Prologue

13.9K 136 0
                                    

Isa nanamang gabi ang sumalubong sa akin. Hindi parin ako makapaniwala, it's been five years...Oo tama, five years na pero hindi parin kami nagkaka aminan. Natatakot kasi ako eh, baka masaktan lang ako.

Hindi ko alam kung bakit sa dami ng pagsusubok sa buhay ko, natatakot parin akong mabigo. Siguro dahil na experience ko na. Ayoko rin kasi yung feeling na iiwanan ka ng mahal mo sa buhay, at yon, na experience ko na din... Siguro kung may taong laging iniiwan, ako yun.

***
Nandito ako ngayon, spending the last few moments as students. Mamiss ko rin naman yung mag-aral, pero siguro mas gusto ko na mag move on na rin.

Five years akong nag aral ng college, tapos another five years of masterals. Sa loob ng ten years na yun, andaming nangyari. Ang daming maganda, pero madami ring masama. But every single thing taught me something.

"Alyssa...kailangan mo nang matulog. Mag beauty rest ka na, nak."

Tumalikod ako, si nanay pala. Andito kasi ako sa veranda namin. We're sleeping in my condo tonight.

"Ma.. paano niyo nalaman na andito ako?" tanong ko naman sa kanya. Nakita kong lumalapit siya sakin.

"Eh alam ko kasing may gusto kang pag-usapan eh... Ano ba yun?" Hinawakan naman niya ang braso ko.

Huminga muna ako nang malalim, tapos nagsalita na ako.

"Ma, paano po kung may mahal kang babae pero hindi mo alam kung paano ito aminin sa kanya?" Sinubukan kong wag maging diretso, pero tingin ko alam na niya kung sino yong tinutukoy ko.

"Si Den ba yan?" Nahihiya man ako pero tumango parin ako. "Anak, alam ko na mahirap umamin, lalo na best friend mo siya. Nandyan din yung takot na baka mabigo ka nanaman, pero anak huwag mong unahan yun. Malaki ka na Alyssa, marami nang pagsubok ang dumating sa buhay mo. Alam kong inuunahan mo lang naman ng takot eh, pero alam ko na kaya mo yan. Mag tiwala ka lang." Nginitian ko naman ang nanay ko ng marinig ko ang sinabi niya. Agad naman niyang hinalikan ang kamay ko.

Masaya ako na andyan ang nanay at tatay ko para sa akin. Hindi man ako tanggap ng lolo ko, alam kong in God's time maipapakita ko na rin sa kanya na hindi naman ako lumaking masamang tao kahit ganito ako.

"Sa tingin niyo po, kelan kaya ako matatanggap ni Lolo?" Nakita ko namang nagulat siya sa tinanong ko.

"Hindi na importante yun anak... Alam ko na kahit hindi ka man niya tanggapin, matututo rin siya na hindi naman dahil ganyan ka, eh ibig sabihin masama ka nang tao."

We spent a couple of minutes looking at the stars. Nag wish ako na sana, maging okay ang lahat.

"Anak, matulog ka na. You have a big day tomorrow. Ngayon palang Alyssa, ipapaalam ko na sayo kung gaano ako ka-proud sayo. I love you, anak and I can never be more proud of you!" Hinalikan naman ako ni nanay sa noo ko.

"Hindi ko naman po ito magagawa kung wala po kayo eh. I love you Nay."

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon