CHAPTER 32

0 0 0
                                    

Nandito nako sa tapat ng infirmary kaya binuksan ko kaagad ang pinto.

"Hello?" tawag ko kasi baka may nurse sa loob. Pero wala

Pumasok nako at sinara ang pinto. May tatlong bed dito sa infirmary at lahat yun may kurtina kaya hindi ko makita kung may tao bang gumagamit ng bed kasi nakasara

Isa isa kong sinilip ang bawat bed at sa ikatlo, dun ko na nakita sa Sky na mahimbing na natutulog. Di kaya dahil to sa pagpupuyat nila kagabi?

Lumapit na ko sa higaan niya at nilapag ang pagkaing binili ko na para naman sa kaniya sa sidetable.

"Sky" tawag ko at tinapik ng mahina ang pisngi niya. He's not even sick kasi hindi naman siya masyadong mainit. Did Ruther tricked me?

"Sky, wake up" alog ko sa kaniya dahilan para gumalaw siya

"5 minutes" sabi niya at bumaling ng higa sa ibang direksiyon

Napabuntong hininga nalang ako at umirap. Ruther really did trick me. At nag-alala lng pala ako sa wala!

Sa inis ko, tinampal ko ng malakas ang braso niya para magising

"Aray! Who-" di na niya natuloy ang sasabihin niya nang malingon ako kaya tinaasan ko siya ng kilay

"Mia. What are you doing here?" tanong niya at kinusot ang mga mata

" Ginigising Kita ayaw mo naman magising. Here" abot ko ng plastic na may lamang pagkain sa kaniya

"For me?" gulat niyang tanong

"Hindi. It's for me" I said with a sarcastic tone. "Syempre for you.Common sense naman" Sabi ko at umirap

"Galit ka na niyan?" tanong niya

"Hindi!" sabi ko kaya natawa siya. What so funny?!

"Oh? May nakakatawa ba?" taas kilay kong tanong

"Wala. By the way thanks dito sa pagkain. I'm just too sleepy kaya dumiretso agad ako dito sa infirmary para makatulog" Sabi niya at binuksan na ang plastic

"Bat ba kasi kayo nagpupuyat dahil sa research na Yan eh" sabi ko at umupo sa gilid ng kama which means magkatabi na kami ni Sky

"The research is important. Tsaka due na kasi mamaya" Sabi niya at kinagat na ang burger na binili ko

"Bat naman kasi ginawa niyo yun kung saan malapit na ang deadline?" stress kong sabi. Ako yung nasestress eh!

"Mia chill. So you know, terror yung prof namin sa research na yun. She assigned it to us just yesterday okay? One day of research lng yun kaya dapat talaga pagpuyatan. Stress mo masyado" sabi niya kaya natahimik ako. Ganun ka terror ang prof nila? Buti nalang nakayanan nila Yun. Dun nga sa room, Hindi man terror mga profs namin, ang boboring naman minsan magturo kaya minsan nakakaantok.

"Nakapaglunch ka na?" Ask bigla ni Sky kaya napatango ako

"I had vegetable salad kanina" simple kong sabi. Di ko pa nga naubos yun sa kakamadali papunta dito. Naiwan ko pa si Pearl dun.

Kasalanan talaga ng lalaking to eh. Kung hindi ba naman ako pinag-alala edi sana naubos ko yung salad ko. Big reveal, I like him kaya nag-alala ako ng super! Oh ha! May gusto na ko sa kaniya! Cheer naman kayo Jan! Char

"Just salad? Nabubusog ka dun?" Oo kapag nauubos ko pero gayon hindi kasi kasalanan mo!

"Yupp" better lie :)

"Here. Share tayo dito" Sabi niya at iniumang ang burger na nakagatan na niya sa bibig ko.

