Chapter 13: The Moves

2 1 0
                                    

CHAPTER 13: THE MOVES

SOLAR'S POV

Babanat pa sana siya kaso dumating na ung order namin. Bigla akong napalunok hindi dahil sa takam na takam ako sa pag kain kung hindi dahil kinakabahan akong kumain.

Crabs and shrimps were served on a plate together with rice. Ang sarap tignan kaso tinatantya ko pa ang sarili kong katawan bago ako kumain.

Napatingin ako kay Caliber dahil kakain na sana siya kaso tumikhim ako kaya napatigil siya bigla. "What?" Pinag taasan ko siya ng kilay bago sumagot.

"Hindi kaba nag dadasal bago kumain?" Dali dali niyang binitawan ung mga kubyertos at umupo ng maayos.

"You lead the prayer." Iniripan ko siya pero nag simula na din akong mag dasal upang mag pasalamat sa pagkaing nasa harapan namin ngayon.

Pagkatapos mag dasal napatingin ulit ako sa pagkain. Crabs and shrimps trigger my allergy every time. Kumbaga sila ung seafood na kailangan ko talagang iwasan dahil mamamaga ako at mangangati for a day or more.

"Why aren't you eating yet?" Napatingin ako kay Caliber at nakakunot ang noo niya.

"Bakit hindi ka na lang kumain diyan?"

"Okay, geez. I'm just asking." Tinaas niya pa 'ung dalawang kamay niya. Napairap nanaman ako.

Lumalabas ang pagka maldita ko dahil sa lalaking 'to. I am not like this, most of the time I'm calm kahit na nakikipag palitan ng putok sa mga sindikato or kung sino mang pontsyo pilato.

Dumako nanaman ang tingin ko sa pagkain sinabayan pa ng tiyan kong nag rereklamo na dahil sa gutom. "Kaya mo 'to Sol," Bulong ko sa sarili. Kinuha ko na ang kubyertos at sinimulan ng kumain.

Tinikman ko muna kung masarap kasi kung hindi talagang hindi ko kakainin. I am risking my health here kaya dapat worth it 'ung kapalit diba?

Ang sarap lalo na ung hipon kaya kahit bawal sakin sunod-sunod na subo ang ginawa ko.

"Wow ha, hindi napag hahalataang gutom." Tinignan ko siya ng masama kaya nagpatuloy siya sa pag kain.

Sunod kong kinain 'ung crab at sobrang sarap din. Napapasabak ako sa griyera ng wala sa oras dahil sa pagkaing nasa harapan ko ngayon. Gustong gusto kong tumigil kaso sobrang sarap kasi talaga.

Mabuti na lang at hindi na nanginis 'tong si Caliber kaya nakakain ako ng matiwasay.

"Uhm. Solar?" Tumingin ako sakanya at pinag taasan siya ng kilay. "Why are you red all over? Your face is also swollen and your arms have-" Nanlaki bigla mata niya at nagpanic. "Don't tell me allergic ka sa seafood!"

Hindi ko napansing nag umpisa na pala 'ung allergies dahil sa sarap kong kumain. Hindi ko siya sinagot at patuloy lang kumain pero si Caliber biglang pinigilan ang kamay ko.

"Stop eating. You should have told me earlier that you're allergic, damn it. Kaya ba ganon kana lang maka tingin sa pagkain kanina?" I remained silent kaya napasabunot siya sa sobrang inis. "Stubborn woman," singhal niya.

Tinawag niya ang waiter at pinakuha na 'ung bill namin.

"Half-half tayo." Tinignan niya ako ng masama kaya inismiran kko siya. Half-half lang naman e kasi kumain din naman ako nung inorder niya.

Humalukipkip na lang ako habang hinihintay namin 'ung bill. Siya naman may tinawagan at hindi na ako nag abalang makinig.

Kasalukuyan kong ina-appreciate ang scenery sa labas ng bigla akong hilain patayo ng kutung lupa na'to. Sisigawan ko na sana siya kaso kinaladkad na niya ko paalis ng resto.

'Wow ha Solar. Kinakaladkad kana lang pala ngayon. Sa pag kakaalam ko sundalo ka,' Sarkastiko kong sabi sa sarili ko.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Caliber at hinayaan na akong maka pasok sa loob ng sasakyan. Ang bait pa nga kasi inalalayan 'ung ulo ko para hindi maumpog. Nang makapag seatbelt na ako siya namang pasok niya sa driver's seat.

Ilang minuto lang ang tinagal namin sa kalsada dahil sobrang late na din kaya walang traffic. Ang pinag takha ko lang bakit kami huminto sa tapat ng ospital.

Tatanungin ko na sana siya kaso nag mamadali siyang lumabas. "Baka may kameeting siya dito." Hindi na ako nag abalang bumaba ng sasakyan kasi baka importante 'ung pakay niya dito.

Binuksan niya din ang pintuan ko kaya kinunotan ko siya ng noo. "Are you going out or not? We need a doctor for those allergies, Solar," seryosong sabi niya.

"Hindi ko kailangan ng doctor kasi meron akong mga meds sa bahay. Kaya kailangan ko lag umuwi hindi ko kailangan ang mga doctor diyan." Napatingin ako sa ospital at napangiti ng mapait.

Kung marunong lang talaga ang mga doctor diyan hindi sila mamatay. It was partly my fault pero alam kong kung inasikaso sila ng maayos diyan at ginawang priority buhay pa silang lahat hanggang ngayon.

"Stop spacing out." Dinig kong sabi niya kaya napakurap ako.

"Sorry hindi ko namalayan. Ayaw ko talaga sa ospital at hindi ko din kailangan ang mga doctor diyan," mariing saad ko.

Hindi na siya sumagot kaya akala ko aalis na kami kaso hinila niya ako palabas ng sasakyan niya. Hindi pa man ako nakakapag react sa ginawa niya binuhat na naman niya akong parang isang sako ng bigas.

"Ano ba?!" Inis na sigaw ko. Hindi niya ko pinansin kaya pinag susuntok ko 'ung likod niya. Gusto ko na nga siyang kagatin kaso mag mumukha akong aso kaya pass.

Nang makapasok kami sa ospital pinag titinginan kami ng mga tao. Wala na akong nagawa kaya tinago ko na lang ang mukha ko sa likod niya. Tumigil siya sa pag lalakad kaya napaangat ako ng tingin.

Nasa tapat siya ng nurse station kaso walang tao. Tignan mo nga naman nurse station pero walang nurse kahit isa. Kaya ayoko sa ospital na 'to e. It brings back buried memories. Sa dinami dami pa ng ospital bakit dito niya pa naisipang ipagamot ako.

"Hey are you okay? You're shaking right now." Hindi ko namalayang nanginginig na 'ko. Hindi ko naman mapigilan kaya hinayaan ko na lang.

"Baka dahil sa allergies ko." Sinunngaling ka talaga Solar. Sabagay hindi naman niya kailangan malaman 'ung personal life ko. Hindi naman kami friends and I think this would be the last time na mag kikita kami.

*

Nakahiga na ako ngayon sa hospital bed habang si Caliber nakikipag chikahan pa sa doctor. Kakilala niya ata. Siya siguro 'ung tinawagan niya kanina nung nasa resto pa kami.

Sobrang pagod ako dahil sa party tapos kinidnap pa ako nang kumag na'to. I am emotionally drained too. Sa sobrang bigat ng mga mata ko hindi ko na namalayang nakatulog ako. 

In Charge (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon