CHAPTER 28

0 0 0
                                    

Dinaluhan kami nang guard nitong school nang makita kami ni Ashnow sa building na yon. Napatingin ako sa kanya nang bumahin na naman ito. Agad kung inangat ang mga kamay ko para tignan kung may sinat nadin siya.

"Mainit kana din"

Hindi niya ako pinansin saka tumayo na ito. Tatayo nadin sana ako nang nagpagewang gewang ako. Agad akung sinalo ni Ashnow nang matutumba na ako. Ang sakit nang ulo ko. Kumapit ako sa kanya saka muling napapikit.

"kaya mo bang maglakad?" tanung nito.

Dumilat ako saka tumitig sa kanya. Pano ko di magugustuhan ito kung pag gising pa lang namin kanina agad niya na akung inalala.

"yata" tumaas ang kilay nito dahil sa sagot ko.

Pumikit din siya at doon ko lang naalala na  mainit din pala ito. Agad akung binitawan ang braso nito pero agad din akung natumba na nasalo niya na naman.

"you're not ok"

Aalalayan niya sana ako pero agad akung lumayo. Kumonot ang noo nitong tumingin sakin.

"may sakit kadin. Unahin muna sarili mo"

Naglakad ito palapit sakin at agad niya akung binuhat magpupumiglas sana ako pero agad itong nagsalita.

"please don't be a hard headed right now. Pareho tayong mamatay pag pinairal mo naman yan katigasan nang ulo mo"

Nagsimula na itong maglakad. Nasa likod namin ang guard na kanina pa humihingi nang tawad samin dalawa. Huminto si Ash sa paglalakad at inayos ang pagbubuhat sakin. Dahil ayaw ko din siyang mahirapan nilagay ko ang mga braso ko sa batok nito. Hindi naman ito nagreklamo kaya mas kinawit ko pa ang mga braso ko don.

Suot ko na ang blouse ko na tuyo na at ganun din si Ash. Tahimik lang siya habang deretso ang tingin nito sa daan. Napatitig ako sa mukha nito. Ngayon kinakain ko na ang mga binitawan kung salita non sa kanya. Ano nga ulet? Hindi mo siya magugustuhan? WTF Gin hindi na ikaw to.

Medyo maliwanag na sa kalangitan. Kaya may mga studyante na nadadaanan namin napapayuko ako sa tuwing tumitingin sila samin. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil pag fifirstahan na naman ako nito sa social media.

"Ash ibaba mo na ako. Ma issue na–"

"Shut up"

Napatiptop ako dahil sa titig nito sakin. Bakit ang seryuso nang mukha nito lagi. Bakit sa tuwing tinitigan ako nito ay parang natutunay ako. Bakit ganyan siya manitig. Nakakairita man pero wala pa akung lakas na sigawan siya. Huminto ito sa paglalakad kaya tumingin ako sa paligid. Nasa harap na kami nang school. Binaba niya ako at agad napatakbo sa mga magulang kung kausap nito ang principal nang school.

"Mommy, Daddy" agad nila akung yinakap.

"oh my akala namin may nangyari nang masama sayo"

"Sir Ok lang po kayo" agad akung tumakbo sa kinarorounan nito at inalalayan siya. Kahit masakit pa ang ulo ko ay wala na akung pakialam.

"Ash. Ash" tinapik tapik ko ang mukha nito pero nakapikit na ito.

"Mom, Dad dalhin natin siya sa hospital"

Pagkasabi ko non agad namin sinakay sa sasakyan si Ash. Si daddy ang nag drive habang nasa tabi nito ni mommy. Nakahiga naman si Ash habang ang ulo nito ay nasa hita ko.

Nakarating kami sa hospital at agad inasikaso si Ash. Hindi ko na inalintala ang pananakit nang ulo ko dahil nag aalala ako sa kanya. Kung wala siya doon siguro patay na ako sa lamig kaya malaking pasasalamat na andon siya kahit para kay Karina pa yon.

