ENCHANTED:The Gate Keeper's Beginning
Written by:Henry_1998-Nicolas
"Nicolas..."
"Nicolas!"
Agad ko dinilat ang aking mga mata.Nakita ko si Snow White nakatingin sa akin.Naramdaman ko na parang umaalog kami.tumingin ako sa paligid at nagtaka kung bakit nandito kami sa loob ng tumatakbo na kwadra.
"Anong nangyari?bakit tayo nandito?"tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam,basta na lang ako nagising dito"sagot ni Snow na mas lalo gumulo sa isip ko.Huli ko natandaan ay na sa kampo kami ni Robin.
"Asan silang lahat?"tanong ko.
"Wala akong naalala,pero sigurado ako na may mali dito,bakit tayo napunta dito na ganun na lang?"
"Si Regina"
Tumingin kami kay Hatter na nakaupo sa gilid,Nandito rin siya,gumapang ako palapit sa kanya.
"May alam ka ba dito Hatter?"tanong ko.
"Ginamit ulit ni Regina ang libro,siya lang naman ang may kayang gawin ito,nakasakay tayo ngayon sa karwahe ginawa ni Regina,at ang nagmamaneho nito ay mga kawal din ni Regina,she maybe uses the book to take all the thing she wanted,and I'm scared to what's more to come"paliwanag nito,nagkatinginan kami ni Snow White.Nang marinig niya iyon naupo siya at sumandal sa gilid.hinilamos nito ang mukha at hindi mapakali tumingin siya sa ibaba.
"Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya,Kasalanan ko ito..ang lahat ng nangyari dito,kung hindi lang sana nangyari iyon"mahina ang boses na sabi nito,nakita ko ang pamamasa ng mga mata ni Snow.
"Bakit?ano ba ang dahilan bakit nagkaganito si Regina sayo?"tanong ko.
"She is blaming me for killing the man he loves..."
Natulala ako sa sinagot ni Snow,hindi ako nakapagsalita,paano nangyari na ang katulad niya ay nakapatay ng tao?
"It happens bago magpakasal si Regina kay Ama"
Years Ago...
-Regina
Ngumiti ako sa daplis ng masarap na hangin habang tumatakbo ako sakay ng kabayo,Napadaan pa ako sa bahagi ng patag kung saan meron mga bulaklak,agad nanuot sa ilong ko ang halimuyak ng bango nito.
Natanaw ko ang Rancho namin sa dulo,una ko agad nakita ang isang tao nakatayo at naghihintay sa pagdating ko.Isang makisig na lalaki ang ngumiti sa akin matapos ko pahintuin ang kabayo sa harap niya.
"Regina.."sabi nito.
"Daniel,kanina ka pa ba naghihintay sakin?"tanong ko sa kanya.
"Kanina pa,mukhang masaya ka ngayon"sabi nito at tinulungan ako makababa,hinawakan niya ang bewang ko tapos pinatong ko ang kamay sa magkabilang balikat niya.
"Hindi ka maniniwala sa nakita ko,may bagong sibol ng mga bulaklak na tinitinda sa bayan kaya bumili ako"sagot ko tapos tinignan sa likod ang ilang tumpok na bulaklak.
Nang makababa ako,hindi ko tuloy napigilan huminto at titigan siya,nagkadikit ang katawan namin at nanatili sa posisyon ang mga kamay namin.
"Maganda ang iyong mga napiling bulaklak pero hindi mo ko masisisi na sadyang mas maganda ka"
Ngumiti ako sa sinabi nito,nilapit ko ang mukha ko sa kanya pero nagtaka ako kung bakit niya binitiwan ang bewang ko at lumayo sa akin.
BINABASA MO ANG
ENCHANTED:The Gate Keeper's Beginning(boyxboy)(Completed)
FantasyA New Twisted Fairytale will rise! "How can a 'Newbie' Gate Keeper who can't handle a Sword and Magic defeat the most known Villain in Enchanted Forest?the Evil Queen." Follow Nicholas on his journey to the Magical Place of Enchanted Forest together...