Chapter 17: Metaphase II

70 3 0
                                    

"Rahim, anong pre-law mo?"

"Previous girlfriends?"

"Do you think you can handle relationships and studies at the same time?"

"May experience ka na bang lumandi? Sa kakaaral mong niyan?"

"Do you think your morals would be still intact after law school?"

"Virgin ka pa ba?!"

"Dios mio! Annica!" Hindi ko na napigilan ang sariling mapasinghal dahil sa sinabi ng dalawa. Annica looks at me while she's on the verge of laughing while Arya just shook her head bago ibinalik ang tingin sa thesis papers niya.

I cannot believe my friends and their set of question to use to interrogate! Nakakabaliw!

"I'm sorry." Mahina kong bulong kay Rahim at nakita ko lamang naglaro ang isang maliit na ngisi sa labi niya.

"Monique is very popular to boys like him." Bulong ni Arya sa gilid na agad naman siyang sinuko at tinawanan ni Annica. Pinandilatan ko ng mata ang gulat na si Arya habang si Annica naman ay tuloy-tuloy sa pagtawa.

"What do you mean?" para akong nanigas dahil sa narinig na boses kay Rahim. Ang isang braso ay inilagay sa likod ng aking upuan at marahan akong pinasadahan ng tingin. Kahit pa hindi ko naman alam ang tinutukoy ng dalawa ay kinabahan akong bigla! Mapagbubuhol ko talaga ang mga dila at esophagus nila!

"Rahim, don't mind them. Nagjo-joke lang sila-" hindi pa man ako natatapos sa sinasabi ko ay nagsalita na si Annica.

"What she means is, popular si Monique sa mga bad-boy looking guy! You know Vico from her class! Super duper patay na patay sa kanya!"

"No! I don't even talk to him! Hindi niya ko gusto!"

"He doesn't have the balls to talk to you, dini-dribol niya kasi sa loob ng court." Agad na humagalpak ng tawa si Annica sa sinabi ni Aryanna. Hindi ko naman naitago ang gulat dahil sa sinabi nila. Rahim eyed me like I'm the one committed the crime!

Maling-mali talaga ang desisyon na ipakilala siya sa dalawang ito! Kung hindi kahihiyan ko noong mga bata ako sa magulang ko! Ito naman ang sasabihin ng mga kaibigan ko!

"Who's Vico?" Mukhang hindi na niya napigilang tanong sa akin.

"He's one of my block mate. Hindi kami close." Saad ko at agad sumimsim sa kapeng iniinom. Hindi naman inalis ni Rahim ang tingin niya sa akin.

"Hindi niya alam Ibrahim dahil isang lintek na manhid na gaga 'yan!" I couldn't help but throw death glares at Annica dahil sa mga pinagsasabi niya kay Rahim!

Sa buong oras na nakaupo ako rito ay wala akong ibang naramdaman kundi stress sa lahat ng mga sinasabi ni Annica kay Rahim. Mga shady na banat ni Aryanna sa akin! Kung ganito ang epekto ng babae sa kanya! Sana hindi na siya magka-girlfriend! Malamig pa siya sa malamig!

Its only a few months before graduation and all of us is in deep stress dahil sa thesis namin. Good thing, Rahim is already criticizing my paper unconsciously kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit nakailang ulit ako ng iilang parts ng paper ko! Kapag kasi nagtanong siya at hindi ko nasagot, wala akong ibang choice kundi umulit!

"Rahim, sayo na ako magpaalam! Hiramin ko kotse ni Monique!" Natatawang sabi ni Annica habang inaabot ko ang susi ng kotse ko sa kanya. Ngingiti at iiling-iling lang si Rahim sa kanya.

"I'll contact you if ever I want to enter your school's master educ. Mas maganda ba sa UP kesa ADMU?" Narinig ko pang tanong ni Aryanna sa kanya sa gilid.

"Arya?! You plan to take masters agad?!" Di makapaniwala kong saad.

"I don't have anything to do in my life yet. My investments are not yet growing." Sagot niya sa akin pabalik.

How Do We Live?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon