Hi guysshh, ang story ko pong ito ay kauna unahan kaya po may mga mali kayong mapapansin...
ENJOY READING
****************
DALA lahat ng aming pinamili na mga damit ay pumasok na kami sa bahay, bumili rin kasi kami ng mga dekorasyon upang mas mapaganda ng maayos ang bahay kahit maliit lamang.
"Vana, akyat muna ako, aayusin ko muna ang mga pinamiling damit natin tapos bababa ako kapag kakain na tayo ng hapunan, tawagin mo lang ako." ani ko habang patuloy sa pag-akyat sa taas ng bahay.
She turned to me and then she arked her eyebrow.
"Aba! Senyorita, uso magkusa hindi yung tatawagin ka pa... Madami din akong gagawin kaya hindi na kita matatawag pa." Mataray na aniya, nakapa-maywang pa. Pinapatunayang hindi ako kailangang tawagin.
Mas gusto ko iyong tinatawag ako para makakain ako sa tamang oras dahil minsan kasi nakakalimutan ko ng kumain.
Nakapa-meywang rin akong nakaharap sa kanya habang nasa ika-5 baitang ng hagdan. "Anong ganda naman ng palusot mo...alam kong manonood ka lang naman ng drama, gawain ba yon?" Kung siya ay mataray aba ay mas mataray ako. "At saka bakit ka ba nagdadahilan tatawagin mo lang naman ako, mahirap ba iyong gawin, labag ba sa kalooban mo? Anong mas gusto mo, manood o maglinis ng kuwarto?" I asked sarcastically.
Nakakalimutan ata ng babaeng ito na kakagaling ko lang sa sakit at hindi pa nga tuluyang nawawala. Tapos marami pa ako gagawin ngayon at pipiliting ayusin kahit medyo nahihilo pa.
"Hindi naman sa ganon, ang akin lang marami din akong gagawin at saka hindi ako manonood, AL naman eh" ungot nito, nagmamaktol. "Maghahanda ako ng makakain natin gaga. Sige ako gagawa niyan, ikaw magluluto?" napabuntong hininga ako. Sinusubok talaga nito ang pasensya ko.
"Aba't sinong tinakot mo Vana. Sige ako ang magluluto at umakyat ka na sa taas, dalhin mo itong mga pinamiling damit, tiklopin mo at ilagay sa aking cabinet, pagkatapos paki-walis ng mga basura at ilagay sa basurahan, tapos i-arrange mo narin ng maayos lahat ng mga gamit ko doon at pang huli ay pakitanggal ng mga lumang gamit doon, ilabas mo at itapon kasama ng basura, dapat malinis pag-akyat ko doon... malinaw ba?" walang pakundangan kong utos sa kaniya kahit iyong iba ay hindi ko naman talaga gagawin. Nakakapagod ng makipag-usap kaya sinabi ko na agad ang una niyang gagawin.
Ang akala nito'y hanggang doon lang ang iuutos ko sa kaniya kaya proud sa sariling lumapit ito sa akin.
I relax and calmed myself nagtitimpi sa kaniya.
"Iyon lang naman pala eh, it's easy!" nagmamalaking aniya na akala'y nakalusot na sa gagawing pagluluto. Ngumiti pa ito ng pagkalawak-lawak, ipinapakitang napakadali ng kaniyang gagawin at ipanauubaya na sa akin ang pagluluto.
Ikinumpas pa nito ang kamay at itinuro kung saan ang lugar ng aking paglulutuan. Pero dahil mas lalo akong nasura ay dinagdagan ko pa ang gawain niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "At meron pa... pakilabhan narin ng mga lumang comforter doon, kasi sobrang babaho, hindi ko iyon itatapon kasi magagamit pa at pati iyong kisame, may kabinet sa itaas, paki ayos din kasi inuuod at iniipis na ang mga nakalagay roon." sabi ko sa kanya, full of confidence na parang may grand entrance habang bumababa ng hagdan.
Easy lang hindi ba?
Ako magluluto lang pagkatapos ay pwede na akong manood, kahit anong gustuhin ko. Ano pang silbi ng bagong bili naming flat screen tv.
And I know she's damn scared in cockroaches and any other insects or pests because... I don't know.
May hindi pa nga pala akong natatapos na Cdrama iyong love scenery. Ang ganda nun, nakakakilig lalo na iyong bidang lalaki... napaka-gwapo.
![](https://img.wattpad.com/cover/233564766-288-k297305.jpg)
YOU ARE READING
Píso
Mystery / Thriller[Self-Published] Anything happened unexpectedly, so you're in, to solved and give the solution to that situation, whatever it is. But as EXPECTED, when you where in that mission, YOU, the human hiding present, never expect that something came up and...