CHAPTER 8: BONDING TIME
SOLAR'S POV
Kasalukuyan kaming nasa salon ni mama. She literally dragged me inside to pamper myself na ayaw ko naman. Hindi ako sanay sa mga ganitong girly stuff. Sanay ako sa putikan kaya anong sense ng pag papalagay ng gel nail polish? Nung hair treatment? Nung pafacial? Wala dahil bandang huli sasabak pa din ako sa barilan.
"Stop sulking. Ngayon lang naman anak." Pinigilan kong isnabin si mama dahil masasabunutan ako ng wala sa oras.
"Ma sundalo ako. Humahawak ng baril." Tinaas ko ang kamay ko na bagong manicure. "Dumadapa sa putikan. Palaging nasa lansangan." Tinignan ko ang sarili ko tapos ay kay mama.
"Easy lang naman ang solusyon sa problema mo anak." Nagtaka ako kung ano un na mukhang na intindihan naman niya. "Mag office based kana lang. Stop doing field work." Sumimangot naman ako sa sagot niya.
"I hate office work ma. Tyaka may isa pa namang solusyon e." Siya naman ang napitingin sakin. "Tigilan natin to." Patukoy ko sa 'pamper yourself'.
"Hindi pwede anak. I know you're pretty but you need to be prettier. Tyaka may isa pang solusyon anak. You should get married." Hindi na lang ako sumagot sa kanya. Hindi pa ko handang bitawan ang pagsisilbi sa bayan.
I promised myself to quit military once I get married. Ayaw ko kasing mag alala ang mapapangasawa ko palagi kung uuwi ba akong buhay o bangkay.
"Sundalo po pala kayo ma'am." Dinig kong sabi nung nag pepedicure sakin.
"Opo." Nakangiti kong saad.
"Ang ganda niyo panaman po ma'am. Mas maganda po sana if nag modelo na lang kayo." Madaming nag sasabi niyan pero ayaw ko. Pag papayos nga ng sarili ayaw ko mag modelo pa kaya.
"Hindi ko passion yun ate. Hindi ako mahilig sa kaartehan." Napangiti naman si ate at pinagpatuloy na lang ang ginagawa. Papatanggal ko din tong mga gel na to kapag busy si mama para hindi niya mapansin.
*
"Anak ito bagay sayo. Hurry up and try it." Binigay sakin ni mama ang isang color maroon dress. Off shoulder ata ang tawag sa design na'to. Kahit na ayaw ko ay wala naman akong magagawa dahil si mama yan.
Pumasok na ako sa fitting room at agad sinuot ung dress. Meron namang salamin sa loob kaya nakita ko ang reflection ko sa salamin. Nagmukhang maikli ung dress kasi may katangkaran ako pero desente ng tignan para sakin.
Lumabas na ako ng fitting room para makita naman ni mama. Agad naman siyang natuwa dahil bagay ko daw ung dress. Feeling ko tuloy six years old ako na pinag shoshopping ng nanay.
She gave me more clothes at lahat yun sinukat ko. Gusto niya bilhin lahat pero sabi ko wag niyang bibilhin ung mga dress kasi hindi ko naman masusuot. Una, sundalo ako. Ano un habang nakikipag barilan naka dress ako? Susyal. Pangalawa, ayaw ko sa dress lalo na sa panahon naten madaming manyak.
"Sige na anak. I'll buy you a dress. Just one and please wear it." Pagmamakaawa ni mama ng nasa counter na kami. Dahil nahihiya na ako sa mga taong naghihintay sa may likuran naman sumangayon na lang ako.
"Just one, ma at hindi ko maipopromise na susuotin ko yan. Hindi naman pwedeng naka dress ako habang nakikipag putukan ng baril or habang nasa gubat." Inirapan lang ako ni mama at binayad na ung mga pinamili niya para saaming dalawa.
Linibot pa namin ang buong mall bago niya naisipang kumain saglit. "Kailangan ko na atang mag pagupit," Saad ko na ikinatingin naman ni mama sakin.
"What?! No. That's already short and you want to cut it shorter?" Histerical na sabi ni mama.
"Parang buhok lang naman ma. Ang OA mo masyado tyaka nagiging sagabal minsan sa trabaho. Hindi ako maka asinta ng maayos o kaya naman napupunta sa mukha ko kaya nakakairita." Explain ko kaso hindi talaga siya pumayag.
"No, you are not going to cut your hair shorter. AND THAT'S FINAL." Mag sasalita pa sana ako kaso mukhang hindi ko talaga mababago isip ni mama.
Dumating na ang order namin. Si mama naman ngayon ang nagdasal pagkatapos ay kumain na kami.
"Oo nga pala anak. We would attend a party this week. It's a formal party kaya dapat maganda ka malay mo mahanap kita ng boylet dun." Kinikilig na saad ni mama. "The whole family is invited at sakto naman na andito ka kaya dapat kumpleto tayo bawal ang KJ."
Wala na akong choice kung hindi sumama dahil sasabihan ako ni mama ng KJ. I don't like parties kasi hindi naman ako friendly. Kapag kasi sa mga party na ganon puro plastikan lang ang mga tao lalo na ung mga businessmen.
After namin sa mall, pinuntahan namin ung kakilala ni mama na designer para daw doon na lang mag pagawa ng mga susuotin namin sa darating na party.
"Sismars!" Tili ng isang lalaking feeling ko ay mas mukha pang babae saakin.
"Sismars!" Tili naman pabalik ni mama. Nagyakapan sila at nag beso bago nila maisipang umupo doon sa may sofa.
"Anong masamang hangin ang nag papunta sayo dito?" Biro nung bakla.
"Magpapagawa sana ako ng mga damit namin for an upcoming event." Tumingin sakin si mama na sinundan naman nung bakla.
"O EM GEE!" Lumapit siya bigla sakin tapos hinawakan ako sa mag kabilang balikat. "Ang ganda ng junakis mo." Medyo namula ung pisngi ko dahil hindi ako sanay sa mga compliments.
"Kanino pa ba mag mamana, aber?"
"Ay kaloka ka gurl pero sige tutal ikaw naman ang nanay go na lang." S/He circled around me. "You should be a model."
"She's a soldier," Saad ni mama. Nagulat naman ung bakla at napatakip pa sa bibig niya.
"Sa ganda mong yan nag sundalo ka? O em gee. Kaloka ka gurl pero di bale atleast merong sundalong mala beauty queen ang alindog." Natawa naman ako sa sinabi niya kaya nag form ng 'o' ung bibig niya. "See?! Tawa pa lang pang miss U na. My golly."
"Salamat sa compliment but I love being a soldier and I hate pageants," Saad ko kasi feeling ko gusto niya akong sumali ng miss U or something.
"Osya hayaan na siya sa kanyang nais. Kalako ung tagalog mo nakaka dugo ng ilong." Hinawakan niya ang ilong niya tyaka na nag marcha paalis.
"See? I told you anak you should have been a beauty queen or a model. Ung baklitang un kahit lukaret nag hahandle ng mga sumasali sa miss U yan. She has good eyes." Nakangising sabi ni mama.
"Ma you can't force me to join pageants kasi ayaw ko po. I don't like to flaunt my body during the swimsuit part." Naiisip ko palang na maglalakad ako sa maraming tao na naka swimsuit naiilang na ako.
"Why not?!" Hysterical na sabi ni mama. "Sa pag kakatanda ko you have a nice body with the right curves lalo na at sundalo ka so you would have a well maintained body."
"Ma it's still a no. Madaming manyak sa mundo lalo na sa Pilipinas 'yung tipong naka shirt and pants kana kinacat call ka pa din. Sarap barilin ng mga ganon." Natawa naman si mama sa sinabi ko.
"On second thought 'wag na pala anak. You might kill all the audience during the swimwear part. Baka maging massacre at hindi na maging pageant."
"Baka ganon nga ang mangyari ma."
BINABASA MO ANG
In Charge (ON-HOLD)
RomanceSYNOPSIS: Isang babaeng minahal ang kanyang bayan ng lubos at piniling mag-sundalo upang ito'y pagsilbihan. Sabi nga ng mga tao, nasa hukay na ang kanyang isang paa dahil sa propesyong kanyang napili. A business man who loves and adores his own comp...