Josh Valenn's POV
Nasa school na ako at kakalabas ko lang sa sasakyan ko . Tiningnan ko sa parking lot at kung saan palaging nagpapark ang sasakyan nina Mark at Karl pero wala pa sila . Kaya mas pinili kong antayin . Mga walong minuto ang nakalipas nang may pamilyar nasasakyan ang nakita ko sa Gate .
Lexine
She's simple yet beautiful , most beautiful girl in my eyes since then .
Nang pumasok sila nang babaeng kasama niya , tumalikod ako at palihim silang sinulyapan . Nang makalayo na sila ay may bumusinang sasakyan sa likod ko kaya agad ko iyong nilingon at hindi nga ako nagkamali , sina Mark at Karl .
"Parang may palihim na tinitignan ah?" nakangiting ani ni Karl
"Tss wala yon tara na" pangunguna ko
"Lexine ah" nakangiting tukso ni Mark kaya nilingon ko sila at tinaasan nang kilay
"Sa room tayo , may sasabihin ako" sabi ko
Agad silang nagtinginan at tumalikod na ako , agad naman silang sumunod .
Nang makapasok kami ay andun na naman ang mga babae at nag aabang sakin habang kinikilig yung iba naman kina Karl At Mark , marami ding nagkakagusto sa kanila kasi mga gwapo rin syempre .
Pagpasok ko palang sa pinto ay naagaw kona ang pansin nang iba , except kay Lexine . Umupo ako at agad na tumabi sila Karl at Mark.
"Ano yun?" sabi ni Mark habang kunwaring sinisilip ang mukha ko
"Ang alin?"
"Ay nakalimot na bro" kunwaring naniniwalang ani ni Mark kay Karl
"Tch yong sasabihin mo kamo ano yun?" deretsong tanong ni Karl sakin
"Ah ano" nilingon ko si Lexine na kausap si Sam .
"Ano nga?" tanong ni Karl at humarang sa tinututukan ko Bumungtong hininga muna ako bago nagsalita
"Naalala nyo yung babaeng sabi kong gustong gusto ko noon na hanggang ngayon?" sabi ko
"Hmm ah! oo yung sabi mo samin nong bakasyon last last year pa yun" sabi ni Mark
"Tss sinabi ko rin yon ngayong bakasyon lang"
"Bakit? sin-" hindi natuloy ni Karl ang sasabihin nang ma gets ang sinabi ko kaya inunahan ko sila
"Si Lexine yon" deretsang sabi ko .
"You mean cya yong childhood friend mo?" mahinang ani ni Mark
Tumango ako.
"Pero atin atin lang to , hindi niya pwedeng malaman" sabi ko kaya kunot noo nila akong tiningnan .
"Teka bakit?" tanong ni Mark
"Long story"
"Bakit nga?" tanong ni Karl
"Tsaka kona sasabihin kapag pwede na bro sorry talaga"
"Ah hindi Bestfriends tayo since elementary tapos ngayon ganyan ka" dabog ni Karl
"Hindi naman kasi pwede"
"Bakit hindi?" tanong ni Mark
"Basta nga"
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is my Bestfriend's Lover
Novela Juvenil𝗘𝗻𝗴𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗶𝘀 𝘂𝘀𝗲𝗹𝗲𝘀𝘀 𝗶𝗳 𝘆𝗼𝘂'𝗿𝗲 𝗻𝗼𝘁 𝗺𝗲𝗮𝗻𝘁 𝗳𝗼𝗿 𝗲𝗮𝗰𝗵 𝗼𝘁𝗵𝗲𝗿 .