Part17

216 4 0
                                    

Fate

Mag iisang buwan na din simula nong huling kita namin ni kiven at tinotoo niya nga talaga ang mga sinbi ko kasi di kona siya nakikita sa bar at di na din siya nagpapadala sa akin ng bulaklak at mga pagkain. Ito naman yung gusto ko diba? Ang lumayo siya sa akin.

Sa halos isang buwan na lumapis ay subrang lungkot ng buhay ko lalo na yung puso ko. Ewan ko ba kung bakit dahil siguro sa nangyari.

Sa tuwing mag dadate kami ni adonis parang wala ako sa sarili parating lutang yung isip ko.

Minsan pa sinabi ko sa sarili ko nasana si kiven nalang yung kasama ko at di si adonis at baka masaya pa ako pero di na pwede kasi nasaktan ko na siya.

Off namin sa bar ngayon kaya dito lang kami sa bahay ni lisa.

Tumayo ako sa sofa at lumapit sa calendar. Malapit ng birthday ni kia, kaya dapat double kayod ako nito para mabigay ko yung gusto niyang ligaro.

Nagkatinginan kami ni lisa ng may kumatok, di pa kasi tulog tong babaitang ito may sinusubaybayan kasi siyang teleserye na kdrama.

"buksan mo." utos ko sa kanya. Napakamot naman siya bago tumayo.

Natawa nalang ako sa itsura niya. Cute naman si lisa kahit papaano ay may maibuga naman siya sa mukha maputi din at half korean pala siya.

"ann, may naghahanap sayo." kunot noo akong napatingin ulit sa kanya.

Sino na naman kaya to? Baka mommy na naman to ni kiven.

Naglakad na ako sa may pinto may nakita akong babaeng natayo doon nakatalikod sa amin, mayaman din kasi halata sa pananamit at yung maikli niyang kulay red niyang buhok.

Di naman ganito yung ina ni kiven kasi mahaba naman ang buhok non at saka itim.

Dahan-dahan siya humarap sa amin at nanlaki ang mata ko.

"carla?" takang tanong ko.

"yes, gusto lang sana kitang maka usap sa labas." diretso niyang sabi bago naglakad.

Sumunod na nalang ako sa kanya hanggang sa labas ng apartment na tinitirahan ko.

"alam mo naman siguro kung bakit ako nandito?" taas kilay niyang tanong.

Anong paki alam ko sa kanya.

"andito ako para malaman kung nasaan si kiven. Kung saan mo siya tinago." lumaki ang mata niya habang binigkas ang mga salita na yan.

"anong pinagsasabi mo. Di ko alam ang sinasabi mo. At kung pumunta ka lang dito para sa walang kwentang bagay ay ngayon pa lang pwede ka ng umalis." pagtataray ko din sa kanya.

Anong karapatan niyang pagbintangan ako.

"matapang kana ngayon? Bakit anong pinaglalaban mo? Tsk!! Baka nakakalimutan mong asawa kona yung lalaking inaasam-asam mo." ngumiti siya sa akin.

"Oo asawa mo nga siya pero asan siya ngayon? Hinahanap mo nga siya diba? At bakit sa akin mo hinahanap?" sunod-sunod kung tanong sa kanya..

Tumaas yung kilay niya sa mga lumalabas na salita sa bibig ko. Sana ganyan nalang yung kilay niya forever.

"dahil alam kung ikaw lang ang kilala kung babae na itatago siya at ilalayo sa amin ng anak ko." napatawa ako sa sinabi niya.

"hindi ako tulad mo carla, di ako pwedeng gumawa ng hakbang na ikagalit ng mahal ko. Di naman ako disperada eh. At bago ka umalis ito yung itatak mo sa isipin mo carla. Alalahin mong itong mukhang ito." turo ko sa mukha ko. "itong mukhang to na tinatawag niyong aswang noon ang kinabaliwan ng asawa mo ngayon, ay di pala asawa kasi napilatan lang pala si kiven sa kasal kayo." ngumisi na muna ako bago pumasok ulit sa loob ng apartment namin.

The Innocent Mind [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon