Chapter 1

28 7 2
                                    

I AM HERE in front of NAIA Airport, dala ang importanteng bagay na siyang nagbibigay lakas para sa akin.

Nakatingin ako sa mga taong naglalakad at nagsisi-alisan, dala ang kanilang mga bagahe. Mayroon pang taong sinasalubong ng kanilang pamilya at wagas na niyayakap na sa tuwa ay napapaiyak pa.

Sana lahat ganoon.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ikinuyom ko ang aking mga kamay saka umalis at nagpatuloy na sa paglalakad.

I am here in Philippines for me to have a better new life hindi para magbakasyon at magnilay-nilay para sa sariling kaligayahan lamang.

Siguradong mahihirapan ako sa una lalo na sa klima ng bansa pero alam kong kaya ko ito na hindi na kailangan ng tulong ng iba.

Para sa akin, hindi naman mahirap mamuhay mag-isa, kung persistent kang mabuhay para sa sarili mo, why not doing it.

Ang pamilya na siyang aking kinalakihan ay mas papangarapin ko pang mawalan  kaysa makapiling sila na hindi ko naman kailangan.

Sa sobrang drama ng buhay ko ay pwedeng-pwede ng ipalabas . Paniguradong maraming masasaktan at luluha sa aking kuwentong buhay.

Napaismid ako sa mga iniisip ko at umiling-iling.

Mahirap ng mag-isip ng mga alalahaning problema baka hindi na ako maka alis at makahanap ng lugar na tutuluyan sa tamang oras sa sobrang dami nila.

HABANG naglalakad ay may nakita akong mamang nagtitinda ng fishball.
Ang mama' ay mukhang nakahit-hit ng droga kasi ang pula ng mata nito kasabay ng maiitim na labi na siyang nagbibigay halata sa illegal na gawain.

Lakas loob na lumapit ako dito. Hindi para bumili ng tinitinda nitong mukhang buhangin at sunog na ngayon dahil sa pagkakatulala nito sa akin dahil sa paunti-unting paglapit ko sa kaniya.

Ang lakas siguro ng apoy kaya mabilis masunog at nagkalasog-lasog ang fishball na niluluto nito dahil narin sa paghahalo nitong mabilisan at mukhang peke pa ang tinitinda.

Matapos kong lumapit ay agad akong nagtanong.

"Manong saan po ba ang malapit na terminal dito papuntang Batangas?" malumanay na tanong ko.

Batangas ang mas pinili kong tigilan pansamantala dito dahil base sa aking research ay talaga namang magaganda ang lugar na mapupuntahan dito at mabubusog ka sa tanawin pa lamang na mae-engganyo ang isang taong gaya ko na tumira.

Ganon din naman sa ibang lugar ngunit mas trip ko ang tumira sa Batangas.

Tumitig muna muli si Manong tindero sa akin habang ako naman ay napapakunot ang noo.

Is there something wrong in my face?

Napahawak pa ako ng mahigpit sa aking bagahe dahil sa mga mapanuri nitong tingin sa katawan ko. Tumingin muli ito sa akin saka nagsalita.

"Taga saang bansa ka ineng? Ang ganda ng kulay ng mata mo at saka para kang anghel" puri ni manong sa akin na parang naghuhugis puso ang mga mata nito.

"Wow, manong thank you po, saan po ang terminal?" tanong kong muli. Is that a compliment?

Ayoko makipag-usap sa taong hindi ko naman kilala, ayus lang kung mabait, pero si manong mukhang hindi, base narin sa hitsura nito. Hindi naman ito makaramdam na asiwang-asiwa na ako sa presensya niya.

I'm a judgemental person but my intincts are true with this things.

Mukha namang natauhan si Manong dahil narin sa nag aapoy na tinging ibinibigay ko dito.

"Ahh, iyon ba? Ano munang pangalan mo, Iha?" Aba't hindi pa nakuha sa isang tingin si manong. Eh kung sapakin ko nalang kaya ito at ilublob ang mukha sa kumukulong mantika, pasakan pa ng niluluto niyang fishball na lahat ay sunog na ngayon.

PísoWhere stories live. Discover now