Chapter 12 - Next MK of Dragna

126 4 0
                                    

COURTNEY'S POV

Balik sa dating gawi. Pinacancel ko muna yung mga photo shoots at iba kong appointments dito sa Pinas at sa New York. Gusto ko kasing magfocus muna sa Academy. Nakatapos na ako ng pag-aaral pero dahil I want to have new memories again, nagpaenroll ako sa Royalty Academy. I graduated at Harvard University. BS Psychology ang course ko pero hindi gaanong nagamit yung pinag-aralan ko kasi since bata ako ay nagfocus na ako sa pag-aartista.

Andito ako ngayon sa hallway ng Academy. Hinihintay ko kasi si Kuya. Ibibigay niya daw kasi sa akin ang list ng mga kailangang bilhin para sa English Week. Next Week na kasi kaya busy ang lahat. Pero syempre, kasama ko si Dodong Sean sa pamimili ;) Hahaha. Natatawa talaga ako pag tinatawag ko siyang Dodong kasi nagagalit siya. Sobrang Corny daw at unpleasing to the ears. Eh yung Mylabs nga, napakacorny pero nasanay narin ako.

"Mylabs."

"Ano dong?"

"Pagkatapos nating bumili, may pupuntahan tayo."

"Saan?"

"Basta. Mamaya na :)"

Ang tagal naman ni kuya. Tumayo ako at pumunta sa tapat ng office ni Kuya. Kakatok nasa ako ng biglang bumukas yung pinto.

*PAK*

"Aray Kuya! Ang sakit nun ah!"

Sabi ko habang hinihimas ko yung noo ko.

"Eto na yung listahan ng kailangan niyong bilhin. I need it exactly 1:00 pm. Ichecheck pa kasi yan ng mga students. You can now go."

Habang naglalakad kami ni Sean papunta ng Parking Lot ay binabasa ko yung mga nandoon sa listahan.

"Party Poppers. Ballons. Teddybears. Heart-shaped cupcakes. Chocolate Fountain. Teka. Dong? Bakit parang pang Valentines Day yata tong pinapabili ni Kuya. Matagal pa naman ang February ah. July pa kaya."

"Ewan ko nga rin eh."

"Aish. Ano bayan."

Napansin ko na parang may problema si Sean. Para kasing ang lalim ng kanyang iniisip.

"Sean. Dong? Uy?"

"Ah. H-huh? Ano?"

"May problema ba? Kanina kapa kasi nakatunganga diyan."

"A-ako? Hahaha. Wala. Tara na."

Umalis na kami ng Parking Lot. Habang nagdri-drive si Sean ay tinitignan ko siya. Parang ang bigat talaga kasi ng Problema niya. Pero hindi ko nalang siya kinulit baka kasi magalit pa sakin.

Nandito na ako sa mall pero hanggang ngayon ay hindi parin ako nakabili kasi mas inuna ko pa yung mga GUSTO KONG bilhin xD Hahaha.

"Mylabs. Mauuna muna ako. May kailangan pa kasi akong puntahan. Call me if magpapasundo kana."

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon