Chapter 12
It's funny how our childhood memories replayed in my mind the moment we started to call each other the nicknames we made. I feel like I went back to being that 4-year-old Vien who likes being with Kaizer all the time. Nang lumaki na kaming dalawa, we find it very cringey, so we started calling each other how people call us. But then I just realized, the nicknames are so special for the both of us. It just shows how deep our friendship was back then.
I still remember how we used to be called the "little couple." Kasi palagi kaming magkasama noong mga bata pa kami. Palagi niya rin kasi akong prinoprotektahan mula sa mga nambubully sa akin noong elem tsaka sa junior high.
Sanay na ang mga tao sa paligid namin na nakikita kaming magkasama eh. Siya lang din 'yung kaibigan ko.
It's 5 am. Mukhang maaga ang gising ko ngayon. Naghilamos na ko at nagtoothbrush. Nang lumabas ako ng kwarto ay naamoy ko kaagad ang masarap na almusal. Bumaba na ako at nadatnang naghahanda si Kaizer ng pagkain. Wala pa siyang pan-itaas na damit at naka-apron at shorts lang ito. Umagang umaga nakahubad ang chaka.
"Good morning." I greeted him then sat.
"Oh gising ka na pala. Bawal ang panget dito, balik ka muna sa pagtulog." Tumawa pa siya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bahala ka diyan, nakikitulog ka lang naman eh." Inirapan ko siya.
"Joke lang naman. Kumain ka na." Kumuha siya ng pinggan at inilapag sa harapan ko. Siya na rin ang naglagay ng rice at ulam sa pinggan ko.
"Ay aba ang ganda ng mood ha. Saan galing 'yan? Tapos mamaya sa school, mas malamig ka pa sa yelo kung magsalita sa harap ng mga kaibigan natin." Pagbibiro ko.
Ang ganda ng awra niya today. Mas lalo siyang pumopogi kapag nakangiti siya.
"My mood depends on who I'm with." Kumindat pa ito sa akin at nagpatuloy sa pagluluto ng bacons.
"Hoy alam mo pumopogi ka talaga kapag nakangiti ka."
Nakatalikod kasi siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. Pagkatapos ay inilapag niya ang nalutong bacons sa lamesa. "Gutom lang 'yan." He laughed.
Nang matapos kaming kumain ay bumaba na rin sina mama. Bumalik ulit ako sa kwarto ko para maligo at magbihis.
Nang matapos kong ayusin ang sarili ko ay pumasok naman si Kaizer sa kwarto ko. Inaayos pa nito ang necktie niya.
"Your Cinderella dolls are cute." He chuckled.
I looked at the shelf that is full of Cinderella dolls. Na halos bigay niya naman lahat.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. "Che, eh halos lahat sa'yo galing 'yan eh." Tumawa ako.
"Andami ko na palang nabigay."
"Oo sis, sa dami ng nabigay mo, hindi na sila kasya diyan, nasa box 'yung iba."
Tumawa siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng necktie niya. Mukhang nahihirapan kaya lumapit na ako para ayusin 'yun.
Inaayos ko rin naman kasi dati ang necktie ni Vito at ni papa kaya alam na alam ko na kung paano.
"Ayan. Maayos na." Tinapik ko ang balikat niya. Kinuha ko na ang bag ko tsaka sabay kaming bumaba.
Tulad ng napag-usapan kagabi, sabay nga kaming pumasok. Medyo maaga pa kami sa school kaya tumambay muna kaming dalawa sa parking lot. Naka-upo kami ngayon sa likod ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
Love and Lies (Claveria Series #1)
Genç KurguWe all experience loving a person. We often close our eyes and ears. Nagiging siya 'yung mundo mo. Hindi mo pinapakialaman ang opinyon ng iba dahil sa kanya ka palagi naniniwala. You would always take the risk, give everything you have for free even...