CHAPTER 31

3 0 0
                                        

Kanina pa ko hikab ng hikab dito sa sofa kaya napatingin ako sa relo naming nakasabit sa dingding. It's already 1?!

"Lil sis, you better go to sleep. Kanina ka pa hikab ng hikab" napansin nga naman ni kuya Heiross na inaantok nako

Napabaling ako sa katabi kong natutulog na habang nakanganga.For sure tulo laway na to mamaya.Natawa nalang tuloy ako

"I think I better sleep na nga...Kayo din,it's bad to stay awake at night for too long" Sabi ko at tumayo na. Kanina pa malinis ang mesa dahil naibalik na kaagad ang tasa sa kusina after maubos ang mga inumin namin.

"Don't worry Mia,malapit na naman kaming matapos" Sabi ni Finexx habang umuunat Kaya tumango ako

"Good night everyone" Sabi ko at tumingin kay Sky na nakatingin din pala sakin habang hawak hawak ang mouse ng laptop niya. He then mouthed 'good night' to me Kaya ngumiti ako at umakyat na sa taas para matulog. It's just a simple good night but my heart went crazy!

___

Umaga na kaya naligo agad ako at nagbihis para sa school. I wonder if nakauwi na sina Sky? Sabi nila kagabi maaga silang gigising para makauwi sa mga bahay nila.

After Kong magbihis at mag-ayos ng mukha, bumaba na ko bitbit ang bag ko. And as always, breakfast is already on the table

"Good morning lil sis" unang bati ni Kuya Heiross sakin sunod si Kuya Yago na kumakain na. Nakabihis na silang dalawa Kaya I'm not worried na male-late kami.

"Good morning my kuyas"bati ko at naupo na. Naglapag muna si Kuya Heiross ng mga baso ng inumin para sa aming tatlo bago maupo na rin sa upuan niya at mag-umpisang Kumain

"By the way kuya Heiross,anong oras umalis sina Ruther kanina?" Tanong ko habang Hindi pa nasusubo Ang pagkain na nasa kutsara

"Mga 5AM nila naisipang umuwi kanina"Sabi niya pagkatapos uminom ng juice sa baso niya.

"5? So 4 hrs lang tulog nila?" tanong ko. Kawawa naman pala sila. Ganun din Kaya mangyayari sakin pag nag-college ako? Overtime sa paggawa ng research? Katakot naman!

"Nope" napakunot ang noo ko sa sinabi ni kuya Heiross

"Anong nope?" Tanong ko

"Hindi na nakatulog sina Sky at Kavin kagabi. Si Finexx nakatulog agad kasi natapos na naman na research niya. Si Ruther naman, alam mo nang tulog na Yun mula umpisa" napailing nalang ako.Si Ruther talaga "Si Kavin alam Kong siya na ang tumapos sa research ng tulog mantikang Ruther na Yun eh.Ewan ko lang Kay Sky baka tinatapos pa nun research niya kaya di nakatulog"

Napatango nalang ako sa sinabi ni kuya. Research kills! Charot lng :)

___

"Good morning bessy!" bungad sakin ni Pearl nang makapasok ako ng room. Konti palang Ang mga classmates namin dito sa room. Napaaga ata kami nila kuya. At infairness naman sa babaeng to ang aga din

"Ang saya mo ah" Sabi ko at napangiti naman siya

"Of course! We should always be happy!" Sabi niya na sinang-ayunan ko naman.

"Ayy siya nga pala. Here's your PE uniform na pinahiram mo sakin. Nalabhan ko na yan ha. Dinamihan ko ang downy para sure na malayo palang maamoy mo na ang bango" napairap naman ako at natawa sa sinabi niya.

"Lika ka nga.Lets take our seats na"Sabi ko at inaya na siyang maupo sa upuan naming magkatabi lang din naman

After a while naman,nagsidatingan na rin Ang mga classmates namin at pati ang prof namin para sa first subject ngayong umaga.

Nagturo lang siya pagkatapos nagbigay ng short quiz about sa lessons na tinalakay niya and that's all there is. Wala naman nang importanteng nangyari sa loob ng room namin. Well except sa fact na, nakatingin lng Ng masama si Shannen sakin all the time na naglelecture si prof. Swerte niya lang dahil di siya natatawag sa recitation. Bahala nga siya Jan! Sana sumakit mata niya kakatitig sa beauty ko!

___

"Bat Yan na naman pagkain mo? Wag mo sabihin saking nag-d-diet ka?"taas kilay na tanong ni Pearl sakin dito sa cafeteria. Break na kasi and vegetable salad ulit ang binili ko.

"G-ga Hindi ah. Tignan mo nga tong katawan ko. Magdadiet pa ba ako eh ang payat ko na. Hindi lang ako gutom"dahilan ko

"Mukha ka nang kambing"nagulat ako sa sinabi niya

"Hoyy!Grabe ah! Can you please tell me which part of my face looks exactly like a kambing?"Sabi ko at hinawakan pa Ang mukha ko at pinandilatan siya.Natawa naman siya kaya tinignan ko siya Ng masama

"Hindi naman kasi literal na mukhang kambing. What I mean is,nagmumukha ka Ng kambing Kase parang damo ang kinakain mo. Halos lahat green eh" Sabi niya tinuro Ang lettuce sa salad ko

"Pake mo ba?Kainin mo nalang nga yang pagkain mo"Sabi ko at Buti naman pinagpatuloy na niya ang pagkain niya.

Habang ngumunguya ng salad, biglang nagvibrate ang phone ko sign na may nagtext Kaya kinuha ko Ang phone ko na nasa tabi lang din Ng tray kung saan nakalagay Ang salad ko. The text is from Ruther

From: Kambal :P
Message: Mia, hingi favor.

Napakunot ang noo ko sa nabasa.Favor? Anong favor?

To: Kambal :P
Message: Anong favor? Please don't involve foods in here
<sent>

After 10 secs he replied

From: Kambal :P
Message: It does involved food :)

Napahilot ako sa sintindo ko. What do I expect from a childish guy who loves sweets?

To: Kambal :P
Message: K, nice talking to you. Imma go now
<sent>

From: Kambal :P
Message: But it's not for me but for Sky!

Napatigil naman ako sa nabasa.Binasa ko ulit kasi baka namamalikmata lang ako.But no! It does says Sky here.

To: Kambal :P
Message: What happened?
<sent>

Nagreply naman agad siya at nang mabasa ang text,napatayo ako Kaya nagtatakang tinignan ako ni Pearl

"Anyare sayo?" Tanong niya pero kinuha ko lang Ang bag ko at sinampay sa balikat

"May pupuntahan lang ako"Sabi ko at pumunta muna ng counter para makabili Ng pagkain para Kay Sky at dumiretso agad sa clinic pagkatapos.

From: Kambal :P
Message: Sky's in the infirmary. I think he's sick.

Is it normal that I feel really worried right now? Cuz for me it's not!

My First Love Interest [DROPPED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon