18

41.9K 1K 34
                                    

"LET'S rent a car dito sa hotel then mamasyal na tayo, sayang naman ang free time natin kung tatambay lang tayo sa suite natin." excited na sabi sa kanila ni France. Kakatapos lang ng second day seminar ng conference nila. Wala na rin naman silang gagawin pa kaya nag decide na lang sila na mamasyal sa Baguio.

"Can I join with you, guys?"

"Me too, ilang beses na ako nakapamasyal dito sa Baguio, I can be your tour guide." magkasunod na sabi nina Brix at Michael. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanila ang dalawang lalaki.

"Si Michael na lang ang isama natin Autumn, may mas pakinabang naman siya kaysa kay Brix." nakaingos na sabi ni France.

"I actually bring my car with me here. Na-late kasi ako kaya hindi ako nakasabay sa shuttle, and France, can you just calm your nerves? Bakit ba inis na inis ka ata sa akin? Autumn and I are both cool, we're friends, pwera na lang kung papayagan niya ulit ako manligaw. I promise, hinding-hindi ko na sasaktan ang kaibigan mo." sabi naman ni Brix.

Natawa na lang siya, alam naman niya na nagbibiro lang ang lalaki.

"As if naman na sasagutin ka ni Autumn 'noh? Hindi siya pumapatol sa mga bakulaw."

"Hah, then who you ka sa akin kapag naging girlfriend ko si Autumn."

She's curious too why France is so hotheaded when it comes to Brix. Para itong laging mga aso't-pusa kapag nagbabangayan. Inirapan na lang ni France si Brix. "Tara na nga!" France said bago sila hinila ni Dani.

Gamit nila ang kotse ni Brix, na nagsilbi nilang driver, buti nga at kasya sila sa sasakyan nito dahil kasama rin nila si Michael na parang tour guide nila dahil sa dami nitong alam na lugar, trivias and facts about Baguio City. Nagpunta sila sa Burnham Park, she take a lot of pictures, then nagyayang sumakay sa boat sina Dani at France.


"Where are we going next?" tanong niya kay Michael nang makababa sila sa boat.

"Sa Mines View Park tayo."

"After natin don, saan ba pwede mag horseback riding?" tanong naman ni Dani.

"Sa Wrights Park. Then pwede rin tayong magpunta sa The Mansion at sa La Trinidad naman kung gusto niyo manguha ng strawberries doon kasi maraming strawberry farm." sagot ni Michael.

Autumn felt so excited. She took a lot of pictures of those beautiful sceneries, buti na lang at dala niya ang DLSR at Polaroid cameras niya. Nang makarating sila sa Wrights Park, sina Michael at Brix na ang nagpresintang magbayad sa rent sa kabayo. Si Dani lang ang marunong mag horseback riding sa kanilang tatlo ni France kaya nagdecide sila na makiangkas na lang sila sa kabayo nina Michael at Brix. Natatawa na lang sila kay France dahil halos bulyawan at murahin nito si Brix sa takot na sumakay ng kabayo.


After the horseback riding activity, kumain muna sila sa malapit na resto sa lugar dahil pare-parehas silang hindi pa kumakain ng lunch. Dumaan din sila sa gasoline station at saka sila dumiretso sa The Mansion.

That place was so beautiful but eerie, kaya nga nagyaya agad umalis doon si France at pumunta na sila sa isa sa mga pinakamalapit na strawberry farm sa La Trinidad.

SingularityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon