CHAPTER 16

0 0 0
                                    

Nagunahan kami ni Ash papasok nang room. Napatingin lahat samin dahil sa magkasama kami. Hinihingal pa kaming umupo sa likod saka nagmurahan na naman.

"tangina naman, bat ka naninipa" namimilipit na sabi nito. Inirapan ko siya saka tumawa.

"ikaw ang naunang umupo kaya tama lang sayo yan"

Umayos ako nang upo. Napatingin ako sa mga kaibigan kong naka awang ang kanilang mga bibig. Ay wait di lang pala sila lahat nang tao sa room namin. Tumingin ako kay Ashnow na naka kunot ang noo nito. Nginuso ko ang mga tao at mas lalong nagpakunoot nang noo nito. Takte hindi niya ba makuha ang ibig kung sabihin.

"Walanghiya kang babae ka. FUCK"

Napa hiyaw ito sa sakit dahil tinadyakan ko ang paa nito sa ilalim nang upuan. Tinignan ko siya nang seryuso saka sinenyas ang ulo ko sa mga tao. Sa una hindi pa niya nakuha ang ibig kung sabihin pero nang mahimas masan ito dahil sa sakit. Ngumiti ito sakin na nagpa taas nang mga balahibo ko. Napa atras ang ulo ko nang ilapit nito ang mukha sakin na naka ngisi.

Tumingin ako ulet sa mga tao sa loob. At mas lalong bumuka ang mga bunganga nila sa nakikita. Inis ko naman tinignan si Ashnow na tumaas ang kilay nito sakin. Gago tulungan mo akung magpaliwanag sa kanila hindi yong dinadagdagan mo pa ang mga mali.

"sila naba talaga"

"nakita niyo yong post kanina nagdate sila sa rooftop"

"they look perfect together"

Tumingin ako sa mga nagbulungan at agad napatiptop sila sa kanilang upuan. Inis kong nilayo ang mukha ni Ash sakin gamit ang mga librong nasa arm chair ko. Tumawa ito na mas lalong nag palaki nang mga mata nang lahat.

"tumatawa siya"

"OMG napatawa siya ni Dhyzella"

"sampalin mo nga ako Novz"

Sinampal naman nang pagkalakas lakas ni Novz si Lyn na napalaki ang mata. Napatingin ang lahat sa kanila dahil sa lakas nang pagkakasampal nito. Tatayo na sana ako para pumagitna sa kanila dahil siguradong gyera ang aabutin nang dalawa.

Tumayo si Lyn na nagpakaba sakin. Sa lahat nang ayaw nang babae na to ay ang sinasampal siya. Na alarma din sina Karina at Ria na tumayo din kagaya ko. Gulat kaming napatingin kay Lyn nang tumili ito at nagtatalon dahil sa tuwa. Nagka tinginan kaming apat at nag uusap ang mga mata namin.

"OMG HINDI ITO PANAGINIP. TUMAWA SI REIN" 

Napa upo ako ulet dahil sa ka abnormalan nang kaibigan ko. Akala ko pa naman mag kakagulo na dahil sa pagsampal ni Novz sa kanya hindi pala at natuwa pa ito.

"ibig sabihin makakausap narin natin siya"

Nagsi tanguan ang mga babae sa room at agad lumapit sa upuan namin. Nagulat kami nang sabay sabay silang naglahad nang kamay kay Ashnow. Sinamaan naman niya ang mga ito ngunit hindi sila natinag.

"Thea"

"Gwen"

"Fritzy"

"Angel"

Sunod sunod silang nagpakilala kay Ash. Nakaupo lang naman ang katabi ko habang salubong ang kilay niya. This is crazy pero nakakatuwa ang ganitong eksena. Bumaling ito sakin na nagpa wala nang ngiti ko. Umirap ito sakin na naiinis.

Napa baba nang mga kamay ang mga kaklase ko dahil sa pagbaba nang ulo ni Ashnow sa arm chair nito. Humikab ito na nagpasimangot sa kanila. Ano ba kasing mapapala nila sa kanya duhhh eh wala naman siyang pakialam sa ibang tao bukod sakin.

Bukod sakin??

Siniko ko ito na nagpa angat nang ulo niya sakin. Sinamaan niya ako nang tingin na hindi na iba sakin. Parati naman siyang ganyan hindi na nakakanibago. Nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya saka may binulong.

"be nice, kahit ngayon lang" tinignan niya naman ako na sinasabing "wow nagsalita ang mabait". Hindi niya ako pinakinggan at yumuko ulet ito sa arm chair niya. Bago pa ito mapapikit tinadyakan ko na naman ang paa nito na nagpamura sa kanya.

"Letche kang babae ka" tinaas ko ang kilay ko saka nginuso ang mga kaklase namin nasa harap pa namin. Duhhh naiinis lang ako dahil naka harang sila sa harapan ko. Hindi ko tuloy makita ang mga itsura nang mga kaibigan ko.

Bumuntong hininga ito saka walang ganang tumingin sa kanila. Naka tingin lang ako sa kanila at hinihintay din kung ano ang sasabihin nito.

"nice to meet you all" walang gana niyang sabi.

Napa ngiti nang malapad ang mga kaklase kung babae saka nagkanya kanya sila nang salita. Tumingin naman sakin si Ash at sinasabi sa kanyang mga tingin na "ano masaya kana" inirapan ko naman siya at tumingin na sa mga kaibigan ko.

Tumayo ako sa upuan ko at lumapit sa mga lokaret kung kaibigan. Walang sino man ang umimik sa kanila pero nakatingin sila sakin nang deretso. Magsalita kayo wag kayong tumingin nang ganyan kasi nakakairita.

"Karina sino nga ulet yong boyfriend mo" humarap sina Novz at Karina kina Lyn. Nag usap sila na parang wala ako sa harapan nila. Inis ko silang pinag masdan habang hindi maka imik si Karina sa tanung ni Ria.

"OMG OMG tignan niyo ito"

Pinakita ni Lyn ang hawak niyang cellphone sa tatlo at agad tumingin sakin na nagpa taas nang kilay ko.

"Nag punta sa rooftop na iba ang kasama" sabi ni Novz na nagpa kunot nang noo ko. Mabilis kung hinablot ang cellphone hawak nang pinaka maarte samin na si Lyn. Nilapag ko ang mga braso ko sa arm chair nina Ria at tumingin sa kanila nang deretso. Ngumisi ako nang may mahalata ako sa kanila. Gotchhhaaaa wag niyo akung lokohin mga lokaret alam ko na ang mga gawa niyo. Tinignan ko si Karina na nagpangiti sakin tinignan din nila si Karina saka pinangdilatan nang mata.

Ginala ko ang paligid saka naglakad sa taong may hawak nang camera. Nilapit ko nang husto ang mukha ko sa camerang nakatotok samin magkakaibigan. Ngumiti ako saka nagsalita.

"hello I'm Dhyzella Gin De Guzman wag niyo akung lokohin mga loka" sabi ko sa mismong camera

"Ay ang daya pano niya nalaman"

Tumingin ako sa kanila saka tinuro si Karina na naka yuko. Kung lolokohin niyo kasi ako wag niyo nang idamay yan nako madali lang yan mahalata.

"Hindi naman kasi ako magaling umarte" mahinahon na sabi nito.

"Aish ano ba yan"

Tumawa ako dahil hindi nila talaga ako maloloko. Lumapit ako sa kanila saka ngumiti. Sumimangot naman sila sakin.

"Tara sa rooftop" sabi ko saka nauna nang maglakad.

Daughter Of De Guzman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon