28

41.1K 1K 128
                                    

"HOW'S your semetral break vacation, Autumn? Mukhang may nangyaring maganda sayo ah. You look blooming." Autumn bit her lower lip to suppress the smile that she want to plastered on her lips because on what France said.

"Maybe she has a boyfriend?" komento naman ni Dani habang iniaabot sa kanila ang forms na kailangan ipasa para makapag-enroll sa next semester.

"Tell us na, Autumn. Do you have a lovelife na ba? Kaya ka ba ganyan ka blooming ngayon?" tudyo pa sa kanya ni France. Pasimple pa siya nitong pinanlakihan ng mga mata. She rolled her eyes dahil sa kakulitan nito.

"Fine, the truth is-"

"Hey guys. Tapos na ba kayo mag fill-up ng forms?" natigilan siya nang biglang sumulpot si Brix, kasunod naman nito si Michael na makahulugan sa kanyang tumingin. As if that he's telling her na babantayan nito ang bawat galaw ni Brix.

Saka niya bigla naalala ang secret admirer niya. How can she forget about that?

"Hindi pa Brix. Kakasimula lang namin." sagot dito ni Dani.

"Ayos, sabay-sabay na tayo. After this, Michael and I planned na kumain tayo sa bagong bukas na coffee shop malapit dito. What do you think?"

"Sure, sama kami basta libre niyo." nakairap sa sagot naman dito ni France. Sabay sabay na nga silang nag fill-up at nagpasa ng forms.

Kinuha na rin nila ang grade sheet nila, and she slightly dissapointed nang makita ang isa sa mga grade niya sa isang subject na mababa. Sa pinakakakainisan pa niyang professor, kay Prof Rhia.

"Gosh, ang baba naman ata ng grade na ibinigay sayo ni Prof Rhia? sabi niya nung nag announced siya last time walang bababa sa ganyang grade ang ibinigay niya sa section natin, diba?" sabi ni France habang nakatingin ito sa grade sheet niya.

"Strange, kompleto naman lahat ng requirements mo sa kanya. Ikaw pa ang madalas na high score sa mga quiz at exams na ibinigay niya." komento naman ni Dani.

Nagtataka nga rin siya, matataas naman ang mga quizzes, activities at exams niya. Even her report presentation and project, matataas ang scores niya. Si Pollux pa nga ang minsan ang nagtu-tutor sa kanya kapag may hindi siya maintindihan na topic dahil may kinalaman sa law ang subject.


"Hindi kaya pinag-iinitan ka niya dahil student-assistant ka ni Dean Pollux at hindi tumatalab ang so called charms niya kay Dean?"

"Hindi naman siguro." nagulat nalang siya ng hilahin ni France ang braso niya. "Hey, saan tayo pupunta?"

"Kay Prof Rhia. Baka namis-calculate lang niya yung grade mo."

"No, huwag na France. Ayos lang naman yun, it's a no big deal. Pasado naman kahit papaano."

"Anong it's no big deal? It's a big deal, Autumn. Magre-reflect iyan sa future general average ng grade mo. Atsaka magtatanong lang naman tayo." binalingan nito si Dani. "Stay here Dani, pakisabi doon kina Brix at Michael mauna na kayo sa café. Susunod na lang kami ni Autumn."

Hindi na siya nakapalag nang hilahin siya ni France papunta sa faculty building ng mga professor. Naabutan naman nila sa table niya si Prof Rhia na nakaharap sa laptop nito.

SingularityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon