16 // Competition

31 17 0
                                    

Chapter 16


Win it, Tate! I'm rooting for you!

I was so happy to get this message from Noah. I wasn't expecting anything but his message became my motivation as I'm filled with too much eagerness to win the Decathlon Competition today. It was already for enough for me that he's supporting me. Ang sabi niya pa ay pupunta siya sa mismong competition so I'm looking forward to see him watching me aced it.

Before we leave the room, nag-pray muna kaming lima that leads by Sir Terillo. Kinakabahan ako sa mangyayari pero buo naman ang tiwala kong malalagpasan naming may ngiti sa labi ang competition. Kung ano man ang maging kalabasan, manalo man o matalo, at least we gave our best to compete for the school. Iyon naman talaga ang mahalaga, iyong inilaban mo at hindi mo sinukuan.

I also texted Gwen if she can make it today pero mukhang walang pag-asang dumating siya. Ni hindi niya nga ako nire-replayan and then I just found out earlier before I received Noah's message, she blocked on all social media accounts. Even on her phone number. Hindi ko alam kung bakit pakiradam ko naging kasalanan ko ang lahat. Now that she got what she wants, ano pa bang gusto niya?

When we decided to leave the room to go to the Auditorium where the competition will happen. Hindi gano'n karami ang mga students na nasa loob, hindi katulad noong nakaraan sa football match na halos lahat na yata ng mga estudyante ay nanonood. Siguro, wala lang talagang interes ang ibang tao manood ng competition. Boring naman talaga ang Decathlon for those people who aren't like us. This thing isn't fun for them.

Umupo kami sa designated seats namin. Ang mga mata namin ay nasa stage na kung saan naka-ayos na ang set-up for the competition. May ilang students from other school na rin naman ang nandito pero wala pa 'yong team na makakalaban namin. And I'm also looking for Noah, wala pa siya at mabilis lang naman hanapin dahil hindi nga puno ang upuan at halos mga students to compete lang ang nandito.

"They're here..." Sir Terillo muttered.

Sabay sabay lumingon ang mga ulo namin sa pinto ng Auditorium. Nakita namin ang opponent team namin. Hindi naman ako natakot kahit nakakaintimida ang pagiging seryoso nila. Umupo sila sa kabilang side ng upuan.

"Guys, you already know what to do, right? Go team." aniya.

Tumango kami, determinadong manalo sa kompetisyong ito. Hindi kami papatalo at lalaban kami ng patas. First time ko mang sumali sa ganitong competition, I would really give my best for this. Wala naman akong gustong patunayan, hindi ko naman gustong lamangan ang ibang tao. Gusto ko lang gawin 'to kasi isa siyang opportunity sa akin para mag-excel. Hindi ako nakikipagsabayan sa ibang tao, wala akong tinatapakang tao. Kung iyon man ang tingin nila sa akin, bahala na sila buhay nila.

Nang mag-ten o'clock na, nagsimula na rin ang competition event. Nagsimula sa introductory speeches ng mga host at sinunod naman nilang ipinaliwanag ang mga rules. Sinabi na naman sa amin beforehand ang set of rules kaya alam na namin kung anong kailangan iwasan, they were just explaining it again para mas malinaw sa buong lalahok sa competition.

We're in the third set to compete at habang pinapanood namin ang mga naunang teams ay kinakabahan na kami dahil hindi namin inaasahan na sobrang gagaling nila. Hindi pa man natatapos ang question at hindi pa naibibigay ang set of answers, nangunguna na kaagad sila sa pagsagot. 

Every set ay may mananalong team and there are four teams that will win by the end all of sets. Magkakaroon ng tatlong rounds at ngayon ay nasa first round pa lang kami at sana hindi kami matatalo sa unang salang pa lang.

When the first and second sets are done, kami na ang sumunod. Tumungo kami sa stage at humilera sa aming table. Our opponent shows graciousness in their actions pero hindi naman kami papadaig sa kanila, mas pinakita namin sa kanila na hindi kami uurong dahil super confident sila.

1. Falling for Noah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon