20

8 2 0
                                    


"Tara tara mall tayo" aya agad ni Fail sa amin kakalabas pa lang namin ng school nang aya na kaagad 'tong kumag na to

"Tangina mo Fail kita na madami tayong gagawin assignments nag-aya ka pa, di ka na natuto pinagalitan ka na nga kanina ni Ms. Forbes" singit ni Jannie. Nasa labas na kami ng gate ngayon.

"Magkaiba ang pinagsabihan sa pinagalitan, bopols. Ex pa naman din kita" sabi ni Fail at tinignan si Jannie ng nakakadiring tingin.

" Bopols pala ah" pagbabantang sabi ni Jannie, hinarap ako ni Jannie


"Syd send ko sayo mamaya yung sagot sa Literature. SAYO lang" pagdidiin na sabi ni Jannie natawa ako ng mag iba ang itsura ni Bagsak. Pinakaayaw ni Fail na subject ay literature weakness niya yan, sa amin tatlo si jannie ang may pinakaalam sa subject na yan. Ewan ko ba sa kumag na 'to, engineering daw ang kukunin niyang course sa college pero nag humss


"Ito naman hindi mabiro" Fail said and smacked Jannie's shoulder pero inismaran lang siya nito


"Eto naman parang di tayo magkaibigan" sabi ni Fail na nakahawak pa sa dibdib niya umaaktong nasasaktan. Jannie raise his middle finger to Fail, I chuckled


(Nakaramdam ako ng pagvibrate sa bulsa hudyat na may nagtext) tinignan ko ito at nakitang si Cred ang nagtext


From: Credixt

Malapit na ako


Ngayon ko pala siya ipapakilala kela mama excited si kumag tignan natin mamaya kung saan aabot yan pagkaexcited mo.


To: Credixt

Sige.


Patuloy parin sila sa pagtatalo lakas ng mga amats nito. Etetext ko na sana si Cred na nasa isang stall kami nang may kumalabit sa'kin, agad akong lumingon at nakita si Cred nakangisi sa akin harapan. Napakurap ako ng mata ng kumindat siya, di ko namalayan na matagal ko na pala siyang tinitigan. He waved his hand in front of my face dahilan kaya napabalik ako sa aking ulirat


I rolled my eyes at him,he chuckled. Ang sarap pakinggan ng tawa niya he's chuckles was like music to my ears. Tinalikuran ko sya at hinarap ang dalawang nagaaway kong kaibigan seriously? Dumating na si Cred lahat lahat nag aaway pa din sila


"Una na ako" paalam ko sakanila pero ni isa sa kanila di ako pinansin. Kaya kinuha ko ang bag ko sa upuan na malapit kay Jannie at tumalikod na.


Kumunot ang noo ni Cred ng makita ang dalawa na nagkakasakitan na. Nagtataka siguro siya kung ano ang pinagmulan ng away at bakit humantong ito sa sakitan


"Your friends are weird" Cred commented. Kinuha niya sa akin ang bag ko at sya na ang nagdala binigyan niya pa ako ng isang mineral na tubig, agad ko itong ininom dahil sa kanina pa ako nauuhaw.


"Di ko mga kaibigan yun" ani ko kaya mahina siyang natawa, ginulo niya ang buhok ko porket mas matangkad siya sa'kin


Nagsimula na kaming maglakad papunta sa motor niya. Speaking of motor, baka road to langit sa kaba 'to imbes na road to langit sa sarap

The Thing Called QuarantineWhere stories live. Discover now