Lexine’s POV
“baby wake up” narinig ko ang tinig ni mommy nang magising ako .
“It’s 5:30 na baby” sabi niya .
Gumalaw ako at kinurot pa muna ang mata ko .
“Yes mom” sabi ko .
Bumangon ako at sakto namang tumunog ang cellphone ko . Kinuha ko iyon at binasa kung ano .
Josh Valenn sent you a message .
what the heck .. the dinner!
Napalunok ako nang makalimutan ko ang pagyaya niyang mag dinner sakin . Lumingon ako kay mommy at may pagtataka niya akong tiningnan .
“What’s wrong baby?” tanong ni mommy .
“Ah mom?” mahina o
kong tawag“Yes?” sagot niya
“Uhm , Si Josh po mommy”
“Bakit?”
“Niyaya niya akong mag dinner”
Tinitigan ako ni mommy at nagbuntong hininga siya .
“Lets go downstairs , magpaalam ka sa daddy mo okay?” mahina niyang ani .
Kinakabahan ako psh
Baket ka ba kinakabahan lexine?
Tumayo ako agad at sumunos kay mommy . Nasa hapag kainan na silang lahat kaya umupo nalang ako at si mommy . Sinimulan kona ang pag kain .
“Hon may sasabihin si Lexine” muntik nakong masamid sa pangunguna ni mommy .
“Yes , ano yon?” tanong ni daddy na bumaling sakin ang paniningin .
“Hmm” bat ba ko kinakabahan?
“About Josh” sabi ni mommy kaya nilingon ko siya . Wala si Breanna kaya okay lang kung sabihin ni mommy .
“Hmm?” Nakangiting bumaling sakin si daddy kaya ngumuso ako .
“Niyaya niya akong mag dinner” sabi ko
“edi wag kang kumain diyan! maligo kana” agad na ani ni daddy at pinapabilis ako .
Daddy psh .
Tumayo siya at sinalubong ako nang tumayo ako at naglakad .
“May susuotin ka na ba?” excited niyang ani .
daddy ko nga naman .
“Daddy naman e”
“Anak . Nakikita ko kay Josh na hindi siya masamang lalaki” mahinahon niyang ani
ano bang pinagsasabi nito? dinner lang naman ah? anong masamang lalaki?
“Dad ano ba yang iniisip nyo” kunot noo ko siyang hinarap.
“Lexine , lalaki din ako . Isang tingin ko lang , nakikita ko na kung may gusto o wala yong tao”
“Wow ha, manghuhula daddy?” natatawa pero naiirita kong ani .
“Ngumiti ka na nga jan at maligo kana okay? ako mismo ang maghahatid sayo”
“Psh okay ill go to my room” pagpaalam ko habang siya nakangiti .
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is my Bestfriend's Lover
Teen Fiction𝗘𝗻𝗴𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗶𝘀 𝘂𝘀𝗲𝗹𝗲𝘀𝘀 𝗶𝗳 𝘆𝗼𝘂'𝗿𝗲 𝗻𝗼𝘁 𝗺𝗲𝗮𝗻𝘁 𝗳𝗼𝗿 𝗲𝗮𝗰𝗵 𝗼𝘁𝗵𝗲𝗿 .