Chapter 11
Mga 7am na ako nagising. Paniguradong late na ako kaya nagmadali akong naligo at nagbihis. Pagbaba ko ay wala na akong kasama sa bahay. Hindi man lang ako ginising nina mama. Ang alam nila ay wala akong pasok dahil Wednesday. Noong 1st sem kasi ay sa hapon ang klase ko tuwing Wednesday pero ngayong 2nd sem ay naiba na ang schedule. Hindi ko pala na-inform ang mga magulang ko na may pasok na ako sa Wednesday. Hay jusko, kasalanan ko din naman.
Hindi na rin ako nakapagsuklay at nagmadaling i-lock ang pinto. Nang matapos ay nagulat nalang ako nang makita ang sasakyan ni Zedong sa harap ng bahay namin. Bumusina pa ito at binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Late ka na, tara na!" Sigaw niya kaya mabilis akong tumakbo papasok sa kanyang sasakyan.
"Oh." He handed me a comb. "Gulo ng buhok mo. Ayusin mo." At nagsimula na niyang paandarin ang sasakyan.
"Aba, bakit naman may suklay ka? Sino gumagamit?" Tanong ko.
"Si Zhan. Nakalimutan niya. Sumabay kasi siya kanina sa'kin." Anito.
"So is this hatid sundo thingy a part of our relationship already?" I chuckled.
"Syempre." He smirked. "Tsaka tinawagan ko mama mo kanina." Magkakilala naman na sila ni mama eh tsaka alam na rin ni mama na boyfriend ko na siya. Open naman kami both sides kaya wala ng problema.
"Nagulat siya kanina, ang alam niya kasi wala daw tayong pasok sa Wednesday." Tumawa pa ito.
"Hindi ko nasabi sa kanya."
"Sabi niya baka di ka pa daw gumising. Kaya agad akong nagpunta rito para sana gisingin ka pero nakapag-ayos ka na pala." Pagpapaliwanag nito.
"Hay buti nalang nandito ka."
"Palagi naman." Ngumiti ito sa akin at pagkatapos ay nagfocus na siya sa daan.
Nang makarating kasi sa school ay nagparking na ito malapit sa senior high building. Halos wala ng tao sa labas dahil nagstart na ang 1st period class.
Bumaba na kaming dalawa at sabay na naglakad papunta sa classroom namin. Panigurado nakatingin ang mga classmates namin dahil nakikita ang parking lot mula sa classroom namin.
Ang gusto ko kami lang muna ang nakakaalam pero huli na ang lahat. Alam kong alam na nila kung ano ang meron sa aming dalawa. Pati ata yung mga other sections nakita kaming magkasama eh. Hindi na ako puwedeng magtago. Nangyari na. Nakita na nila. Wala na akong magagawa.
Tinignan ko si Zed at wala man lang akong nakitang pag-aalala sa kanyang mukha. Nakangiti pa ito at proud na proud pa siya.
Nang makarating kami sa classroom ay pinagtitinginan kaming dalawa. Wala na. Alam na nila.
Nagtuturo na rin ang first subject teacher namin ngayong umaga. Pati ata siya nagulat sa pagdating namin.
"Good morning ma'am." Sabay pa kami ni Zed sa pagbati sa teacher.
"Ay saan kayo galing?" Nakangiting tanong ng guro sa amin. Nahihiya na rin ako dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng mga classmate namin. Halos itago ko ang mukha ko gamit ang isa kong kamay eh.
"Ma'am sinundo ko siya. Na-late nagising eh." Ani Zed.
"Oh I see. Umupo na kayo. Baka ano pa matanong ko sa inyo." She chuckled. "Next time Vien, wake up early so you won't be late in my class okay?"
BINABASA MO ANG
Love and Lies (Claveria Series #1)
Novela JuvenilWe all experience loving a person. We often close our eyes and ears. Nagiging siya 'yung mundo mo. Hindi mo pinapakialaman ang opinyon ng iba dahil sa kanya ka palagi naniniwala. You would always take the risk, give everything you have for free even...