Chapter 28: ATP

85 1 0
                                    

The hour of the day was blissful. Hindi ko na napansin na inililigpit ko na ang mga gamit ko ng makitang kinse minutos na lamang bago ang oras ng tapos ng shift ko.

I was never really excited to end my shift. I always want to stay at the hospital kung wala naman akong importanteng gagawin o hindi ko kailangan makipag-meet up sa mga kaibigan ko.

But now... here I am.

"Doc? Mag out ka na?" Napalingon ako kay Nurse Rissa ng marinig ko ang tanong niya. Doon ko naramdaman ang hiya na gumapang sa akin dahil sa gulat at pagtataka sa kanyang mukha.

"Ah, ung patient sa room 408 for discharge na tomorrow paki bantayan na lang ako nurse, ah. Ikaw ba ang night shift today?" pag babago ko ng usapan upang maiwasan ang tanong niya.

"Ah yes doc! Sige po. Tuloy pa rin po ba ang medication noong patient sa 501 doc? Or need nating itaas ung dose niya?"

"Consult ko muna 'yon sa cardio iyon. Pakisabihan si Dr. Valencia if available siya anytime soon." Saad ko na agad naman tinanguan ng nurse.

Nagbigay pa ako ng ilang bilin sa kanya bago tuluyang nagpagsiyang magpaalam na.

Hindi pa man ako nakakaisang ay Nakita ko na agad ang bulto ni Rahim na nakatayo sa isang sulok ng lobby ng ospital.

His aftermath of work looks so disheveling still. Ang kahel na kulay ng paligid ang mas lalong nagbigay ng dagdag na mood habang nakatayo siya roon, nakayuko ng bahagya at inaaliw ang sarili at iniikot ang mata sa ibang bahagi ng ospital. Ang manggas ng itim na dress shirt ay nakatupi hanggang siko niya, ang monochrome na pants na saktong-sakto ang haba at hapit sa mahahaba niyang binti. Ang leather shoes, bag at mahahaling relo na suot ang sumisigaw sa mga narrating niya sa buhay.

Habang ang seryosong mukha, perpektong hati ng itim at medyo maalong buhok sa gitna at ang manipis ngunit bilog na salamin na nakapatong sa matangos niyang ilong.

He really is a god-personified in this world. Kulang na lang ay mga lente ng kamera at pwede na siyang mag shoot habang nakatayo ng tuwid roon at nakapamulsa ang isang kamay.

I used to compliment this kind of moments of him na para siyang nasa commercial lagi even after 10 years, heto pa rin ako at iniisip na para siyang cast sa isang kdrama na lagi kong pinapanood.

Nang ibalin niya ang tingin sa akin ay naramdaman ko na agad ang pagtalon ng puso ko. The sudden rush of unknown butterflies in my chest makes me panicky. When he finally face me ay doon na nag-sink in sa akin kung bakit nga ba siya narito!

I agreed to have dinner with him! Oh my gosh! Kaya pala atat na atat akong makalabas ng ospital!

Monique, where is your shame?!

"Hey." Agad akong napakurap-kurap ng makita na siya sa harapan ko. His tall and massive frame blocked my view at tanging ang maliwalas at malinis niya lang na mukha ang matututukan ko ng paningin.

"Lets go?" My brain seems to have slower response when it comes to him. I can literally see a buffering mark in my forehead nang hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Y-Yeah-"

"Monika!" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay narinig ko na ang masiglang tawag ni Nikkolo mula sa malayo. When he's bubbly face came closer ay agad iyong nalukot nang makita si Rahim sa harapan ko.

"Good evening, Attorney. Thank you so much for today." Biglang naging pormal ang pustura ni Nikkolo maging pananalita nito. Rahim on the other hand just nod at him as a response and bring back his stares at me.

"By the way Monique, wanna grab some dinner? Everything went smooth today!" Parang lumubog ang puso ko ng marinig ang sinabi ni Nikkolo at ibalik ang tingin ko kay Rahim na tahimik na inaantay ang sagot ko sa paanyaya.

How Do We Live?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon