Kiven
nakangiti akong pumasok sa bahay namin ewan ko pero napapansin ko sa sarili ko na araw-araw na akong nakangiti lalo na't nakikita ko sa mga mata ni fate yung saya habang may binibigay ako sa kanya.
Araw-araw ko siyang binibigyan ng mga bulaklak at pagkain, kahit sa bar pag gabi doon din ako tumatambay para bantayan siya.
"may balak ka pa lang umuwi?" nawala yung ngiti sa labi dahil narinig ko na naman yung boses ng babaeng kinaiinisan ko.
"ano bang paki alam mo??!!" inis ko na tanong. "at ilang ulit ko bang sabihin sayo na wag mong paki alam ang buhay ko kasi di ko pinapakialam yang bwisit mong buhay!!" sigaw ko sa kanya.
Kaya ayaw kung umuwi sa bahay na to dahil mawawala lang yung masaya kung mood. Kung di lang talaga dahil kay mommy at karl baka iniwan kona tong gageks na babaeng to.
"at ilang ulit ko ding sabihin sayo na kahit anong gawin mo kiven asawa mo parin ako. ASAWA MO PARIN AKO!!" napahinto ako sa pag akyat ng hagdan dahil sa sinabi ni carla.
Humarap ako sa kanya ng may ngiti sa labi.
"Oo asawa kita. Naging asawa lang kita dahil sa kalandian mo!! Naging asawa lang kita dahil sa pagiging desperada mo!! At ito yung isaksak mo sa ulo mong puro landi lang ang laman. Kahit kailan di kita mamahalin." tumalikod na ako sa kanya pero bago ko paman malisan ang hagdanan ay nag iwan pa ako ng isang salita para magising yang utak niya. "dahil isang tao lang yung mamahalin ko. Gusto mong malaman? Tsk!! Yung taong tinatawag niyong aswang. Pero sa totoo lang mas bagay pang itawag sayo ang aswang dahil sa ugali mo.."
Wala akong paki alam kung masaktan ko siya dahil ni kahit minsan ay di niya din inisip yung nararamdaman ko dati yung nag mamaka awa akong i uurong niya yung kasal kasi di siya ang mahal ko. Pero wala siyang ginawa at pinag patuloy niya parin ang kasalan namin.
Ginamit niyang dahilan yung pagbubuntis niya ginamit niya ang anak namin para di ko siya layuan.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay humiga na muna ako sa kama dahil sa inis na naramdaman ko, nakaka walang ganang umuwi sa bahay na to.
Napa-upo ako ng bumakas ang pinto ng kwarto ang akala ko si carla na naman pero si mommy lang pala.
"mom, bakit?" tanong ko.
Sinira niya yung pinto at lumapit sa pwesto, umupo siya sa harapan ko.
"baby, bakit mo gina ganon yung asawa mo? Di ka naman ganyan dati eh." napayuko ako sa tanong ni mommy.
"mom, alam niyo na po ang dahilan." sagot ko nalang sa kanya.
Lahat ng nangyari sa akin sa isla ay alam ni mommy dahil kwenento ko sa kanya. Nong una ay nagalit si mommy pero kalaunan ay nawala din to kasi nakikita niya daw yung pagbabago ko.
"pero anak, asawa mo siya. Alam ko yung nararamdaman ni carla kasi ganon na ganon din yung nararamdan kung sakit sa daddy mo noon."
"mom, iba kami ng bwisit na lalaking yun. Iba kami mom, dahil kahit napipilitan lang ako sa kasalan na yun ay kahit minsan di ko iniwan si carla at karl kahit nasasaktan ako mom kahit galit ako sa kanya. Ni kahit kailan ag wala sa isip kung iwan ang pamilya ko." iyak ko na sabi kay mommy.
"baby, alam ko pero sana naman ituri mo ding asawa si carla kasi yun lang naman yung gusto niya." inangat ko yung mukha ko para tignan si mommy.
"mommy, bakit po? Bakit? Bakit ang hirap labanan ng tadhana? Bakit? Mommy isa lang yung gusto kong maging asawa si fate lang. Simula noon hanggang ngayon siya parin ang mahal ko siya lang wala ng iba." hinawakan ni mommy ang pisngi ko.