Fate
"Ann ang bagal mo naman bilis-bilisan mo naman ng kunti. Kanina ka pa dyan ah. Wag ka ng magpaganda." rinig kung sigaw ni lisa sa labas ng kwarto ko.
"ito na." balik ko ding sigaw sa kanya.
Tumingin na muna ako sa salamin kung ok na ba ang sout ko. Ok na siguro ito.
Yung buhok naman ay nilagayan ko ng ipit na ribbon sa gitna pero para parin siyang nakalaglag meron mga hibla na iilan sa gilid yung mukha ko ay light make up lang tapos yung shoes ko ay di naman masyadong mataas 3 inch lang ata ito.
"ann, mag dadalawang linggo na akong naghintay dito sa labas."
"Oo na ito lalabas na." kinuha ko na yung gift at shoulder bag ko bago lumabas ng kwarto.
"wow, pinaghandaan talaga ah. Shet ang ganda mo. Tara na nga at gutom na gutom na ako." napa iling nalang sa ako sa babaeng to. Naka sout din siya ng dress na kulay black at saka na 2inch na sandal di kasi kami sanay sa mga mataas na sandal yung hair niya na messy bun lang.
Paglabas namin ng gate ng apartment ay merong naka park na itim na sasakyan.
"miss santos?" tanong ng lalaki sa akin na naka itim.
"opo." tipid kung sagot.
"pinapasundo po kayo ni sir kiven sa amin."
Wala na akong nagawa nong hatakin na ako ni lisa, itong babaeng to talaga napa harot.
Habang nasa byahe kami ay di mo iwasang di kabahan kasi alam kung malaking party ang ginagawa ni kiven para kay kia.
Kasi ang pagkaka alam ko ay ngayon din niya ipakilala si kia sa lahat bilang anak niya.
"relax ka lang ann." rinig kong bulong ni lisa akin.
Napatingin kami sa labas ng huminto ang sasakyan, double yung kaba ko ng makita yung lugar. Pinagbukasan kami nong mga lalaking naka itim, di nga ako napag thank you sa subrang lakas ng tibok ng puso ko.
Nakita ko yung mga sasakyan ng mga bisita na nakaparada sa gilid ng daan. Shet, ang dami..
"tayo na." hahatakin niya sana ako ng pigilan ko siya.
"lisa, ikaw nalang kaya ang dumalo paki sabi nalang kay kia na busy ako. Tapos ikaw nalang ang mag bigay ng gift ko sa kanya." tinaasan ako ng kilay ni lisa.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito yung may paka bad girl ang dating.
"alam mo gaga ka, sa tingin mo masaya si kia pag nalaman niya wala ka sa kaarawan niya ha.. Ann, relax ka lang ok. Relax lang. enhale muna tapos exhale para wala yang kaba sa puso mo."
Hinawkan ni lisa yung kamay ko at huminga kami ng malalim bago huminga palabas..
"ok na ba?"
"bahala na tara." inayos ko muna yung sarili ko bago kami naglakad papasok. Pakshit ang daming reporter at media, alam ba nilang ito ang kahinaan ko.