"WHERE have you been, Dani?" tanong ni Autumn sa kaibigan nang dumating ito sa mesa nila ni France sa cafeteria. Sakto naman na bumalik na ang huli sa mesa nila dala ang mga order nilang pagkain.
"Sa faculty room lang, may iniutos kasi si Ms. Austria sa akin." sabi ni Dani habang tinutulungan nito si France na iayos ang mga pagkain nila sa mesa.
"Teacher's pet kasi iyang si Dani ni Miss Austria." sabad naman ni France. Ang Miss Austria na tinutukoy ng mga ito ay ang professor nila sa isa nilang subject.
"Teacher's pet?" kunot-noong tanong niya. France chuckled while Dani rolled her eyes.
"It's student assistant, Autumn. Most of professors here at LCU, kumukuha ng SA nila. Hindi naman kasi biro ang dami ng paper works nila. Pero may credits naman iyon sa mga SA." paliwanag ni Dani.
A wicked smile plastered on her lips when she thought a great idea.
"Si Mr. La Croix ba? Kailangan ba niya ng SA?" halos sabay pang nabulunan sa tanong ni Autumn ang dalawang babae.
"Don't tell me, gusto mong mag-apply as his student assistant?" tanong sa kanya ni Dani. She playfully wink at her after she took a bite on her sandwich.
"Then I'm not going to tell you..." she playfully said.
"Geez Autumn, you're really out of your mind." anas ni France. Mukhang nahulaan na nito ang iniisip niya. Ngumiti lang siya, maganda namang idea yung naisip niya diba?
Kapag student assisstant na siya ni Pollux, mas mapapadali ang pakikipaglapit niya dito. Mas madali siya nitong mapapansin.
"Hindi ka talaga sumusuko sa pagiging secret admirer peg mo dyan kay Dean Pollux noh? hindi ka rin ba napapagod magbigay sa kanya ng chocolates at cookies mo, hindi mo naman alam kung kinakain niya yun dapat ibinigay mo na lang sa amin ni Dani yun."
Natawa si Autumn sa paghihimutok ni France. Simula kasi nung tinanggap ni Pollux ang chocolates na ibinigay niya, nasundan pa iyon ng lihim niyang pagbibigay sa lalaki ng cookies or cupcakes na siya rin mismo ang gumawa. Minsan sinsamahan niya pa iyon ng mga bulaklak.
Matiyaga pa siyang naghihintay sa parking lot para lang masiguro niyang makukuha nito ang mga binibigay niya. Sa hood ng kotse nito kasi niya iyon inilalagay.
She can't help but to smirk while she's sipping her frappe and thinking Pollux. Lalo na nung iniligtas at inihatid siya nito noong isang gabing umuulan. Hanggang ngayon nga, nasa kanya pa ang coat ng lalaki, hindi pa niya nilalabhan. Ayaw niya kasing mabura ang amoy doon ng lalaki. Saka na lang niya iyon lalabhan kapag naisipan na niya iyon ibalik sa lalaki.
"No one dares to be his student assistant. Marami ang sumubok pero sumuko rin agad sa huli." Dani said.
"That's right. 'Yun yung mga estudyanteng may crush din kay Dean Pollux. Sumuko rin sila at the end dahil sobrang perfectionist at strict raw ni Dean, wala raw talagang nakakatagal sa kasungitan at pagiging cold ng attitude niya."
"Wala naman sigurong masama kung susubukan ko diba?" Alright, kinakabahan siya but she's desperate.
She badly want Pollux to be hers.
-
"GOOD afternoon po Mr. La Croix!" Autumn cheerfully said to Pollux. Nasa loob siya ng office nito. "Eto na po pala yung coat niyo na pinahiram niyo sa akin last time, gusto ko lang po sana ibalik." inilapag niya ang paper bag sa mesa nito.
BINABASA MO ANG
Singularity
RomansaLa Croix Brothers' Series #3 Pollux La Croix R18 (Mature-Content)