23

41.7K 1K 97
                                    

"HERE, Autumn, uminom ka muna." nakangiting inabot ni Autumn ang sports drink na ibinigay sa kanya ni Michael. Tumabi ito ng upo sa kanya sa sahig, inaantay nila sina Dani at France na bumili lang ng makakain sa labas.

Break time kasi nila sa pagte-train sa kanya para sa nalalapit na pageant. Dalawang araw na lang kasi at magsisimula na ang rehearsal para sa pre-pageant. Next week kasi ay university fest na ng school nila.

"Michael?" pukaw niya sa lalaki. Naisip kasi niya na nandoon na rin naman sila, bakit hindi pa niya itanong dito yung mga maple leaf na nakikita niya sa locker niya? "May gusto lang kasi akong itanong sayo."

"Sure. No problem, ano ba 'yon?"

"Ahm, did you pick my locker's lock again?" kumunot naman ang noo ng lalaki dahil sa tanong niya.

"What do you mean?" tanong nito. Ikinuwento naman niya sa lalaki ang tungkol sa mga nakikita niyang maple leaf sa locker niya.

"No, Autumn. Yung binigyan kita ng rosas ang una at huli kong pagbubukas ng walang paalam sa locker mo. I promised to you na hindi ko na gagawin ulit iyon. And why would I gave you a maple leaf?"

"I'm sorry, Michael. Sorry rin kung napagbintangan pa kita. I just... Hindi ko naman kasi alam kung sino yung nagbibigay sa akin ng maple leaf na iyon." tinapik naman ng lalaki ang balikat niya.

"That's fine. Nireport mo na ba iyan sa student affairs? malay mo matulungan ka nila about diyan sa problem mo."

"Hindi na siguro. Baka talagang secret admirer lang. Wala naman siyang ginagawang masama mismo sa akin, except those maple leafs. I really found it...weird." Weird kasi, saan naman kaya nakakakuha ng maple leaf ang taong iyon dito sa Pilipinas? That 'admirer' really exceeding effort just to gave her that kind of leaf.

Hindi naman nagtagal at dumating na sina Dani at France. may mga dala itong pagkain mula sa isang sikat na fastfood chain. Kasunod ng mga ito si Brix na siyang may dala dala ulit na drinks.

"Hi Autumn! Oh, Michael bro, nandito ka na pala." bati nito sa kanila. Matapos nila mailabas ang mga pagkain, they are all started to eat. Panay pa rin ang bangayan nina Brix at France habang nakikitawa lang sila.

"Malapit na ang pre-pageant, Autumn. Anong ita-talent mo?" para naman siyang nabilaukan sa tanong ni Dani. Buti na lang at binigyan siya agad ni Michael ng tubig.

"I thought by-pair iyon? Bakit hindi ako agad na-inform?" gulat na tanong niya. Ang akala kasi niya by pair ng bawat courses na representative sa pageant ang gagawin sa talent portion para sa pre-pageant.

"Sinabi namin iyon sayo. baka nakalimutan mo lang girl." France said.

"Anong ita-talent mo?" tanong niya kay Michael.

"Kakanta ako." Singing. Sasayaw na lang siguro siya. Mas confident pa siya dahil sanay na siya na gawin iyon.

"Kaya kailangan niyo galingan, kapag pumayag si Dean Pollux na mag judge, naku, siya ang isa sa mga panel of judges sa pre-pageant. Sayang rin yung consolation prize na mapapalanunan niyo." France said to her and Michael.

A wicked smile flash to Autumn's lips when she heard Pollux name. Hindi niya alam na magiging judge pala ito sa pageant nila. Ngayon, kailangan na talaga niyang career-rin ang talent portion na iyon.

Bahagya naman ginulo ni Brix ang buhok niya. "Kaya niyo iyan, Autumn. Mag chi-cheer ako sayo doon para hindi ka kabahan." She heard France scoffed. At gaya ng inaasahan, nagbangayan na naman ang dalawa.

•••

THE day of pre-pageant has came and it's confirmed. Isa nga si Pollux sa isa sa mga panel of judges para sa pre-pageant ng Mr. And Ms. La Croix University para sa incoming school fest. Kahit naman excited siya, kinakabahan pa rin siya rumampa. Natatakot kasi siya na baka magkamali, madapa o matapilok siya.

SingularityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon