Chapter 7
"Hindi mo talaga ako kakausapin?" He begged and he's giving me puppy eyes! Argh! Nagpapaawa effect! Akala niya naman uubra sa'kin 'yan eh!
"Bakit naman kita kakausapin?" Taas kilay na sagot ko sa kanya at inilapag ang phone sa lamesa para tumingin sa kanya. I want to know why he's so desperate and why he's so trying hard! Hindi niya ba naiintindihan na galit ako sa kanya? Wala ba sa dictionary niya 'yun? Why is he pushing himself to me?
Does Zed like me?
Oh my gosh! What am I thinking? Bakit naman siya magkakagusto sa'kin? Baka naman gusto lang niya ng closure para mas lalo niya akong ma-uto. Ghad Vien! Stop assuming!
"Kasi kailangan mo 'ko?" He seriously said.
"Excuse me? Kapal ng mukha ah!"
He laughed at my reaction. "Joke lang." He pinched my nose. Napahawak pa ako rito dahil sa sakit.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito. Sinusundan mo ba 'ko?" Mataray na tanong ko sa kanya habang nakahalukipkip at nakasandal sa high chair.
"Ay duh. Baka ikaw ang sumusunod sa 'kin. Alam mo kanina pa kita napapansin eh." Pinaningkitan pa niya ako ng mata at inilapit ang mukha sa 'kin.
"Ew!" I softly slapped his face to move it away from my face. Dumidikit na eh! Nakakairita at nakakahiya!
He laughed again then a phone rang. I thought it was mine but he took his phone out from his pocket. He smirked then answered the call, not leaving the table.
"Hello ma?"
"Ano? Sige papunta na 'ko diyan." Nagmadali siyang lumabas at tumakbo papunta sa sasakyan niya. Halatang importante 'yun dahil sa mga galaw niya. Ano kaya ang nangyari sa pamilya niya? Is it worst? Kinabahan din ako.
"Ma'am eto na po 'yung order niyo. Kasama niyo po ba 'yung lalake kanina?" Tanong ng waitress sa akin. I was about to say no but she already placed the drink on the table.
"Thank you po." I answered then smiled at the waitress.
After a few seconds, I received a message. I opened my phone and it was from Zed! Agad kong binuksan ang Messenger ko para tignan kung ano ang sinabi niya.
Zeinier Dan Corpuz
Sorry biglaan akong umalis. Sinugod si papa sa hospital eh.Alisha Vien Lustre
Okay lang 'yun. Na-serve na pala 'yung drink mo. Puntahan nalang kita diyan. Saang hospital kayo?For the first time, naging mabait ako sa kanya. I don't know why pero naaawa ako sa papa niya at sa pamilya niya. Ano kaya ang nararamdaman niya ngayon? It must be hard for him to see his dad like this. I don't want to be rude in these times. Kailangan niya ng karamay ngayon at parang may nagtutulak sa akin na kailangan ko siyang i-comfort.
Pumunta ako sa cashier para ipa-take out ang drink. Nakalimutan pa niya magbayad kaya binayaran ko nalang. Dali dali akong lumabas ng shop para pumara ng tricy.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na ako sa hospital. Pumasok ako at nakita si Zed na nakayuko at naka-upo sa may bench ng hospital malapit sa emergency room. He's probably worried now.
I sat beside him and offered the drink. Iniangat naman niya ang ulo niya para tumingin sa akin. He gave me a small smile then grabbed the drink from my hand. Sumandal siya sa bench at nagsimulang sumipsip sa straw.
BINABASA MO ANG
Love and Lies (Claveria Series #1)
Teen FictionWe all experience loving a person. We often close our eyes and ears. Nagiging siya 'yung mundo mo. Hindi mo pinapakialaman ang opinyon ng iba dahil sa kanya ka palagi naniniwala. You would always take the risk, give everything you have for free even...