Sky's POV
"Bro,ano ba ang dapat mong gawin dito sa mall?Bigla ka nlng nag-aya eh.May blind date ka?"napakamot nlng ako sa ulo ko habang papasok kami mall.Kanina pa to tanong ng tanong eh.At tsaka blind date?!Sira ba to?!
"Tumigil ka nga.I-date mo mukha mo.May bibilhin lng ako dito.Pinapabili ni mama"sabi ko habang naglalakad at nasa bulsa ang dalawang kamay.
"Eh bakit inaya mo pa ko?Na-miss moko noh?Nagkita palang tayo kahapon ah" tukso niya kaya mas lalong akong nairita.Ang daldal nito eh.
Aakyat na sana kami sa escalator paputang second floor nang makita ko ang dalawang lalaking nag-uusap habang naglalakad
"Oh?Sina Heiross at Nexx!" Turo niya sa dalawa na busy parin sa pag-uusap na obvious na man na di pa kami napapansin.
"Puntahan natin!Palibre nlng din ako ng ice cream!" Hayst.Kahit kailan talaga ang lalaking to.Parang si ano eh...si...nevermind.
"Uyy dito din pala kayong dalawa?May bibilhin kayo?" Tanong ni Finexx nang mapansin na kami at tinanguan nmn ako at nginitian ni Heiross
"Siya may bibilhin pero ako magpapalibre" ngiting sabi ni Ruther at tinuro ako...
"Ayan.Jan ka magaling" Biro ni Heiross at sinuntok ng mahina ang braso niya.
"So,ililibre niyo na ako?" Ngiti ni Ruther at nag-puppy eyes pa.Napangiwi nmn kaming tatlo
"Hayyst.Wala nakong budget.Binili ko na ng latest video game"sabi ni Finexx at pinakita ang dala niyang plastic bag.
"Eh ikaw Bro?" Baling niya nmn kay Heiross.Di talaga titigil eh.may pera nmn.Buraot.
"Ano ka ba.Tsakto lng pambili ng vanity mirror at bedsheet ni Mia and dinala ko." Sabi niya.Nagtaka ako nang bigla nlng akong napabaling sa kaniya nang sabihin niya ang pangalan na yun.Napailing nlng tuloy ako
"Mia?Kasama niyo siya?" Tuwang sabi ni Ruther kaya nairita ako sa di malamang dahilan.Excited lng?
"Yupp.Pati nga rin si kuya Yago.They're just somewhere.Nag-lilibot siguro.But for sure si Kuya nasa bookstore.Ewan ko lng kay Mia.But we agreed to meet at the exit." Napatango nmn si Ruther.Pero ako napatingin sa escalator.
"Ayy mga bro,may pinapabili pala si mama.Akyat na muna ako sa taas" sabi ko at tumango nmn sila pati narin si Ruther.Ano to?Iiwan na nlng akong mag-isa?Tsk.Wala nakong choice kaya ko din nmng mag-isa.Ewan ko nga kung bakit ko pa to inaya...Bahala na ang dalawa sa makulit nayun.For sure magpupumilit magpalibre yun kaya safe ako kahit papano.
Binilisan ko nlng ang pagbili at lumabas na ng shop.Naisipan kong maglibot-libot muna dahil hindi nmn nagmamadali si mama at may oras pa para makabili ako kung may magustuhan man.
Di pako nakakalayo ng shop nang may narinig ako
"Yung large cup.Yan oh!" Ang boses nayun.Nagpalinga-linga ako at nakita ko syang nakatayo sa tapat ng milkshake stand.Pati ba nmn dito sa mall,milkshake padin?
"Then,we'll take that one" napakunot ang noo ko sa lalaking tabi nya.Sino yan?
"Sandali lng po sir,ma'am" sabi nmn ng nagtitinda.Teka,bat pala may kasamang lalaki ang babaeng yan?At sino ba to?!
Kusang kumilos ang katawan ko at lumapit sa kanila.
"Mia" tawag ko
Kinuha niya ang milkshake at napalingon sa gawi ko
"Oh?Sky,bat ka nandito?"tanga ba to?Syempre may bibilhin,Ano ba ginagawa sa mall?
Pinakita ko nlng sa kaniya ang dala kong plastic bag kaya tumango siya
Magsasalita na sana ako nang bigla niyang lingunin ang lalaking kasama niya.
"Hey,nalibre mo nako,tell me your name na"
Ano?!Ibig sabihin di pa niya kilala ang lalaking to?Seryoso ba to?!
Napailing nlng ako at napabuntong hininga.Napatingin ako sa lalaki na nakangiting nilingon si Mia
"I'm Thyren" sabay lahad ng kamay.Thyren?Psh!
Napalingon nmn ako kay Mia.Ngumiti nmn siya at bago pa niya mahawakan ang kamay ng kung sinong Thyren man to,hinawakan ko na ang kamay niya
"Lika na." Tanging sabi ko at tumingin sa lalaki na nakatingin din pala sakin at ngumiti.Pakitang-tao.
"What?T-teka pangalan palang ang---"
"Naghihintay na sina Heiross" sabi ko tumingin na sa kaniya.
"Ano?Di pa nmn---Sky teka!" Hinila ko na sya paalis dun.Hindi ako kumportable kung nasa malapit ang lalaking yun at di ko nmn alam kung bakit ganito nlng ang inis ko
Buti nmn at di na sumunod ang lalaking yun.
"Sky,alam mo,ang rude mo kanina.Nagpakilala sya tapos bigla mo nlng akong hihilahin?What was that for?" Ramdam ko ang inis niya.
"Look,nililigtas lng kita,ok?Di mo nmn kilala yun eh.At bakit ba magkasama kayo ha.Isusumbong kita kay Heiross" banta ko at nanlaki nmn ang mata niya
"Hey teka nmn!Something just happened kanina,ok?Nagbabayad lng siya"sabi niya at tinaas ang dalang milkshake at uminom.Kumunot nmn ang noo ko.
"Pero di padin Tama yun.Just don't do that again,ok?"bat parang nagiging kuya na ako dito sa babaeng to?
Di siya nakatugon kaya nilingon ko siya na busy sa pag-inom ng kainis na milkshake na yan at nakatingin sa kung saan.Anyare dito?
"Hoy Mia,narinig mo ba ako?" Tawag ko kaya napalingon siya sakin.Tinaasan ko lng sya ng kilay
"Opo.Kuya" natigilan ako sa sinabi nya.Kuya?!
Seryoso?!Parang kuya na ba talaga ang tingin niya sakin?Sumabi-sabi pa kasi ako eh.Aish!
BINABASA MO ANG
My First Love Interest [DROPPED]
DiversosFalling inlove for the first time.And it's with the guy who my kuya calls "BEST FRIEND" [Un-edited]
![My First Love Interest [DROPPED]](https://img.wattpad.com/cover/235874269-64-k39753.jpg)