"I-im good. It's for you kaya ubusin mo yan" hiyang sabi ko tinulak ng mahina pabalik sa kaniya ang kamay niyang may hawak ng burger

"It's fine. Let's share. Marami ka pang binili na pagkain diba? I can't finish this alone. Kaya dali na" alok niya ulit ng burger sa bibig ko kaya no choice akong kumagat sa burger niya. Take note, yung kinagatan na niya ang kinagatan ko rin kaya if ever na may laway dun, matatawag na ba yung indirect kiss? Shungang utak to ang dumi!

"Kagat ka pa" Sabi niya kaya umiling ako agad. Kita namang ngumunguya pa ko eh!
Trip ba nito busalsalan ng burger tong bibig ko?

Di naman nagtagal naubos na niya ang pagkain niya. Nakishare pala ako kaya 'namin', pagkain namin!

At tsakto namang nagbell na meaning tapos na ang lunchbreak

"So, hatid na ba kita sa room mo?" Tanong niya

"No need" sabi ko agad kasi naalala ko si Shannen. Baka bugahan na ko ng apoy nun kasi selosa yun eh! Kung makaangkin kala mo naman sila ni Sky

"I insist. As a thank you sa pagkaing binili mo para sakin" sabi niya at tumayo na para kunin ang bag niyang nakapatong sa upuan

I looked at him para sana humindi pero yung tingin niya eh. Should I say na parang nag mamakaawa ang mata niya or what? Hindi ko alam!

Do I have a choice? Wala. Kasi I don't have the strength to say NO anymore. Nakakainis na mata Yan eh

"Okay,fine" sabi ko at napabuntong hininga. Ngumiti naman siya bigla kaya nawala ang inis ko. Anlakas na ng tama ng lalaking to sakin.Lagot na

"Let's go" sabi niya at siya na ang nagbukas ng pinto para makalabas kami ng infirmary

Paglabas namin, nadatnan naming nakasandal si Ruther sa pader na nasa tapat lng ng pinto habang nakangising may kinakalikot sa phone niya. Nabaliw na ata

"Oh Ruther. Ano ginagawa mo dito? Nagbell na ah" sabi ni Sky kaya napaangat naman ng tingin si Ruther at napaayos ng tayo habang nakangisi parin

"Hinintay lang kita" sabi niya habang nakangiti. Ang weird ng smile niya. Bumaling naman siya sakin at pinaningkitan ko siya ng mata nang bumalik na naman ang nakakalokong ngisi niya. What's wrong with him?

"Mia,nag enjoy ka ba?"tanong niya na ikinakunot ng noo ko

"Anong enjoy?" tanong ko

"Hmm..wala." sabi niya at natatawang bumaling Kay Sky

"Halika na. Andun na ata si prof. Bye bye Mia!" tuwang sabi ni Ruther at hihilahin na sana si Sky

"Wait. Ihahatid ko pa si-"

"No Sky. I'm good. I can handle myself" Sabi ko bago pa matapos ni Sky ang sasabihin niya. Mas better kung hindi niya nako ihahatid

"Oh halika na Sky" hila ni Ruther kaya wala nang nagawa si Sky kundi ang magpahila

May iba talaga kay Ruther ngayon eh. I can feel it pero di ko maisip kung ano

Umalis na ko dun at naisipan nang bumalik ng room kasi baka andun din ang prof namin at naglelecture na. Lagot ako pag nalate

Bzzttt(Vibration of phone) sign na may nagtext. I put my phone on silent kasi kapag nasa school ako para hindi istorbo.

From: Kambal :P
Message: (Photo Attached)

Ano namang pic ang sinend ni Ruther sakin?

I clicked open...

"What the-!" Napalaki ang mata ko dahil sa picture na nasend. G-go ka talaga Ruther!!!! Lagot ka saking isip bata ka!

It's the picture of me and Sky sa loob ng infirmary! At Yung part pa talaga kung saan sinusubuan ako ni Sky ng burger!

Niloko lang talaga ako nung childish nayun! He planned this!

___
( A/n: Any thoughts about sa ginawang kalokohan ni Ruther?Did he do a great job? :P )
 

My First Love Interest [DROPPED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon