Chapter 6: I'm home

2 1 0
                                    

CHAPTER 6: I'm home

SOLAR'S POV

Ilang buwan na din ang nakalipas magmula ng isuggest sakin ni sergeant ung special assignment na pag bobodyguard kay Mr. De Guzman. Hindi ko na muling inisip ung case na yon dahil wala akong oras para doon.

Sa loob ng apat na buwan tambak ako ng mga iba't ibang kaso madalas ay tungkol sa human trafficking at drugs. Mabuti na lang at nagiging successful ung mga operation na isinasagawa namin. Medyo matagal nga lang ung preparation pero sulit naman ung resulta.

Si Jessie muntikan ng mabaril sa last naming operation dito buti na lang at may sa pusa siya at nailagan niya ung bala. Ako naman ay nabaril sa braso dahil sinubukan kong salagin ung bala para sa isang batang babae.

Sinigaw sigawan pa ako ni Jessie kesyo nag papakabayani nanaman daw ako. Sundalo ako at tungkulin kong mag ligatas ng buhay dahil kung sakaling inisip ko ang kapakanan ko bago ung bata malamang sa malamang patay na yun o malala ang lagay.

Kasalukuyan akong nag aayos ng mga papeles dito sa tent namin ng biglang pumasok si Jessie na may malaking ngiti sa mukha. "Mukha kang aso wag mong pakangiti ng ganyan, Jessie." Bigla siyang sumimangot at sumalampak sa tabi ko.

"Ikaw naman Solar grabe ka. Nakakahurt ka ng feelings." Drama niya.

"Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo para kang bakla." Inisnaban naman niya ako. "See? Mas marunong kapang mangisnab sakin e." Natatawa kong sabi.

"Sige tawa pa more." Maktol niya. "Bahala ka diyan hindi ko sasabihin sayo ung good news." Bulong niya na dinig ko naman.

"May pabulong bulong kapang nalalaman dinig na dinig ko naman." Binatukan ko siya kaya muntikan siyang masubsob sa sahig.

"Babae kaba talaga?" Kamot niya sa ulo niya. "Ang lakas naman ng batok mo parang maskuladong lalaki ung may gawa e."

"Ano bang sinasabi mong good news Jessie?" Pinag patuloy ko ang pagliligpit sa mga nagkalat na papel sa mesa.

"Ahh oo nga pala. Pinapasabi ni sergeant na mag leave ka naman daw muna kahit one week lang kasi subsob kana daw masyado sa trabaho." Napitigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya.

"Seryoso ba yan?" Tumango siya na ikinangiti ko ng malawak. "Yes! Makakauwi na din ako after half a year." Excited kong sigaw na ikinatawa naman ni Jessie.

"Oo nga. Magmula nung madistino tayo dito hindi kaman lang nag abalang humingi ng leave kay sergeant para dalawin man lang ung pamilya mo sa Manila." Tumayo ako at agad na hinahap ang duffle bag na pag lalagyan ko ng damit. "Ay wow, atat na atat makauwi gurl?" Tinignan ko siya ng masama. "Chill sabi ko nga miss mo na ung pamilya mo."

"Jessie pwede bang lumayas ka muna sa harapan ko at baka ikaw ang malagay ko dito sa duffle bag."

"Ayiiie kilig naman si ako. Ilalagay mo ako diyan kasi mamimiss mo ako ano?" Napaharap ako sakanya.

"Hindi, dahil pagkalagay ko sayo sa bag agad kitang itatapon sa dagat para hindi na kita ulit makita. Sakit ka sa ulo." Napalunok siya bigla at kumaripas ng takbo paalis.

Salamat naman sa Diyos at umalis na siya Jessie. Makakapag empake na ako ng matiwasay. Isa-isa kong nilagay sa loob ng bag lahat ng damit ko na puro uniform sa militar.

"Ay wait lang kailangan ko muna palang gumagawa ng leave form bago mag impake paalis." Binitawan ko muna ang bag sa sahig at bumalik sa harap ng mesa tyaka ko sinimulang isulat ang leave form ko.

*

Kasalukuyan ko ng binabaybay ang daan pauwi saamin. Nakasakay ako ng grab dahil hindi ko dinala ang sasakyan ko sa bago kong destino. Medyo pamilyar na sakin ang mga nadadaanan namin ni kuyang grab.

Napa ngiti ako ng may mga ala-alang sumagi sa isipan ko.

"Hoy, Solar!" Dinig kong sigaw ni Jessie, na kasalukuyang papasok sa park.

"Hi," Bati ko pabalik tyaka ko siya yinakap. "Kamusta kana Jes?" Tumango siya at ngumiti ng pagkalaki laki.

"Mabuti naman kasi nakasama ko si crush bago ako pumunta dito. Kinikilig pa nga ako e."

"Ahhh si Kyla ba?" Namula siya bigla. "Ano ba yan Jes para kang babae." Natatawa kong sabi.

"Eh kasi naman crush na crush ko un. Maganda na mabait pa. Sana nga siya na lang maging asawa ko. Ako na siguro pinaka masayang tao sa buong mundo." Tumingin siya sa langit at sobrang lawak ng ngiti.

"Ito talagang si Jes may pagka romatiko. Medyo cheesy nga lang ang linyahan pero pwede ng pag tyagaan." Tumingin siya sakin at sumimangot na siyang ikinatawa ko.

Kung pwede lang sanang ibalik ang nakaraan. Sa panahon na wala pa kaming masyadong iniisip kung hindi ang mag aral at mag laro sa daan kasama ang ibang mga bata.

"Manong diyan na lang po sa tabi." Turo ko sa gate namin. Agad namang tumigil si manong sa tapat ng gate kaya binigay ko na ang bayad. "Salamat po." Ngiti ko sabay lakad sa harap ng gate.

"Namiss ko tong bahay na to." Tingin ko sa kabuuan ng bahay. Aaminin kong malaki ang bahay namin kasi si papa ay isang businessman tapos si mama naman ay chef. "Sana lang ay hindi ako pag initan ng ulo ni papa." Bumuntong hininga ako bago pinindot ang doorbell.

Pagkatapos ng ilang minuto, bumukas ang gate at iniluwa ang nakababata kong kapatid na si Uranus. Halata pa ang pagkabigla sa mukha niya ng makita ako kaya't nguti ako ng pagka laki laki.

"Hello, Uran. Kamusta na ang bunso namin?" Doon lamang siya natauhan at yinakap ako ng sobrang higpit. "Ang laki mo na bunso." Ginulo ko ang buhok niya na kanya namang ikinasimangot.

"Ate naman. I just fixed my hair and here you are ruining it." Sumimangot siya kaya natawa ako lalo. "But I missed you ate kaya ayos lang. Tara na sa loob I'm sure mama would be happy to see you." Hinili na niya ako papasok kaya nagpatianod na lamang ako.

"MA! ANDITO PO SI ATE!" Sigaw niya pag kapasok na pagkapasok namin sa pintuan. Sumilip naman ang ulo ni mama sa may kusina at mangiyak ngiyak na tumakbo papunta sakin.

"Ang anak ko." Yinakap niya ako ng mahigpit at narinig ko na siyang humikbi.

"Ma, stop being so dramatic." Dinig kong sabi ni kuya Jupiter sa likuran ni mama.

"Aba ngayon nalang umuwi si Solar kaya't alalang alala ako sa kalagayan niya." Natawa naman ako ng bigla siyang hilahin ni kuya paalis saakin at siya naman ang yumakap.

"I missed you lil' sis." Bulong niya. Yinakap ko siya pabalik.

"I missed you too, kuya." Tumingala ako dahil mas matangkad siya sakin tapos ay tinignan ko si mama at Uranus. "I missed all of you." Mangiyak ngiyak kong sabi.

"What are you doing in here?" Dinig kong sabi ni papa na kasalukuyang bumababa sa hagdanan.

"Hello, pa." Lumapit ako sa kanya upang magmano pero linagpasan niya lang ako. Ngumiti ako ng mapait at narealize na hindi niya pa rin tanggap ang pagiging sundalo ko. 

In Charge (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon