Kiven
"Dahil sa akin at kay lola." malungkot na sagot niya.
Ramdam na ramdam ko yung sakit at pangungulila niya sa kanyang lola, para tuloy gusto ko siyang isama sa baryo kasi siya nalang pala ang mag isa.
At subra talaga akong naawa sa kanya kasi pati Birhtday at edad niya ay di na niya alam. Ilang taon ba siya nong nawala yung lola niya at ganya siya ka bobo.
Bobo talaga!!??
I mean ganyan siya ka inosente para di niya alam ang bagay-bagay sa mundo. Pati puso di niya alam.
Pero natatakot ako lalo na nong sinabi niyang ang lakas ng tibok ng puso niya. Pano kung mainlove sa akin to, pano kung bumigay din tong puso ko.
Kanina nong dumating siya grabe napaka ganda niya, halos di ko talaga siya makilala dahil sa ayos niya. Napaka simple lang yung sout niya pero ang lakas ng dating sa akin.
"kiven. Natatakot kaba sa akin?" may bahid na lungkot na tanong niya.
Matatakot?
"bakit naman ako matatakot sayo?" sino ba siya para katakutan.
Nabanggit niya pala kanina na sila ng lola niya yung kinakatakutan sa gubat na to, pero bakit naman sila matatakot kay fate eh napaka anghel nga ng makha nito tapos napaka ganda pa at syempre napaka sarap.
Pero balik tayo sa tanong niya.
"wala bang nababanggit yung taga baryo tungkol sa istorya sa gubat na to?" yun nga yung gusto kong malaman eh. Pero di naman nila nasasabi sa akin sa baryo kung anong meron sa gubat na to. Ako nga gustong-gusto ko na pamunta dito kasi andito yung nagpapasaya sa akin at sa puso ko.
Inlove kana niyan gageks.??
Oo inlove na ako sa kanya aa- putek na konsensiya to ah. Tumahimik ka nga dyan kung ayaw mong mawala sa pagkatao ko. Epal talaga!!
"kiven, baka pag nalaman mo yung kwento sa gubat na to baka pati ikaw ay sasaktan na din ako. Tapos lalayo kana sa akin." nayakap ko siya ng mahigpit kasi narinig kona yung paghikbi niya. Ayaw kong makita siyang nasasaktan kasi nasasaktan din ako.
"kahit ano pang sabihin nila tungkol sa gubat na to ay sayo lang ako maniniwala kasi mahal kita fate, mahal na mahal kita." tinulak niya ako ng mahina dahilan ng pag bitaw ko sa yakap ko sa kanya. Pinunasan niya yung luha niya na dumaloy sa pisngi niya.
Kahit umiiyak siya ay maganda parin siya. Pero shet lang kasi nasabi ko sa kanya yung totoong nararamdaman ko. Alam niya kaya yung word na mahal? Sana? Sana talaga alam niya para masaya ako.
"mahal na mahal kita? Ano yun?" nawala yung ngiti sa puso ko dahil sa isang malakas na sampal na tanong niya sa akin.
Humarap ako sa kanya at hinawakan yung dalawa niyang kamay. Mukhang magiging professor ako nito ngayon ah. Pero bahala na basta ang importante ay may matutunan siya sa akin kahit kunti lang.
"binasa mo ba yung binigay ko sayo na mga libro.?" napanguso siya. Shet ang cute niya ang sarap niyang halikan.
"Oo pero ang hirap intindihin eh. Ano bang klaseng salita yun?" may bahid na inis sa boses niya.
Pero ang cute niya talaga lalo na yung nagsalubong yung dalawang kilay nila. Di ko maiwasang mapangiti sa babaeng to.
"ang tawag sa salita na yun ay english. Ok, ginagamit yung salita na yun sa ibang bansa at syempre dito din sa atin." napatingin ako sa kanya lalo ng makita ko yung pag kunot ng noo niya.
"ano ba ang bansa? At saka sang bansa ba tayo ngayon?" napabuga nalang ako ng hangin.
Kung di lang maganda to baka napa deport kona sa mars to, pero laban lang kiven..