"tita" napatayo ako nang makita ang mga magulang ni Ashnow

"anung nangyari?" agad na natung ni tito nang makalapit ito. Napakagat labi ako dahil ako ang rason kung nakahilata ngayon ang anak niya.

"Sorry tito,tita ako po may kasalanan" nakayuko kung sabi.

Hindi sila sumagot sakin kaya napa angat ang ulo ko. Nakatitig na sila ngayon sa anak nila na mahimbing na natutulog. Wala pa itong malay mag mula kanina.

"Dhyzella" napatingin ako sa mga taong palapit na samin. Yinakap nila ako na dinaluhan ko naman.

"ok ka lang ba?" tumango ako sa tanung ni Novz. Iniwas ko ang tingin ko nang tumingin sakin si Ria ngumisi ito na nag pairap sakin.

"girl san kaba kasi nagsusuot suot" ngusong tanung ni Lyn

"at bakit ka tumakbo kahapon" tanung naman ni Karina na kay Ashnow nakatingin.

"My ghad girls were came here to see them kung ok lang ba sila, hindi yon makikipagchismisa" tumingin ako kay Ria na tinaasan lang ako nang kilay. OK thank you.

"may dalaw ka girl" tukso sa kanya ni Lyn

"abat ang chismusa nagbago na" natatawa naman sambit ni Novz. Pinaikot ni Ria ang mga mata nito saka tumingin ulet sakin.

Tumayo si Ria saka lumapit sakin. Nilagpasan naman kami nina Lyn at Novz saka lumapit na sa nakadilat na Ashnow.

"Marami kang ikwekwento sakin" bulong nito at nagpunta narin doon.

Masayang masaya ang mga magulang nito na walang nangyaring masama sa kanya ganun din ang mga loka kung kaibigan. Hindi pa ako lumapit at nakinig lamang sa kanila.

"aysus pano pag si Karina yong nawala. Hahanapin mo rin ba siya" boses iyon ni Novz. Binaling ko ang mata sa cellphone ko na parang may katxt.

"Nova" suyaw naman ni Karina.

"gaga inutusan lang naman natin siya ah" boses yon ni Ria.

Napakagat labi na lang ako saka magmamartsa na sana paalis nang may humablot sa braso ko. Hinigit niya ako palapit sa kanila.

Napatingin ang lahat sakin kaya pinandilatan ko nang mata si Ashnel na nakangiti.

"Dhyzella is here. Kung mag usap kayo parang wala siyang pakalat kalat diyan" inakbayan niya ako na nagpanguso sa mga kaibigan ko.

"Ano kaba Reivin. Matanda na yan hayaan muna siya" nag tawanan ang mga loka kaya inirapan ko na lang si Lyn.

Napatingin ako kay Ashnow na saktong nakatingin rin ito sakin pareho kaming nag iwas nang tingin kaya bumulong si Ria na siyang katabi ko.

"Halata masyado" inis ko naman itong tinignan na nag pahagalpak nang tawa nito. Naka kunot noong tinignan siya nang tatlo kaya tumigil ito.

"I'm just happy girls" ngingiting sabi nito.

"happy for what? Nababaliw kana ba huh Ria" tanung ni Lyn rito.

"I'm not. Hindi ako ang nababaliw dito"

Agad akung kinabahan sa sinabi ni Ria. Binigyan nila nang makahulugang tingin si Ria. Ngumiti lang naman ito saka bumaling sakin at kay Ashnow. Wag kang magkakamali Ria mapapatay kita.

"Eh sino aber" tanung ni Novz saka tumayo.

Ngumiti ito nang malapad. Bumilis ang tibok nang puso ko dahil feeling ko mahuhulog ako ngayon sa hukay. Walanghiya ka Ria. Kakatayin talaga kita.

"Si Gin"

Daughter Of De Guzman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon