Chapter 3

21 3 0
                                    

Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan, at ang babaeng kasama ko ay hindi parin magtigil sa pagtawa dahil sa kanina, palibhasa sobrang tahimik dito sa loob kaya pinapaingay lang niya, para sa babaeng ito kasi awkward kapag tahimik.

Sinabi rin niya kasi kanina na mga tauhan yun ng mga tauhan nya na nagpanggap na magbabasura para daw mas kapani paniwala. Iyong mukhang nakahit hit ay hindi naman daw ganoon ang totoong hitsura ng mga ito. Hindi siya tumatanggap ng mga tauhang kasing pangit ng bisugo.

I rolled my eyes and shake my head.

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana.

Umuulan ngayon kaya medyo malamig, pero hindi naman kagaya nung sa pinanggalingan ko na sadyang malamig ang kalamidad doon.

Dito kasi kapag umaga na,sobrang init daw, sabi nila. Nag-search din kasi ako para di ako ma out of place at makakuha din ng mga kaalaman about philippines and the benefits i could've get with their places.

Tama lang naman na i-stalk ko ung lugar na pupuntahan ko, right??

Patuloy sa pag-andar ang sasakyan ng magsalita si Vana. I miss this girl. Limang buwan ang lumipas bago kami magkita and worst dito pa talaga at siyempre inaasahan ko na ito because of her work here and she's belong here anyway.

"AL, bibili lang ako diyan saglit sa malapit na citimart para sa lulutuin ko mamayang dinner natin, alam ko namang ayaw mong kumain ng luto ng mga chef," she said while smiling.

It's true, di talaga ako kumakain ng luto ng iba lalo na pag sa mga chef, i had bad memories about that and i don't want to reminisce it, sakin nalang iyon.

"Ang arte-arte mo kasi," dagdag sabi pa nya. I rolled my eyes to her.

"Oo na sige na, park mo nalang dyan sa tabi tapos hintayin kita dito." nakingiting sabi ko.

"Ayan ka na naman sa ngiti na yan, naku huwag ka lang magpaplano ng masama, malilintikan ka sakin at saka doon tayo magpa-park sa loob para hindi ka basta makaalis," nagbabanta nitong sabi na parang anytime na magpark siya ay makaka alis na agad ako kaya sinigurado na nito.

"Kaya mo ba?" tanong ko sa kanya. "At saka hindi mo naman ako matitiis kaya go na, promise hihintayin talaga kita, bilisan mo lang. Kahit dito mo na ang sasakyan I-park since parte din naman ito ng parking lot." Ani ko kasama ang walang kababakasang pangako sa sinabi.

Hindi na naman ito umimik pa sa halip ay binuksan ang pinto ng sasakyan saka naglakad paalis.

"Tsk," I smirked.

***

HABANG naghihintay sa kanya, may babaeng katok ng katok sa isang katabing sasakyan, di ko alam pero nakaramdam ako ng panibugho at inis.

Siguro dahil parang kaedad at nasasalamin ko iyong babae, tapos di ko maatim na ganyan ang kalagayan niya, pulubi kong tawagin.

Kumunot ang noo ko, binuksan ko ang bintana ng sasakyan saka palihim na pinakinggan ang nangyayari.

"Sige na po kuya pogi, para lang po sa gatas ng anak ko, wala po kasi kaming perang pambili." sabi nung namamalimos na babae.

May kasama pala siyang bata, nasa unahan nga lang nito, nakatalikod kasi ito sa akin, kaya hindi ko kaagad nakita.

"Can you just get out, wala akong maiibigay sayo, dapat nga kayong mga pulubi mayayaman na, kasi sa isang araw marami na kayong kinikitang pera sa panglilimos palang pero anong ginagawa nyo? Hindi man lang kayo nag-iipon kasi hindi nyo iniisip ang magiging future nyo, kaya yan ang napapala ninyo, bukod sa pagkakaroon ng anak, namamatay nalang kayo sa lansangan...Hindi na kayo nahiya sa mga taong hiningan nyo ng Pera... "mahabang linyahan nung lalaking nasa sasakyan.

PísoWhere stories live. Discover now