Almost

48 2 3
                                    

Tin's POV
Binigay na ni papa ang kamay ko kay sejun,

Sejun: Tin I am sorry wala rin ako sa posisyon para tumanggi sa mama at sa tita ko.

"ayos lang pareho lang naman tayo na naiipit sa sitwasyon"

habang nasa altar kami ay iniisip ko na lamang na sa desisyon kong ito win win situation naman kami eh. matutulungan ko ang kumpanya na tumulong sakin, matutulungan ni sejun ang pinsan niya.

after an hour

pagkatapos ng seremonya ay tinawag na kami as mr. and mrs. nase

papa: nak pasensya ka na walang nagawa si papa.

at iyak ng iyak si papa at si mama sa mga nangyayari. Habang pinapatahan ko sila ay dumating naman si tita susan.

Tita Susan: good job tin,good decision, mabait naman yan si sejun and i know magkakilala naman kayo so di kayo mahihirapan dahil magkakasundo kayo.

pagkatapos niya sabihin ay umalis din agad si tita.

Sejun : ang kontrabida talaga ng tita mo.

"haha totoo yaan na natin"

dahil nga mag-asawa na kami ni sejun ay pinagsama nila kami sa iisang kwarto.

Sejun: oy wala ako gagawin sayo wag ka mag-alala dito ako sa sofa diyan ka na sa higaan.

"haha may tiwala naman ako sayo" nilagayan ko ng maraming unan ang gitna ng kama.

"oh ayan na pwede ka na dito may harang naman na eh"

The next day

Umalis din agad si sejun sa paris dahil marami siyang schedules. Napagpasiyahan namin na wag sabihin sa kanila na kami talaga ang kinasal, lalo at magkakaibigan si sejun at si josh. maya maya ay pumasok na si anne sa hotel room ko.

Anne: Tin i need to go home, magiging ok ka ba dito mag-isa?

"oo naman mamsh sanay naman ako mag-isa saka kailangan mo samahan ang asawa mo."

Anne: hayaan mo wala akong sasabihan ng nangyari kahapon at kung sino talaga ang napangasawa mo.

"salamat mamsh" at niyakap ko si anne ng mahigpit.

umalis na si anne naiwan ako mag isa walang kasama, naiinis ako bakit ba ganito ang tadhana samin. talaga bang hindi kami ang itinadhana ni Josh?

One year later

Josh's POV

"Happy birthday to you, Happy birthday to you, Happy birthday happy birthday happy birthday to you. Happy birthday anak."

birthday ni Kristine ngayon, oo pinangalan ko siya kay Tin, di ko alam siguro kasi sobrang namimiss ko na rin si tin kaya kahit hanggang sa pangalan ng anak ko sinama ko pa rin siya.

Pat: Josh eto pala si mark kaibigan ko.

Mark: Hi Mark nga pala pare, happy birthday Tine.

"salamat sige kuha ka ng pagkain dun." habang hawak hawak ko si Tine.

Stell: Josh dre happy birthday naman sa inaanak kong maganda.

Hanggang ngayon ay di pa rin ako kinakausap ni anne dahil sa nangyari.

"Hi anne" ngumiti lang sakin si anne at umiwas na ulit ng tingin.

Justin: Josh bakit mo naman pinangalan kay tin ang anak mo.

"haha di ko rin alam dre baka sobrang mahal ko nga si tin. asan pala si sejun?"

Ken: Nagmamadali siya kanina umalis may mga dalang damit, di namin alam kung bakit. Pero pinabibigay niya itong regalo niya para kay tin.

Saan naman kaya pupunta si Sejun, at nagmamadali pa raw.

Ken: dre di naman sa nangingielam ako pero sino ba yang kasama ni pat?

"ah si mark kaibigan daw niya. yaan mo na dre wala naman ako pakielam jan sa babaeng yan."

Justin: Grabe ka naman baka nakakalimutan mo na nanay yan ng anak mo.

"di ko naman kinalimutan"

maya maya ay may pinakita saking picture si stell.

Stell: dre tignan mo si tin ito diba?

Nakita ko si tin sa isang news na isa na pala siyang heir ng malaking kumpanya.

"Successful na pala si tin eh, di na pala ako dapat mag-alala sa kanya"

Ken: teka bakit nase ang apelido niya?

Justin: Oo nga nase ang apelido niya, di ba si sejun nase din ang apelido?

Tumingin kaming lahat kay Anne.

Anne: bakit? ano ba yan tinitignan ninyo.

Stell: diba nasa kasal ka ni tin? Kilala mo ba ang napangasawa niya?

Anne: hindi ko kilala, nakita ko lang.

Stell: Seryoso ba yan?

Di na nakatingin si anne samin at umalis na lang para daw mag retouch.

Bakit nga kaya Nase ang apelido ni Tin sa article? at asan si Sejun?

DistanceWhere stories live. Discover now