat niya akong tinignan at bumaling ulet sa pinto.

"Wag mo nang subukan. Masasayang lang ang effort mo" irita akung naglakad at nagpunta sa may yero at doon sumiling. Yinakap ko ang sarili dahil nanginginig na ako sa lamig.

"WERE HERE. CAN SOMEONE HELP US"

"NILALAMIG NA ANG KASAMA KO" Bumaling ako sa kanya at napatulo na naman ang luha ko. Nong nagkagusto ako kay Gio ay hindi ako nakaramdam nang sakit dahil gusto rin pala niya ako non. Iniwas ko ang tingin ko nang bumaling ito sakin. Mas mahal ko ang kaibigan ko kesa sa kanya. Nagpunas ako nang luha nang maramdaman ko ito sa tabi ko.

"Makakalabas din tayo dit–"

"Haaaaachung"

Suminghot ako dahil sa pagbahin ko. Nakakahiya. Inilagay nito ang payon sa gilid ko upang hindi ako mabasa dahil sa pagpatak nang ulan sa sahig.

"Haaachung" napapikit ako nang maramdaman ang sakit nang ulo ko.

"Dhyzella" bumaling ako sa kanya. Nakita ko ang seryuso niyang mukha na may bahid itong pag aalala.

"I want to sleep" pabulong kung sabi.

Hindi ko alam kung anung oras na pero alam kung maggagabi na. I'm wet at hindi pa kami makaalis dito dahil sa na locked kami.

Pumupungay na ang mga mata ko dahil sa lamig. Ramdam ko nadin ang bigat nang aking katawan.

"Shet ang init mo"

Naramdaman ko ang paghilig nang ulo ko sa semento. Nakapikit na ako pero ramdam ko parin ang paggalaw niya. Nadilat ako nang maramdaman ko ang mga kamay nito sa uniform ko.

"wala na akung maiisip na paraan"

Alam ko ang ibig niyang sabihin kaya umayos ako nang upo at nagsalita.

"ako na magtatanggal"

Tumalikod ito sakin kaya wala na akung sinayang na oras. Tinanggal ko nang dahan dahan ang blouse nang uniporme ko. Mabagal kung natanggal ito dahil sa panghihina nang katawan ko.

"akin na uniform mo" inabot niya ito sakin na nakatalikod.

Agad ko itong sinuot at napapikit na naman ako dahil hindi ko na kayo. Gusto ko nang matulong.

"Dhyzella, Dhyzella"

Tinapik nito ang mga pisngi ko dahilan upang mapadilat ulet ako. Pumwesto ito sa likod ko saka niya pinahilig ang ulo ko sa dibdib nito. Wala na akung lakas para sigawan siya kaya hinayaan ko na lang ito.

Wala itong pang itaas na damit dahil nasa akin ang kanyang pang itaas. Nagulat man ako sa yakap nito mula sa likod pero nakaramdam naman ako na medyo uminit. Hinayaan ko na lang itong yakapin ako saka mapait na ngumiti dahil sa bulong nito na narinig ko.

"kailangan walang nangyaring masama sayo dahil lagot ako sa mga kaibigan mo lalo na kay Karina"

Daughter Of De Guzman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon