Chapter 8
Zed and I are already friends. Nawala 'yung galit ko sa kanya pero nang-aasar pa rin naman siya kapag may mga shineshare akong posts sa Facebook. But since I consider him as a friend, parang normal na sa 'kin 'yung ganoon. Ganon din naman si Kai sa akin. So I think it's just a friendly tease.
We're in good terms and we started chatting without telling my friends. Baka sabihin nilang marupok na naman ako. Na kinaibigan ko pa 'yung lalakeng binubully ako palagi sa school.
In fairness, malaki ang pinagbago niya. Naging mas mabait na siya sa akin. Hindi na rin niya pinapakita 'yung pride side niya. It's good that we're no longer rivals na palaging nag-aaway.
I think this whole friendship thing is working and we are finally starting to be comfortable with each other. Hindi ko rin alam kung bakit palagi naming ina-update ang isa't isa. Ganito rin naman kami ni Kai and sa other guy friends ko kaya I think it's normal lang.
For me, it's normal but my feelings were different. His words, how he cares for me, the late night talks, is something unusual. We began to share our stories, our daily lives and little by little, I'm starting to know the real Zed.
I don't know what this is. When I talk to him, everything that I know about the boys dealing with girls are all back to zero. Hindi ko madecode ang meanings ng messages niya. All I know is that Platonic Love isn't part in our convos anymore. It's something deeper.
Time flew so fast and we're celebrating Christmas. I greeted my friends and I spent Christmas Eve with my family. Sa bahay lang naman kami nag-celebrate at umuwi dito sa Claveria 'yung mga relatives namin from Manila para buo ang pamilya.
I spent the Christmas vacation with my cousins. Kapag kumpleto kaming lahat, pumupunta pa kami sa Sanchez Mira para mag-milk tea gamit 'yung sasakyan namin. Ganoon ako ka-close sa mga pinsan ko.
"Oh Jen baba, ikaw bibili." Utos ni kuya Alex sa kapatid niya pagkatapos niyang i-park ang sasakyan sa tapat ng Crepasoy Cafe. Kagagaling lang namin sa centro ng Sanchez Mira. Napa-shopping kami bigla eh wala akong dalang pera. Buti nalang nanlibre si kuya Alex. Kakauwi lang kasi niya galing Dubai. Bumabawi daw sa amin dahil ilang taon siyang nawala.
"Ha? Ba't ako?" Takang tanong nito habang tinuturo ang sarili.
"Ikaw manlilibre diba?" Tinaasan siya ng kilay ni kuya Alex.
"Ako na nga manlilibre, ako pa bibili? Ikaw nalang kaya." Umirap ito kaya napatawa kaming mga nasa likod.
"Oh ikaw nalang Kat."
"Ayoko. Umuulan. Ayokong mabasa. Dami pa namang germs sa paligid." Maarteng sagot nito na parang nandidiri pa. Di talaga nagbago 'to, mas matanda ng isang taon sa 'kin pero kung magsalita parang sa kanila na 'yung Robinsons Mall.
Huminga ako ng malalim. "Ako na kuya." Kinuha ko ang pera mula sa kanya at lumabas ng van. Dahil malakas ang ulan at wala pa kaming payong na dala, mabilis akong tumakbo papasok sa shop.
Dumiretso na ako sa counter para mag-order ng walong drinks. Umupo muna ako sa silya. Inilabas ko ang aking phone para hindi ma-bored kakahintay.
Bumukas ang pinto at bumungad si Zed. Naka-jacket ito at shorts habang inilalagay ang basang payong sa gilid. Hindi niya ata ako napansin kasi dumiretso siya agad sa counter para mag-order din.
Hindi ko nalang siya pinansin at nag-scroll sa Newsfeed ko sa IG. Wala rin naman akong pakialam kung nandiyan siya.
Naramdaman kong bigla itong umupo sa harap ko. Iniangat ko ang aking ulo at nakita siyang ngumingiti.
BINABASA MO ANG
Love and Lies (Claveria Series #1)
Ficção AdolescenteWe all experience loving a person. We often close our eyes and ears. Nagiging siya 'yung mundo mo. Hindi mo pinapakialaman ang opinyon ng iba dahil sa kanya ka palagi naniniwala. You would always take the risk, give everything you have for free even...